The year 2013, Carmen Cebu.
Excited si Jessica habang paikot-ikot na tiningnan ang sarili sa harap ng isang malaking salamin sa loob ng kanyang silid. Tonight would be the night because she would seduce her childhood crush and first love, Samuel Velazquez. Ilang taon na niyang nami-miss ang lalaki pero hindi niya alam kung paano ito kontakin. Ano na kaya ang hitsura nito? Mas lalo kayang pumogi? Pero kahit hindi na ito kasing gwapo dati, walang magbabago sa feelings niya para sa lalaki.
Pagsapit ng alas-otso ng gabi, bumaba na siya kasama ang amang si Patrick Berganza at naghintay naman sa baba ang kanyang escort na si Francis Andrade at kaibigang si Jennifer Pepito. Nang mapansin niya ang itim na ball gown ni Jennifer na two-piece ang disensyo, wala siyang masabi kundi puriin ito. “Magpalit ka kaya ng damit, mas maganda ka pa yata sa akin ngayong gabi.” Pabiro niyang sabi sa kaibigan.
“Sus, binola mo pa ako. Ikaw nga itong parang prinsesa dyan sa suot mo, eh. Tingnan mo si Francis, feeling ko magiging lalaki siya ngayong gabi.” Natawang sumagot si Jennifer habang pinag-usapan nila ang tungkol sa kabaklaan ni Francis.
“Asa ka pa! Sinabi ko na sayo na ibang lalaki na lang ang pagtuunan mo ng pansin dahil kang mapapala sa kanya,” paalala ni Jessica kay Jennifer.
Umirap si Jennifer dahil ayaw niyang tanggapin na sa bakla pa siya nagkagusto. Sakto namang napatingin siya sa may pintuan at siyang pagpasok ng isang lalaki na hindi niya kilala at nanlaki ang kanyang mga mata. “Tama ka at sa tingin ko ay nakita ko na ang bagong lalaking magpapatibok ng aking puso,” sabi ni Jennifer at tinuro ang lalaking bagong dating.
Napasinghap si Jessica nang makilala ang gwapong lalaki sa doorway. He's tall and looked elegant in his expensive, and tailored gray-vested suit. Malapit lang siya sa may pintuan kaya kitang-kita niya ang peklat sa kaliwang pisngi nito, yong hugis na maihambing kay Kenshin Himura sa Samurai X na anime. Ganunpaman, gwapo pa rin ito at mas pinatindi pa ng peklat na yon ang s*x appeal ng lalaki. Ngumiti siya at naglakad palapit sa lalaki. “Hi Sam, akala ko ay hindi ka makakarating ngayon!” Excited niyang wika sa lalaki.
“Pwede ba naman ‘yon eh espesyal ka sa akin,” sumagot si Sam at ginulo ang buhok ng babae. Last time he saw her, she was just thirteen years old and not so beautiful. Napakaganda nito sa pink ball gown na suot. Who would have thought that his friend's daughter would transform from an ugly duckling into a beautiful swan? Hindi siya magtataka kung maraming manliligaw ang dalaga. Hay, ang bilis talaga ng panahon. She's now eighteen and legal. Aside from that, she's a good catch, being the only heiress of business tycoon Patrick Berganza who founded Berganza Group of Companies, the number one in international cargo forwarding with offices around the globe manned by his trusted associates.
“Not my hair, Sam! Baka masira pa ang hairdo ko,” paalala niya sa lalaki. Sam looked dangerous and hot at the same time. And his eyes, OMG! Nanuot sa buto at kalamnan kung makatitig, very intense.
“Stop staring at my face, peanut. Baka matunaw na ako nyan,” pabirong sinaway ni Sam ang babae.
Inilipat ni Jessica ang kanyang mga mata sa kisame. His words intimidated her, and yet she couldn’t stop herself from staring. “Ang pogi mo kasi,” sumagot siya.
“Salamat. Nasaan ang Papa mo?” Tinanong ni Sam ang babae.
“Nandun sa bar,” sumagot siya.
“Pupuntahan ko muna siya, okey?” Nagpaalam si Sam sa babae dahil gusto niya ring makausap si Patrick.
Hindi nakahuma si Jessica nang tumalikod ang lalaki at naglakad palayo sa kanya. Nang ma-realize niyang hindi pa niya ito napakilala sa kanyang mga kaibigan, sinubukan niyang habulin ito. "Wait," tumakbo siya papunta sa lalaki ngunit nakalimutan niyang naka-gown pala siya at hindi nakapantalon. At mahaba rin ang takong ng sapatos na suot niya. Ang resulta, para siyang nakipaghalikan sa sahig. Narinig niya ang pag OH MY GOD ng mga kaibigan kaya tiningnan niya ito ng masama. Sa harapan pa mismo ng lalaki siya nag-emergency landing. Nakakahiya!
Nagulat si Sam nang marinig na may bumagsak sa kanyang likuran at nang makita niya si Jessica na nakadapa sa sahig, tinulungan niya itong makatayo. "Are you alright?" tinanong niya ito.
"Sa tingin mo ba, okay ang lagay ko nito? Ikaw kaya ang madapa at tatanungin din kita kung okay ka lang ba, ano ang isasagot mo sa akin? Aber?" sa totoo lang naimbyerna siya sa tanong ni Sam.
"Whoa, relax, okay? Isa pa, hindi ko naman kasalanan kung bakit ka nadapa,” sagot ni Sam.
“Ano’ng hindi? Kasalan mo! Kung hindi ka tumalikod kaagad, hindi sana kita hahabulin!” Pagalit na nagsalita si Jessica.
