Alas otso na ng umaga pero nakahiga pa rin siya sa kama. Wala siyang ganang bumangon at bumaba para kumain. May yogurt naman sa maliit na refrigerator sa kanyang kwarto. Iyon na lang siguro ang kakainin niya mamaya. Tinanong niya ang Panginoon kung bakit pinarusahan siya nito? Ang bata pa niya para kunin nito ang lahat sa kanya! Ngunit ang kanyang pagmumuni-muni ay nadistorbo nang biglang may kumatok sa labas ng kanyang silid. Bago nagtungo sa pintuan ay kumuha muna siya ng roba upang gawing pantakip sa suot na pantulog. May kanipisan kasi ito klaro ang dibdib niya. Nang maisuot na ang roba ay agad niyang binuksan ang pinto. Naisip ni Jessica na baka si Maggie ang nasa labas dahil nagkasagutan sila kahapon. "Sam!" Nagulat si Jessica dahil bigla na lang itong yumakap sa kanya. Nakasuot la