Hindi padin makapaniwala si Martha na nakita na niya si Calix Cullen, kahit pa nakatagilid lang ito nagsusumigaw ang kagwapuhang taglay nito..
"Bakit kaya ang gwapo ng isang yun?" tanong ni Martha sa kanyang sarili habang kumakain siya ng shanghai roll na isinawsaw niya pa sa suka
"Ate yung panyo niyo po nasa lapag" Sabi ng babaeng dumaan sa gilid ni martha. Ngunit hindi niya narinig ang sinabi ng babae dahil okupado ni Calix Cullen ang kanyang pag iisip
wala talagang matinong lalaki sa panahon ngayon! Gwapo nga at sobrang yaman ngunit manloloko naman!
Napabuntong hininga si Martha sa kanyang naisip.
paano kaya ako makakapag asawa? kung wala na akong tiwala sa mga lalaki sa paligid..
Nagpalinga linga si martha sa buong karinderya. Madaming mga tao ang kumakain sa loob nito.. Itong karinderyang ito ang pinakasikat sa Cebu City lalo na sa Halo halong tinda dito dinarayo talaga ng mga turista. Susyal ang karinderyang ito dahil aircondition pa. At mamahalin ang mga pagkain.
Napasimangot si martha ng makita niya sa kabilang table yung customer na matandang lalaki.. May kasama itong buntis na batang babae.. Mukhang 16 years old palang ang kasama nito.
"Tignan mo nga naman ang mga lalaking to! Pati ba naman mga bata binibiktima. Mga manloloko talaga!" Di mapigilan sabihin ni Martha at naalala niya tuloy ang best friend niya. Kawawa naman ito inanakan lang ng Calix Cullen na yun!
"Pag inanakan niyo dapat panagutan niyo!"
"Miss?"
"Hindi naman laruan ang mga babae may damda---"
"Miss?"
Napalingon si Martha sa kumalabit sakanya.
Halos malaglag ang panga niya sa taong nasa harapan niya ngayon!!! Literal na umurong ang dila niya dahil sinalubong siya ng maamong mukha nito.
His green eyes is melting every part of her brain! Parang tinutunaw nito ang buong pagkatao niya.. His perfect face is hipnotizing her soul down to her well being.
"Miss?" untag nito sakanya
"H..Ha?" yun lamang ang lumabas na salita sa taong kaharap niya ngayon
Halos mangawit ang kanyang leeg sa pag tingala dito. He is tall, Perfectly handsome , Perfect nose, Perfect green eyes, Perfect eyelashes, Perfect natural red lips na parang kay sarap kagat kagatin buong magdamag, Ang bango bango din nito.. Ang sarap amuy amuyin.. Ang linis linis niya din sa katawan----
"done praising me?" Hinawakan nito ang baba niya upang isarado ang kanyang bibig.
Nahimasmasan naman ng konti si Martha sa sobrang pagkabigla sa kagwapuhan nito.
Ngumisi ito na parang natutuwa sa reasyon niya.. Kaya nawala nanaman siya sa kanyang sarili ng mapagmasdan ang ngiti nito.. Totoo pala ang killer smile.. parang aatakihim kasi siya sa kanyang puso ng makita niya ang ngiti nito.. Daig pa nito ang mga modelong toothpaste!
And his breath is soo damn fresh! Shemay!
"Kanina ang daldal daldal mo. bakit ngayon hindi ka na makapag salita?" Tanong nito sakanya pero wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito
Ang rinig niya "Kanindgmaydmwgnskbakitnskshnmakapagsmagta"
"H...Ha? A..Ano?" Nagawa niyang makapagsalita kahit parang nahihipnotismo padin siya ng taglay na kagwapuhan nito.. Ngayon lang kasi siya nakakilala ng ganito kagwapong lalaki.. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking kay sarap titigan ang mukha. Parang ang sarap din nitong haplusin dahil napakakinis ng mukha nito.
"Wala.. Hmm is this yours?" Binigay nito sakanya yung panyo na kulay pink
Napatango na lang siya habang titig na titig padin dito
"S..salamat" Wala sa sarili tinangap nalang niya yung panyo habang nakatitig padin sa mukha nito
"Welcome. I gotta go.."
"Hmm By the way nice cleavage" Bulong nito sakanya at pagkatapos Kumindat pa ito bago siya tuluyan iwanan na nakatulala padin
Welcome. I gotta go.. By the way nice cleavage...
Welcome. I gotta go.. By the way nice cleavage......
Welcome. I gotta go.. By the way nice cleavage.....
By the way nice cleavage.....
By the way nice cleavage.....
nice cleavage....
nice cleavage....
Ano daw?!
Tila ngayon palang pumasok sa kukote ni Martha ang lahat ng nangyayari ngunit nakasakay na sa kotse niya si Calix Cullen.
"C..Cleavage?!" Napatayo si martha sa kanyang upuan at napatingin sa kanyang dibdib.
Nag init ang kanyang pisngi ng makitang halos lumuwa na pala ang kanyang s**o sa kanyang suot na fitted black sleeveless!
Mabilis niyang itinaas ang kanyang blouse at tinakpan ang kanyang dibdib
"B..astos!!! Bastos ka! T..Teka si.. Si Calix Culeen yun ha!!! M..Manyak bumalik ka dito!" Tumakbo si Martha palabas ng karinderya upang habulin si Calix Cullen
Ngunit hindi nanaman niya ito naabutan!!!!
"Miss yung bayad mooo!!" Habol sakanya nung isang waiter
"Ahhhhrgghh ang tanga ko nasa harapan ko na eh!!!" Naglakad si marta pabalik sa loob ng karinderya upang balikan ang kanyang Bag at bayaran ang pag kain niya. Naiinis siya dahil sayang yung pagkakataon na makausap na niya ito!