bc

A Kiss With The Mafia Lord

book_age18+
38.4K
FOLLOW
236.4K
READ
revenge
second chance
mafia
drama
sweet
serious
genius
office/work place
betrayal
secrets
like
intro-logo
Blurb

SEBASTIAN MONDEGO-MAGNA EL CALJON ACE AND COUNCIL HEAD.

Si Acally isang simple at matalinong babae na ang tanging gusto ay matupad ang pangarap na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya na pinapangarap niya.

Abot kamay na niya ang lahat ng sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nahuli n'ya ang fiance na may ibang babae ilang araw bago ang kanilang kasal.

Dahil sa labis na galit at sama ng loob ay nangako s'ya na gagantihan ito sa oras na magharap silang muli ay  ipapamukha dito na hindi ito kawalan sa kan'ya. Hahanap siya ng mas gwapo, yummy at mas hihigit pa dito.

Dumating nga ang pagkakataon na nagtagpo silang muli. Kasama nito ang babaeng ipinalit sa kan'ya at siya na nag-iisa. Kaya nabalingan niya ang lalaking seryoso ang mukha at salubong ang kilay ng abutin n'ya ang batok at basta na lang  siilin ng halik sa mga labi.

Halik na naging dahilan para magulo ang tahimik niyang mundo dahil hindi papayag ang isang Sebastian Mondigo na hindi n'ya pagbayaran ito.

Kaya n'ya kayang takasan ang kaparusahang naghihintay sa kan'yang kapangahasan kung sa bawat takbo niya palayo ay nakasunod  na tila anino ang Mafia Lord na si Sebastian Mondigo?

Hanggang saan siya magtatago kung sa bawat sulok ay lagi silang nagtatagpo?

May pag-asa kayang mabuo  ang isang pagmamahalan sa dalawang taong magkaiba ang paniniwala tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-ibig?

All Rights Reserved, 2021

Do not copy, plagiarism is a crime.

©️ Dragon1986

chap-preview
Free preview
Chapter 1
ACALLY "Girl, bilisan mong maligo. Para kang pagong kung kumilos, ang kupad mo!” Narinig kong malakas na sigaw ni MC habang kumakatok sa labas ng pintuan ng banyo. Bestfriend ko si MC at kasamahan sa trabaho rin. Magkasama rin kaming dalawa dito sa apartment simula nang pumunta ako dito sa Maynila. “Malapit na si Fhil,” paalala niya sa akin. "Heto na, lalabas na!" sigaw ko. Mahina kasi ang buhos ng tubig kapag ganitong oras, kaya natagalan akong matapos maligo. "Aba, Acally, anong petsa na?" nakapamewang na tanong ni MC sa akin nang buksan ko ang pintuan at bumungad siya sa harap ko. "Napakabagal kasi ng buhos ng tubig. Malakas pa ang ihi mo diyan," nakasimangot na reklamo ko. Ito ang nakakainis dito sa lugar namin kapag ganitong oras na. Halos wala nang patak ng tubig kapag alas-nueve na nang umaga. Gabi na kami nakauwi ni MC kagabi, kaya tinanghali ako ng gising. Tapos na sana ang oras ng trabaho namin, pero pinag-overtime kami ng boss namin dahil may dumating na kliyente sa beauty center. Inabot tuloy kami ng alas-dos ng madaling araw sa spa. Malas pa namin na malakas ang buhos ng ulan, kaya nahirapan kaming umuwi kanina, at umaga na kami nakatulog. "Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo, Sissy?" narinig kong tanong ni MC habang nakasunod sa akin. Maria Clara talaga ang pangalan ng kaibigan ko, pero dahil maarte itong best friend ko, kaya MC na lang daw ang itawag ko sa kaniya para sosyal. Siya ang una kong nakilala dito sa Manila nang lumuwas ako mula sa Lopez, Quezon. Pupuntahan ko sana ang kapitbahay namin na nag-alok sa akin ng trabaho, pero naligaw ako. Dahil hindi ako sanay sa pasikot-sikot dito sa Maynila noon at hindi ko alam ang galawan ng mga taong nasa paligid ko, nawala ang bagay na tanging koneksyon ko kay Minda. Siya dapat ang magpapasok sa akin noon sa trabaho sa bahay na pinapasukan niya, pero hindi na ako nakarating dahil naligaw ako. Nawala rin ang de-keypad na cellphone ko. Nadukot pa ang maliit na halagang dala ko, kaya nanlumo ako at nagsisi na sumugal akong lumuwas dito sa Maynila. Mabuti na lamang at napadaan sa parke si MC at nakita niya akong malakas na humahagulgol sa gilid ng kalsada. Awang-awa ako sa sarili ko noon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natakot kasi ako na may masamang mangyari sa akin sa kalsada, lalo na at hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Gustuhin ko man na bumalik noon sa amin sa probinsya, ay hindi ko magawa dahil wala na akong pera. Isa pa, kung babalik ako doon, siguradong masasaktan na naman ako ng tatay ko. Hindi ko isusugal ang sarili ko dahil muntik na akong mapatay ng aking ama noong minsang umuwi siya na susuray-suray at lasing na lasing, kaya ginusto ko na umalis doon para magtrabaho sa malayo at makalayo sa kanila. Mas mabuti na rin na umalis ako para hindi ko na maranasan ang kalupitan ng mga magulang ko. Lumaki akong walang naramdamang pagmamahal sa pamilya na kinamulatan ko. Aso't pusa ang mga magulang ko, at walang araw na hindi sila nag-aaway at nagtatalo. Parte na talaga ng buhay namin sa araw-araw ang sigawan at murahan, na nakasanayan ko na. Nawalan na rin ako ng pakialam sa aming mga kapitbahay na palagi kaming pinag-uusapan. Nabuhay akong manhid at walang pakialam sa paligid. Ayaw ko nang balikan ang buhay na 'yon, kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ko sila gagayahin. Mabait ang Diyos dahil nakilala ko dito sa Maynila si MC. Tinulungan niya akong magkaroon ng trabaho at bahay na matutuluyan. Labing walong taong gulang lang ako nang lumuwas dito sa Maynila, at makalipas ang limang taon, ay matatag na ako. Dahil 'yon kay MC, na buong puso akong tinulungan at inaruga, kahit hindi kami magkadugo. Minsan talaga ay mas mabuti pa na lumapit sa ibang tao kaysa sa sariling kamag-anak mo. Wala man akong natanggap na pagmamahal mula sa aking pamilya, pero naranasan ko iyon kay MC dahil higit pa sa kaibigan ang turing niya sa akin. "Nag-daydreaming ka na naman, Bessy. Kapag nahuli ka, siguradong maiinis na naman ang boyfriend mo. Alam mo naman na ayaw na ayaw niya na pinaghihintay," nakasimangot na sabi ni MC. Kilala niya ang ugali ni Fhil. Ayaw ng lalaking iyon ng mabagal kumilos, kaya palagi kaming nag-aaway dahil naghihintay siya sa akin. Malaki ang nagbago sa buhay ko simula nang nagpunta ako dito sa Maynila. Dito ko natagpuan ang kapayapaan na hinahanap ko. Malayo sa magulong takbo ng araw-araw na buhay ko sa probinsya, kasama ang mga magulang ko. Dalawang linggo na lang ay ikakasal na kaming dalawa ni Fhil. Ito ang araw na pupunta kami sa simbahan para sa huling linggo ng seminar namin. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayong ikakasal na ako sa taong mahal ko. Masaya ako kay Fhil, siya ang nag-iisang lalaking minahal at pinagkatiwalaan ko. Nakakaramdam ako ng lungkot dahil alam kong hindi pupunta dito sa Maynila ang mga magulang ko para dumalo sa kasal ko. Matigas ang puso nila at itinakwil nila ako noong araw na umalis ako sa probinsya. Nawalan kasi sila ng katulong sa bahay, na siyang gumagawa ng lahat ng gawain. Araw-araw ay umuuwi lamang si Mama kapag nagutom siya galing sa pakikipag-kapitbahay. Dapat ay nakapagluto na ako kapag dumating siya, dahil kung hindi ay nakakarinig ako ng masasakit na mga salita mula sa kaniya, at kung minsan naman ay may sampal at sabunot pa. Kapag minalas ako at masama ang araw ni Mama at nag-away silang dalawa ni Papa, ako ang napagbubuntunan niya ng galit. Maraming ulit kong naisip na hindi nila ako anak. Napakaraming tanong sa isipan ko kung bakit gano'n ang trato nila sa akin gayong nag-iisang anak lamang ako. Nasagot ang tanong ko nang dumating ang kapatid ng aking ina. Siya ang nagkuwento sa akin ng mga bagay na gusto kong malaman tungkol sa puno't dulo ng magulong pagsasama ng mga magulang ko. Hindi umano gusto ng mga magulang ko ang bawat isa. Napilitan lamang silang magpakasal dahil may nakakita sa kanila noon sa probinsya na magkasama sa madilim na lugar, kaya kinaumagahan ay pinatawag ang pamilya ni Papa para ikasal ang dalawa. Ganoon kasi ang mga matatanda sa probinsya. Makita lang na magkasama o kaya naman ay magkausap ang dalaga't binata, lalo na kung gabi, ay nagagalit sila. Pareho umanong may kasintahan ang mga magulang ko, kaya gano’n na lamang ang galit nila sa isa't-isa dahil nasira umano ang buhay nila at sinisisi ang bawat isa. Kahit nabuntis si Mama at ipinanganak na niya ako, hindi rin nila natutunan na mahalin ang isa't-isa. Sa akin napunta ang sisi, at higit sa lahat, ako ang sumalo sa lahat ng frustration ng mga magulang ko. Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si MC dito sa silid namin. Iniwan kasi niya ako kanina para bigyan ng privacy na magbihis. Alam niya ang mga bagay na mahalaga sa akin, kaya wala akong naging problema sa kaniya sa loob ng limang taon na kasama ko siya dito sa apartment. Nakakalungkot na aalis ako at iiwan ko na siya. Dalawang linggo na lang ay lilipat na ako sa bahay na titirhan namin ni Fhil. May maayos at magandang trabaho si Fhil. Supervisor siya sa isang pabrika sa Pasig. Regular na rin siya doon, kaya panatag na ako sa kaniya dahil alam ko na kaya niya akong bigyan ng magandang buhay kapag kasal na kaming dalawa. Doon na rin kami nagkakilala nang pumasok ako sa pabrika noon bilang contractual. Agad kaming nagkapalagayan ng loob sa kumpanya, hanggang sa isang araw ay nanligaw siya sa akin at sinagot ko naman agad pagkatapos ng apat na buwan. Masaya ako na matutupad na ang pangarap ko na makapag-asawa ng taong pinili ko at mahal ko. Hindi ako magiging katulad ng mga magulang ko, kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ko ipaparanas sa mga magiging anak ko ang pinagdaanan ko noon sa probinsya. Mamahalin ko sila ng higit pa sa buhay ko, at hindi ko hahayaan na maramdaman nila ang lungkot at sakit na naramdaman ko noong nasa poder pa ako ng mga magulang ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
24.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.9K
bc

His Obsession

read
100.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook