Chapter 21

1213 Words

Pilit na pinigilan ni Jessica ang matawa sa eksena sa pagitan nina Samuel at Maggie. Pagdating nila sa kainan ay saka pa lang nito nilubayan ang taynga ng lalaki. Namula ito ng husto dahil sa ginawa ni Maggie. Gusto niya tuloy pagalitan ang matanda sa ginawa nito dahil nag-alala siya na baka masira ang pandinig ni Sam. "Native chicken?" mahina niyang tanong kay Samuel nang maamoy niya ang pamilyar na ulam. "With malunggay leaves , lemongrass and basil," pagmamalaki niya. Actually, sawang-sawa na si Samuel sa sinabawang manok na may malunggay. Paborito ito ng kanyang asawa. At simula nang umalis ito sa kanila, araw-araw siyang nagpaluto ng sinabawang manok kay Maggie. May mga panahon na gusto na niyang masuka sa amoy ng manok ngunit iyon ang naisip niyang parusa para sa kanyang sarili. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD