Pagkatapos alisin ang tali sa kamay ng lalaki ay inilaglag ko sa harapan niya ang kutsilyo. "Kill them" Sabi kong ngumisi at bumaling sa tatlo. Nakayuko lang ang kanilang pinuno marahil ay tinanggap na nito ang kamatayan. Habang ang dalawa ay napaluhod habang umiiyak. Lumakad ako at tinungo ang aking upuan saka umupo. Nakangising pinapanuod ang apat. Sinubukang tumakbo ng dalawa ngunit mabilis silang pinigilan ng aking tauhan, sinuntok ang kanilang sikmura at mukha hanggang sa lumuwa sila dugo at sa sahig ay napahiga habang namimilipit sa sakit.
"I said kill them!" Sigaw ko sa lalaking nakatingin lang sa kanyang mga kasama. Hindi ito kumikilos kaya muli kong tinutok sa kanya ang baril kong hawak. "Ikaw ang papatayin ko" sabi ko at ilang segundo lang ang lumipas ay nakita ko na ang pagsasak nito sa kanyang dalawang kasama.
"Gusto ko pang mabuhay!" Sabi nito habang patuloy na pinagsasaksak ang isa. Tinamaan niya ang dibdib, tiyan, tagiliran at ang leeg. Nang matapos ay bumaling naman siya sa isa.
"Wag, parang awa mo na, maawa ka sa akin" ani ng isa na nakuha pang magsalita habang namimilit sa sakit.
"Wag! Wag!" Muli nitong sambit at ilang segundo lang ay nawalan na ito ng buhay. Isinaksak ng lakake ang kutsilyo sa kanyang tiyan. Sunod ay sa kanyang leeg na sumirit pa ang dugo at kumalat sa may sahig.
"Kill him" sabi ko at bumaling sa kanyang pinuno. Umiiyak na ito habang nakatingin sa akin. "Do you think maaawa ako sayo? No, I wont forgive you" sabi ko naman sa pinuno.
"Maawa ka, patawarin mo na ako, please, please, let me leave" sabi nito habang umiiyak.
Tumawa ako ng mapait at yung baril na hawak ko ay ipinutok ko ng tatlong beses sa kanyang tauhang may hawak na patalim. Unti unti itong lumuhod sa sahig at mayamaya lang ay bumagsak. Tuloy tuloy ang pagkalat ng dugo mula sa mga katawang wala ng buhay ang aking nakita. Nanginginig ang aking katawan habang tinititigan ang kanilang pinuno. Gustong gusto ko ang nakikita ko, patay na ang tatlo at itong pinuno nila ay malapit na rin mawala.
"Hindi na lang sana kayo tumakas ng kulungan para mabuhay pa kayo ng matagal. Tsk, tsk. You just give me a chance to kill you. Am I right?" Sabi ko at ngumisi.
"Wag, maawa ka----
Ipinutok ko ang baril ng maraming beses na halos tumagal ng dalawang minuto. Pagkatapos ay nakita ko kung paano siya dahan dahang dumausdos sa sahig, naliligo sa sariling dugo at ang mga balang tumagos sa kanyang likod.
Di ko napigilan ang labi kong ngumiti parang may tinik na natanggal sa aking lalamunan dahilan para ako'y bumuntong hinga.
"Boss nandito na po yung apat, ano pong gagawin natin sa kanila" sabi ng tauhan ko at ilang sandali ay may dumating ulit na apat na lalaki. Nakatali ang kamay, nakapiring at nakabusal ang kanilang bibig.
Ibinigay ko sa isa kong tauhan ang baril na hawak at ito naman ay nagbigay ng puting tela saka ko pinunasan ang aking kamay. "Patayin niyo make sure na wala kayong ititirang buhay" utos ko saka lumakad palabas sa abandonadong warehouse.
Nang makarating sa aking sasakyan ay kinuha ko sa aking bulsa ang aking telepono na kanina lamang ay nagba-vibrate. Rumihistro agad ang pangalan ng sender kaya agad kong binuksan ang mensahe nito.
"Apo, anong oras ka uuwi? I cook your favorite. Come home early" - Grandma
Pagkatapos basahin ay naisandal ko na lang ang aking likod sa pintuan ng sasakyan. Hinilot ko ang aking sintido upang mabawasan ang panginginig ng aking katawan. Ngayon ko naramdaman ang takot at pangamba. Takot na baka malaman ng aking lola ang ginawa kong pagpatay.
"She should not know about this." Sabi ko at kinuha ang damit sa aking sasakyan. Nagbihis ako at inilagay sa plastic ang aking damit. Pagkatapos ay tinawagan ko ang aking tauhan na nasa loob pa din ng abandonadong warehouse.
