Chapter 45 Pagkapasok ni Bella sa kwarto ay kaagad na lumabas si Eon para makaiwas. Ayaw niyang makipag-usap. He is so damn afraid na baka ang hingin nito ay annulment din para sa kasal nila. He can't let it happen. Kanya lang si Bella at kahit pa magmukha siyang tanga ay wala syang pakialam. Ikukulong niya ang asawa niya kahit pa sabihin halimbawa na ayaw na nito sa kanya. Hindi niya hahayaan na makalapit si Jesmond sa asawa niya. He owns Bella, kahit kailiit liitang balahibo ay kanya. Nag-utos sya sa isang tauhan na ibili sya ng crib. Gusto niya sana na sya ang bumili pero ayaw niyang lumabas. Baka tumakas na naman ang asawa niya at bitbitin ang mga bata. Malay niya ba kung sumama lang sa kanya ay dahil alam na walang kalaban laban ang mga ito kanina sa kanya. Kung anong selos a