SEBASTIAN Akala ko wala akong kakayahan na tumigil at manatili sa bahay kahit isang araw lang. Dalawang linggo mahigit na akong hindi pumapasok sa opisina ko at puro video call meetings lang ang tinatanggap ko dahil ang alam ng lahat ay nasa abroad ako. Pinili ko na manatili dito sa mansyon kasama si Acally dahil bukod sa gusto ko siyang makasama ay nag-aalala ako sa kondisyon niya. Lately kasi nag-iba ang nakikita kong emosyon niya. Naging mas tahimik, bihira kung kumibo at hindi ngumingiti. Masungit din siya at lagi ay tila malalim ang tumatakbo ng isipan. Gustong-gusto kong alamin ang problema niya o bagay na gumugulo sa isipan niya pero nanatili siyang tahimik. Tinawagan ko na si Collin para tanungin kung anong gagawin ko para bumalik siya sa dati pero tinawanan lang ako at sinabi