Pikit matang pinindot ni Martha ang kanyang pin code habang nakaharap sa isang ATM machine.. Pakiramdam niya nanginginig pa ang kamay niya sa sobrang tense.
Tatlong lunok na sunod sunod ang ginawa niya bago ininput ang digits na kanyang wiwithdrawin..
"Anu ba yan Miss! Halos Nakaka-isang oras ka na jan ha?!" Sita sakanya ng babaeng kasunod niya sa pila
Lalong tumagaktak ang pawis niya..
Diyos ko.. Sayang ang savings kooooo.. Bulong niya sa sarili bago tuluyan nag withdraw ng Isang daang Libong piso. Gusto niyang maiyak dahil 200,000 lang ang savings niya! At inipon niya pa yun sa loob ng dalawang taon.
Cannot process your request.. Maximum account of transaction is 10,000 only
Natapik ni Martha ang kanyang nuo.. "s**t kailangan ko pa tuloy mag punta sa loob ng banko" napakamot nalang siya sa kanya ulo bago tuluyang icancel ang transaction niya.
"Wala naman palang pera! Ang tagal tagal pa!" bulyaw kay martha nung babaeng kasunod niya sa pila.. Para itong naligo sa pawis
Napangiwi nalang si Martha dahil napansin niyang mahaba na pala ang pila sa ATM machine na pinagtambayan este pinag withdrahan niya.
Hmmm malay ko bang ito lang ang ATM machine sa lugar na to.. Grrrrr
Bagong Salta lang kasi si Martha dito sa Cebu.. Kung saan lumipad pa siya mula manila hangang dito para lang masundan yung taong nakabuntis kay Gina.
Dito sa Cebu nakatira si Calix Cullen. Malaki na din ang nagastos niya sa Plane ticket niya papunta dito..
Napabuntong hiniga si martha dahil sa bigat ng Bag na dala dala niya higit pa dun pagpasok niya sa banko ang haba haba din ng pila.!
"Shemay naman oh.." Gusto na niyang magpahinga pero wala siyang pera pang check in sa condo-hotel kung saan nabalitaan niyang pag aari ni Calix Cullen.
Halos isang oras siyang pumila. Sa wakas siya na ang susunod
"Good morning Ma'm" Bati sakanya ng teller ng banko habang nakangiti ito ng pagkatamis tamis
"Walang Good sa morning ko kaya bilisan mo" pagtataray niya.. Gutom na kasi siya kaya masungit nanaman siya. Naiinis kasi siya sa teller na ito dahil kanina pa ito daldal ng daldal ng chismis sa katabi nitong teller din!
Napataas naman ang kilay nung babaeng teller at kinuha na yung passbook niya, Valid Id's niya.
"May service charge kami na one hundred pesos kapag internranch transactions" Walang kangiti ngiting inporma sakanya ng teller
"What?!" Napasimangot naman si Martha sa sinabi ng teller
"Sabi ko po may service charge kami na one hundre---"
"Magpapaservice charge pa kayo? Ang haba haba ng pinila ko. Gutom na gutom nako kakahintay sa pag transact mo dahil panay chismisan lang kayo dito. Alam mo ba kung gaano kabigat tong bag ko? bakit ba wala man lang kayong upuan sa banko na to? Tapos 100 pesos?"
Hindi na napigilan ni Martha ang magalit sa teller.
"Actually nagkamali ako 200 pala its not 100 pesos.. Dahil interegional transaction to.. Sa manila ang branch mo.. Nasa Cebu ka ngayon" Nakataas ang kilay na sagot sakanya ng teller. Ngunit pansin niya din na parang nag papacute ito sa kung sino mang tao sa likuran niya. Dahil pangiti ngiti ito..
Nakuha pang mag pacute ng bruha! Hindi nalang tinignan ni martha kung sino ang nasa likuran niya.
Kung may usok lang na lalabas sa ilong niya malamang mas malakas pa sa usok ng mayon volcano!
"Fine! kunin mo nalang sa account ko!" Pinigilan nalang ni martha mag eskandalo.
Nakakagigil yung mga ganitong banko! Kung makapag service charge wagas pero hindi naman pang satisfaction ang services!
Binigay sakanya ng teller yung One hundred thousand pesos. Binilang niyang mabuti.. At ipinasok sa kanyang bag
"Pwede ba sa susunod Miss wag kayong chismisan ng chismisan? Mahiya kayo sa mga nakapila!" Lumalabas talaga ang pagkamaldita ni Martha kapag nagugutom siya..
Narinig niya naman ang ibang customers na nakapila na sang ayon sakanya
"Oo nga ang bagal bagal na nga mag sitrabaho.. nagchichismisan pa" Parinig din ng ilang customers.
Grrrrr di nako babalik sa banko na to!
Napalinon naman si Martha sa isang lalaking kakalabas lang ng Banko.. Nakatagilid ito ngunit pamilyar sakanya ang mukha nito!
Halos lahat din ng mga tao sa loob ng banko nakatingin dito.
Si.. Calix Cullen?!
Hindi nagkakamali si Martha! Si Calix Cullen nga ito! Namemorize na niya ang mukha nito dahil magdamag niyang tinitigan ang litrato nito.
Kasunod nito ang apat na mga lalaking nakauniform na itim. Lahat sila mukhang mga bouncer! Panigurado ito ang mga body guards nito
Gusto niyang tawagin ito ngunit huli na ang lahat! Nakasakay na ito sa isang Van na kulay puti.
"C..Calix! Walanghiya ka bumalik ka ditooooo! panagutan mo si ginaaa!" Nang matauhan siya hinabol niya ang Van nito ngunit huli na ang lahat nakalayo na ito..
Shit!!!!! Sayang!!! Napasabunot siya sa kanya buhok sa labis na frustrations.
Sakto namang kumulo ang tiyan niya.. Kagabi pa kasi siya kumain..
"Magkikita din tayo!" Para siyang sira ulong kausap ang sarili niya bago tuluyang pumara ng tricycle.