LETICIA VIDA NABALI ko ang sanga ng hawak kong bulaklak sa diin ng pagpapakuyom ko ng aking mga kamao habang naka-sentro ang nanlilisik kong mga mata kay Krugen pero mas lalo lang umusbong ang galit sa kaloob-looban ko nang masilayang pinakitaan ako ng nakakairita n’yang ngisi. “Divorce?” He almost laughed at me. Sumeryoso agad ang kan’yang mukha. “Don’t worry, we will get on that stage after you deliver my son and I will look for his new mom.” Hindi ko maipaliwanag sa pamamagitan ng salita kung gaano nakakagalit ang mga sinabi n’ya sa ‘kin. Ano ako? Baboy? Hayop? Na pagkatapos manganak, puwedeng kunin sa nanay? What is he even thinking? Ganiyan na ako ka babaw sa kan'ya? “Are you even seeing me as a human, Krugen?” Pinilit kong ituwid ang mga salita ko kahit nanginginig na an