"Wala kayong iiwanang ibedensya. Linisin niyo lahat ng kalat, kayo na bahala. I'll deposit the payment this evening" wika ko
"Yes boss thank you" sagot naman nito at narinig ko ang malakas na putok ng baril mula sa kabilang linya.
"K" sagot kong bumuntong hinga saka pinutol ang tawag.
*************
"You have a tattoo?" Taning ng aking lola habang iniaabot ang puting towel sa akin.
"Yeah, Maganda ba tignan?" Sabi kong nakangiti at kinuha ang towel
Nakita ko kung paano sumalubong ang kilay niya habang nakatitig sa akin at sa balikat kong may tattoo.
"Dinudimihan mo lang yang balat mo" sermon nito at lumakad papasok sa gate.
"Grandma this is what I want" gusto ko pa sanang maligo sa dagat ngunit napasunod na ako kay lola na pumasok sa aming bahay.
I know she will get mad pero eto ang gusto ko. It boost my confidence sa tuwing makikita ko ang aking tattoo, it also reminds me na I can do everything kahit pa ang pumatay.
"Achi, hindi kita pinalaking sutil! Akala mo ba hindi ko alam na hindi ka pumapasok sa school mo, you even beat your classmates. Apo ano bang nangyayari sayo?!" Tuloy tuloy itong lumakad paakyat ng hagdan at ako naman ay nakasunod sa kanya.
"Ok, ok, I'm sorry" sabi ko na ikinahinto niya sa pag-akyat ng hangdan bumaling siya sa akin na may lungkot sa mata. I dont want her to cry kaya niyakap ko agad siya.
"Achi, nakikiusap ako sayo mag-aral ka. Wag ka nang gumawa ng kalokohan."
Umalis ako sa pagkakayakap at hinarap siya at hinawakan naman ang magkabilang balikat niya. "I will, I promise"
"You should be ready. Ilang taon na lang ang bibilangin ikaw na ang magpapalakad ng mga negosyo natin. Kaya mag-aral ka ng mabuti, pag aralan mo lahat ng tungkol sa negosyo" sabi nito na huminahon na.
Tumango lang ako at siya naman ay hinaplos ang basa kong buhok. "Kailangan mong maging responsable. Matanda na ako at hindi habang buhay kasama mo ako. Im hoping that someday someone will come to your life. And if thats happen matutuwa talaga ako. Kasi merong mag-aalaga sayo at magmamahal"
"Grandma matagal pa yan. For now let's enjoy the time na magkasama. I'm happy that you are here" sabi ko at mayamaya lamang ay ngumiti na siya.
****************
-----------------------
"Achi!"
Nahinto ako sa paglalakad at nilingon ang babaeng patakbong lumalapit sa akin. Kunot noo ko siyang tinitigan habang siya ay nakangiti at mayamaya pa ay may sulat siyang ipinakita.
"What?" Tanong ko. Gusto ko na sanang lumakad ngunit hinawakan naman nito ang aking braso.
"Ibibigay ko lang ito" sabi niya at pilit na inaabot ang papel na nakatupi.
Nag-umpisang magtinginan ang ibang estudyante sa amin at magbulungan.
"Diba may boyfriend yan?" Wika ng estudyanteng naglalakad.
"Oo nasa class B ang boyfriend niyan balita ko nga eh member daw yun ng gang" sagot naman ng kasama nito.
"Halika na, baka madamay pa tayo" wika ulit ng isa at sila ay mabilis na naglakad palayo sa amin
Nagkumpulan ang ibang estudyante sa paligid namin na parang nanunuod ng pelikula.
"Girl wag si Achi. Gwapo siya pero di ka niyan papatulan." Komento ng isa.
"Oo nga, kami nga na classmate niya di niya pinansin ikaw pa kaya?" Sagot naman ng isa.
Biglang sumigaw ang babaeng nasa aking harapan at nilingon ang mga nag-uusap. "Hey! Are you jealous?. O baka hindi mo matanggap na mas maganda ako sayo".
"Malandi!" Sigaw din ng kasagutan niya.
"But Im prettier than you!" Sagot ulit niya.
Nag umpisang magbulungan ang mga estudyante na nakapaligid sa amin. Hindi ko gustong pag usapan ako kaya inirapan ko ang babaeng kanina pa hindi umaalis sa harap ko.
Nagtuloy na lang ako sa paglakad ngunit mabilis na humarang ang babae.
"What?" Inis kong sambit.
"Please just accept this, please" she said and smiled.
"No, itapon mo na lang yan" wika ko at nagtuloy sa paglakad
"I like you!" Sigaw ng babae na nag pahinto ng bulungan ng mga estudyanteng nakatingin sa amin.
Huminto ako at nilingon ang babaeng sumigaw. Binigyan ko siya ng saglit na ngiti na naging dahilan nang pagtili ng iba pang estudyante na nanunuod sa amin.
"Would you mine if I say that I like you?" Sabi nitong halos umabot ang ngiti niya sa kanyang tenga.
