ACALLY Malakas na katok ni Mc sa labas ng pintuan ang gumising sa akin. Babangon sana ako ng magising ako pero nauna ng tumayo si Sabby at tinungo ang pintuan. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na may kumot na nakatakip sa katawan ko dahil agad na nakatulog ako kanina natapos ang nangyari sa amin ni Sabby. "She's sleeping," narinig kong sabi ni Sabby sa kaibigan ko. "Okay, gisingin ko sana para mag-tanghalian malimit kasing tulog siya sa tanghali at hindi pa kumain." Napangiti ako sa narinig na sinabi ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga si Mc ay ako lagi ang iniisip. Gusto kong kumain pero inaantok talaga ako. Ewan ko ba pero recently takaw tulog talaga ako. Pakiramdam ko lagi ay hinahatak ako sa ibabaw ng kama at ina-akit na matulog. "Baby, wake up. Kailangan mo ng kumain ng