ACALLY "Sissy, gising," narinig kong sabi ni MC habang marahan niya akong tinatapik sa balikat. "Bakit? Tanghali na ba?" pupungas-pungas na tanong ko dahil madalas ay tinatanghali ako ng gising. "Hindi,” sagot ng kaibigan ko. “Bumangon ka na diyan, Sissy, bilisan mo!" "Bakit ka ba nagmamadali, e, maaga pa naman pala?” inaantok na tanong ko kay MC. Hindi agad ako nakatulog kagabi dahil bukod sa laging laman ng utak ko ang nangyari sa opisina ni Sabby, kinulit rin ako ng mga kaibigan ko dahil nakita nila ang mga marka sa leeg at dibdib ko nang magbihis ako. Hiyang-hiya ako sa mga kaibigan ko. Hiniling ko na lang na bumuka ang lupa at lamunin ako dahil paulit-ulit nila akong tinutukso. Labis na kahihiyan ang naramdaman ko dahil huli ko na napansin na pati pala sa aking mga dibdib ay n