Ang akala siguro niya ay okay sa akin. Umiling ako ng dalawang beses at binigyan ko siya ng seryosong tingin. Lumapit ako sa kanya at idinikit ang aking bibig sa tenga niya, bagay na mas lalong sumigaw ang estudyanteng naroroon.
"OMG!"
"No no no!!" Sigaw ng mga naroon na tila naiinggit sa babaeng kaharap ko.
"I dont like you, stay away from me" bulong ko at tinitigan ang kabuuan ng kanyang mukha. Kitang kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo at namuo ang mga luha sa kanyang mukha.
"Why?" Sabi niya at tumulo ang isang patak niyang luha.
"I'm not interested. Besides hindi ako pumapatol sa may boyfriend na" sabi ko at ngumisi.
Biglang nagtawanan ang mga nakapalibot sa amin at kinutya ang babaeng kausap ko.
"Buti nga sayo! Malandi ka kasi!"
"May boyfriend na, lumalandi pa ng iba!"
"Girl takot maubusan ng lalaki?!"
Sunod sunod na tukso ng mga babae sa kanya.
"Magbabayad ka!" Sabi niya sa akin at binigyan ako ng malutong sa sampal. Gumilid ang aking mukha sa lakas ng sampal niya. Napahawak ako sa aking pisngi at pangiti ngiting binalingan siya.
I think, siya na ang pang sampu sa mga babaeng binasted ko this month. Mayroon naman siguro siyang ideya na hindi ako namamansin mapa babae man o lalaki. All of the students are know my name pero ni isa sa kanila ay di ko kilala.
"Then do what you want" nakangising sambit ko at lumakad na upang umalis.
"How dare you!" Isang sigaw mula sa aking likuran ang bigla kong narinig at isang saglip ay hinatak nito ang aking balikat paharap sa kanya at sinuntok ako sa pisngi.
Napaatras ako at hinawakan ang labi kong may dugo. "Tsk," inis ko at tinignan ang taong nasa aking harapan. Isang estudyanteng lalake na mas matangkad sa akin. May kalakihan ang katawan at namumula ang mukha sa galit. Nasa likuran niya ang babae at sa hula ko ay nobyo niya ito. May mga kasama siya na nakapalibot sa akin, nasa tatlo sila. Naghahantay ang mga ito kung kelan susugod at bubugbugin ako.
"Siguro naman titigilan mo na ang girlfriend ko" singhal nito sa akin.
"Steve, he's trying to talk to me, niyayaya niya akong makipag date. Sabi ko may boyfriend na ako but he didnt listen. Steve natatakot ako sa kanya" sumbong ng babae.
"Tsk, your good at lying huh" sabi ko at pinunasan ang aking labing may dugo.
"What?! Siraulo ka!" At sumugod siya sa akin upang sumuntok. Mabilis akong yumuko upang umilag sa kamao niyang susuntok at umikot papunta sa kanyang likuran. Nasa tabi ko na ang nobya niya at walang ano ano ay hinawakan ko ang leeg nito at inilapit ang aking mukha sa mukha nito.
I kiss her lips in two seconds na nagpatigil sa kanya at humawak sa kanyang labi matapos kong humalik. "This is what you want?" Sabi ko sa babae na napatulala na lang sa akin.
"How dare you to kiss my girlfriend!" Sigaw naman ng kanyang nobyo. Pagkatapos ng halik ay sumugod ako papalapit sa nobyo niya at sinuntok ang sikmura nito. Namilipit ito sa sakit na halos mapaupo sa sahig at ang dalawa nitong kasama Ay umalalay upang itayo ito agad.
"Achi! Ako din!"
"Ako din Achi! Kiss me!". Sigaw ng mga babaeng nandoon.
"Sugurin niyo siya!" Sigaw ng lalake na agad namang sumugod ang dalawa nitong kasama. Ilang segundo lang ay napaupo din sila sa sahig. Hawak ang kanilang sikmura at namimilipit sa sahig.
"Hala papunta na rito si Teacher halika na umalis na tayo!"
"Bilis! Baka madamay pa tayo" sambit ng mga estudyante at isa isang nag sialis ang nga ito hanggang kami na lang ang natira.
"What is this?!" Sambit ng aming guro at kumunot na ang kanyang noo at nagpalipat lipat ng tingin sa aming lima.
"Teacher si Achi po kasi-----"
"Amanda! I want to talk to your parents. Ikaw din Achi! And also you s Steve! And the two of you!" Inis nitong sabi habang dismayadong nakatingin sa aming lima. "Bukas na bukas ay dapat nandito sila or else you guys will expel in this school!" Saad pa ng aming guro.
Inirapan ko ang babae ngunit ngumiti pa ito na parang hindi takot sa kung ano man ang mangyayari kinabukasan.
---------------