Nung una ko siyang nakitang walang pang itaas ay normal naman ang aking reaksyon. Dumadaloy pa ang aking dugo saka humihinga pa ako noon. Pero ngayon kabaliktaran na. Para akong nauupos na kandila habang pinagmamasdan ang perpektong katawan ni Master. Na kahit may peklat siya sa dibdib ay hindi ito naging hadlang upang mabawasan ang pagkamatipuno ng kanyang katawan.
Mas kapansin pansin ngayon ang hulmadong muscle niya sa braso at balikat nasa tabi niya kasi ang lamp shade kaya nakikita ko ng malinaw lalo na doon banda sa tiyan niyang may anim na umbok na parang pinagdikit dikit na pandesal.
"Can I?"
Tanging pagtango ang aking naisagot at yung damit na hawak ko ay marahan kong iniabot sa kanya.
"Can you help me to--"
"Opo! Opo master, tutulungan po kita" alam kong napansin ng aking amo ang boses kong nanginginig dahil yung bibig niya ay tila ngumiti na lang bigla. Mabilis pero di nakaligtas sa aking mga mata.
Pinilit kong huwag manginig ang aking kamay habang nakatabi sa kanya. Kinuha ko ang damit na hawak niya at isinuot iyon sa kanyang ulo. Hindi ko magawang tignan ang aking amo dahil baka biglang pumula ang mukha ko. Nahihiya ako. Dahil pakiramdam ko heto na yung sinasabi nilang pagnanasa. First time kong makaramdam ng ganito na kulang nalang uminom ako ng isang pitsel na tubig dahil parang nauubusan na ako ng laway sa kakalunok.
"Are you okay?"
"O--opo" sagot kong muntik pang mautal.
"Hurry up medyo nilalamig na ako" sabi niya.
Kung ano ano ng tumatakbo sa isip ko kaya yung damit ay hindi ko matapos tapos na isout sa kanya. Gusto kong batukan ang sarili ko pero hindi pwede. Baka lalong magtaka si Master at tanungin ako kung bakit.
Kinuha ko ang kanang kamay niya at isinuot ang mahabang sleeve ng damit pagkatapos ay ganoon din ang ginawa ko sa kaliwang kamay niya. Nang matapos ay ibinaba ko naman ang damit doon sa kanyang likuran.
Habang ibinababa yung damit ay napatitig ulit ako sa kanyang tattoo na nasa kanyang balikat. Syempre hindi na ako nagpahalata na tinignan ko iyon. Ngayon parang gusto ko siyang tanungin tungkol sa kanyang tattoo pero narinig kong bumuntong hinga siya. Marahil ay alam niyang nakita ko iyon.
"Did you saw it?" Tanong niya na ipinuwesto ang sarili sa paghiga inalalayan ko ang kanyang braso at leeg upang makahiga siya ng maayos.
"Opo"sagot ko pagkatapos ay bumalik ako sa aking upuan.
"Sorry for having this" sabi niya na hindi ko alam kung bakit humihingi siya ng paumanhin.
"Master, okay lang po, dahil po ba sa tattoo mo?" Ani ko.
"I got this tattoo when I was a teenager. My lola got mad at me because of this." Kwento niya at may kasamang saglit na pag ngiti.
Heto ang unang beses na narinig ko si Master na magkwento.
"Ahh ganoon ba"
Lumingon siya sa akin at ilang segundo akong tinitigan na parang tinatantya ang magiging reaksyon ko.
Natahimik ako at napatingin na lang sa paanan ko.
"I got this tattoo cause I killed a bunch of people"
Bigla akong napatitig sa aking amo, nakatitig din ito sa akin na tila naghahantay kung anong sasabihin ko.
"I killed people kasi may atraso sila sa akin. Sometimes you need to take revenge lalo na kung masama silang tao" he said again and suddenly sighed.
Tumingin siya sa bintana at mayamaya ay mapait na ngumiti.
Hindi ko alam kung sino ang mga taong tinutukoy niya, kung may atraso man ito sa kanya ay dapat lang na paghigantihan niya. Pero out of bounderies na yata kung papatay siya.
"They gave me a scar na hindi na matatanggal kelan man, this" sabi niya ulit at itinuro ang gitnang dibdib.
Doon ko naisip na ang mga taong pinatay niya ang gumawa ng peklat na iyon.