“Tumayo ka na at pinagtitinginan na tayo, baka isipin pa nila na inaway kita.” Inalalayan ng lalaki si Jessica upang makatayo.
“Mamaya mo na puntahan si Papa, ipakilala na muna kita sa mga kaibigan ko.” Sabi niya kay Sam.
Kumunot ang noo ni Sam sa narinig. “Kailangan pa ba ‘yon?” Nagtanong siya?
“Syempre no! Sinabi ko na kasi sa kanila na pupunta ang boyfriend ko ngayon,” sabi ni Jessica.
“Boyfriend? May boyfriend ka na? Sino?” Sunod-sunod na katanungan ang lumabas sa bibig ni Sam pagkatapos sabihin ni Jessica na may nobyo na ito.
“Sino pa ba kundi ikaw?” Pagkasabi ay ngumiti siya at hinila ang lalaki papunta sa kanyang mga kaibigan.
“Ako?” Nanlaki ang mga mata ni Sam sa sinabi ni Jessica dahil wala itong katotohanan. “Kailan pa kita niligawan?”
“Sam! Ngayon mo pa ba ako ipapahiya sa kanila? Tara na, please?” Nakiusap siya sa lalaki na pagbigyan ang kanyang kahilingan.
“Pero Jess, alam mo ba ang magiging resulta pagkatapos mo akong ipakilala bilang nobyo? Hindi na ako magkakaroon pa ng girlfriend!” Pabirong sabi ni Sam ngunit mukhang dinibdib ito ng babae dahil bigla itong nalungkot.
“Kung ayaw mo, eh di huwag! Andami mong satsat,” galit na sumagot si Jessica at iniwan si Sam.
Napailing na lamang si Sam na sinundan ng tingin ang babae at nagsisi siya kung bakit lagi niya itong pinagbigyan dati. Nasanay tuloy ang babae. Kaya niyang gawin ang lahat para kay Jessica pero hindi ang pagiging nobyo nito. Ibang usapan na ‘yon. “Jess, sandali lang.” Tinawag niya ang babae at mabilis pa sa alas-kwatro na bumalik ito.
Ngumiti siya sa lalaki at hinawakan ito sa braso. “Ano? Payag ka na?”
“Hindi,” mariin na tumanggi si Sam.
“Hindi naman pala, bakit mo pa ako pinabalik?” Nainis na tinanong ni Jessica ang lalaki.
“Muntik ko ng makalimutan ang regalo ko, heto.” Sabi niya at ibinigay sa babae ang maliit na box.
Tinanggap ni Jessica ang regalo ni Sam at binuksan ito. “Kwentas?” Hindi niya inasahan na alahas ang ibigay ni Sam sa kanya dahil alam naman ng lalaki na marami na siyang alahas.
“Hindi mo ba nagustuhan?” Hinintay niya ang sagot ng babae.
Pinag-aralan ni Jessica ang pendant ng kwentas at nang ma-realize niya na initial nilang dalawa ang nasa pendant, ngumit siya sa laki at halos maiyak sa kasiyahan. “I love it, Sam! Common, let's go to the refreshment table.” Inanyayahan ni Jessica si Sam na kumuha ng maiinom ngunit nang tingnan niya ang mukha nito, nakasimangot ang lalaki. “What’s wrong?”
“Pinabayaan ka ba ni Patrick na maging lasinggera?” Tinanong niya ito bago pa siya pumili sa mga nakahilerang inumin.
“Lasinggera kaagad? Party ito Sam, ano ba naman ang saysay ng isang party kung walang inumin?” Inignora ni Jessica ang violent reaction ng lalake tungkol sa mga alcoholic drinks na available. “Kung ayaw mo, eh di huwag. Tara, doon na tayo sa buffet para makapili ka na ng kakainin.”
“Ako lang ba ang kakain?”Nagtanong siya habang sabay silang naglakad patungo sa buffet section ng pagkain.
“Tapos na kami. Baka nakalimutan mo na super late kang dumating,” ni-remind niya ang binata na alas sais nagsimula ang party ngunit alas nuybe na siya dumating at anumang oras ay magsisimula na ang sayawan.
Sari-saring pagkain ang nakahain. May lechon, steamed fish, beef with onions, beef with broccoli, hot and spicy chicken, pork bistek, bicol express, sinigang na hipon, adobong pusit at marami pang iba. Sa dami ng pagpilian, hindi makapili si Sam. “Gusto mo bang samahan kitang kumain o gusto mong mag-isa?”
" Jessica Marie, happy birthday!” Sabi ni Sam bago pa nakaalis ang babae upang bumalik sa mga kagrupo nito.
“Nagulat naman ako dun, akala ko kung ano na ang sasabihin mo sa akin.” Sabi ni Jessica.
Kanina pa hindi naintindihan ni Sam ang mga sinabi ng babae. “Like what?” He inquired.
“Nangako ka sa akin na liligawan mo ako kapag eighteen na, nakalimutan mo na ba?” tinanong ni Jessica ang lalaki.
“Ano? Sinabi ko ‘yon? Kailan?” Hindi niya matandaan na may sinabi siyang ganun sa babae.
“Ten years ago,” sumagot si Jessica.
“It must be a joke,” sabi niya sa babae. Kasi ten years ago ay bata pa si Jessica sa edad na diyes anyos samantalang siya naman ay disi-otso na. Sampong taon din kasi ang agwat ng kanilang edad.
“J-joke lang ‘yon?” Kung ganun ay naghintay siya wala? Hindi iyon kayang tanggapin ng kanyang puso kaya hinampas niya ang braso ni Sam. “You’re cruel,” sabi niya bago tinalikuran si Sam.