Chapter 44 Nakaramdam si Bella ng pananakit ng sugat niya dahil sa pagtakbo. Hindi kaagad sya nakasampa sa eroplano na naglanding pala ay sa tabing dagat. Napangiwi sya at nahawakan ang puson kasabay ng paghawak sa may hawakan sa bukana ng eroplano. Di nya alam na nakatutok pala sa kanya ang mga mata ng asawa na nasa may pinto rin at hinihintay sya. "Why ran? I'm not going to leave without you. The twins need you,” he said coldly. Tumingin sya rito. Eh ikaw, do you still need me? her eyes softened. Gusto niya sanang itanong nang magkatitigan sila, but Eon averted his gaze. May lungkot sa mga mata nito at kung noon na galit ito sa kanya ay puro apoy ang nakikita niya, ngayon ay iba. She can still see his love despite his coldness and sorrow. Yun lang ay may kahalong sama n