"Master," wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya na alam ko ang tungkol dito. Mas mainam na lang siguro na makinig ako sa ikukwento niya.
"Are you scared? Natatakot ka na ba ngayon sa akin?" Tanong niya.
"Hindi po," sagot ko at humingang malalim. "Hindi po ako natatakot," saad ko ulit na ang totoo gusto ko talagang sabihin ay nalulungkot. Nalulungkot ako dahil sa mga dinanas niya.
"Are you sure? Paano kung magalit ako sayo?" He asked again at sa pagkakataong ito ay di ko napigil ang ngumiti. "Why? May nakakatawa ba sa tanong ko?" He added.
"Wala naman po, natatawa po kasi ako sayo Master."
"I'm asking you, its not a joke" wika niya na parang batang nagtatampo.
"Master kahit pagalitan mo ako o sigawan mo ako ng maraming beses hindi po ako magagalit. Na-immune na po kasi ako. Kumbaga nakasanayan ko na po kayo."
"What?! Nagpapatawa kaba?!" Sambit niyang di makapaniwala at ilang sandali lang ay ngumiti. At para sa akin, ito ang ngiti niyang ang tamis tamis pagmasdan.
"Magpahinga kana Master, bawal po sayo ang magpuyat" sabi ko.
"Inuutusan mo ba ako?" Ismid niya na halata ko naman na nagbibiro lang siya.
"Hindi po, pero yan po ang bilin ni Doc. Gusto niyo po bang i-massage ko ang binti at paa mo para--"
Bigla siyang nagsalita dahilan para di ko natapos ang sasabihin.
"Bukas na lang. You need some rest, mahaba ang byahe mo kanina"
"Okay po salamat po" sabi ko at nag bow.
"You can rest now Jane goodnight" sabi ni master saka humikab.
"Salamat po" sagot ko at bago lumabas ay iniayos ko muna ang kumot upang ilagay sa kanyang katawan.
"Goodnight po" wika ko ulit at marahang sinara ang pinto ng kanyang kwarto. Marahil ay tulog na siya dahil hindi ko na siya narinig na magsalita.
-----------------------
***************
"Wag! Wag! Maawa ka may pamilya ako, please wag! Wag!" Nakaluhod ang lalaki habang hawak hawak ang laylayan ng aking pantalon. Kanina pa ito humahagulgol ng iyak, alam na siguro niyang mawawala na siya mayamaya lamang.
Pailing iling ko siyang tinignan at itinapon sa mukha niya ang yosing malapit ko nang maubos.
"Tsk, awa?!" Sabi kong nakangisi at sinipa ang lalake sa mukha. Dumugo ang ilong nito at muli na namang humawak sa laylayan ng aking pantalon.
"Maawa kana, wala naman akong atraso sayo----"
"f**k you!" Sigaw kong nagpatigil sa kanya. "Maawa? Do you understand what you are saying?!" At muli ko siyang sinipa sa mukha na lalong nagpadugo ng kanyang ilong.
"Pakawalan mo na ako parang awa mo na" wika niyang humahagulgol ng iyak.
"Sure, pero ang anak mo ang kukunin ko. Babalatan ko siya ng buhay para maramdaman niya kung gaano kasakit ang balatan ng buhay." wika ko saka ngumisi.
I remember this guy hinding hindi ko makakalimutan ang mukha niya habang tinatanggal ang balat ko sa dibdib.
I became a monters dahil sa kanila. Planado ko lahat ng ginagawa ko at ngayon ang araw na ibabalik ko sa kanila ang kanilang ginawa. I will kill them and see how they suffer.
"Boss napag-alaman ko po na kumikidnap sila ng mga batang nasa edad sampu pababa. And they sell the organs and sometimes they sell those kid sa mga pedophile." Sabat ng aking tauhan na nakatayo malapit sa akin.
Nasa likod namin ang iba ko pang tauhan. They are not my bodyguard I hired them for this job. 30 gunman and some of them are professional hitman. I didnt know they're names, even me they didnt know who I am. At yan ang bagay na nagagawa ng pera. I was just nineteen years old but I know how to kill.
"Please please maawa ka---"
"Shut up! Kahit kelan hindi ako maawa sayo!" Sabi ko at ngumisi. Ngayon pa lang gusto ko na siyang tadtarin ng bala at gilitan ang kanyang leeg. Huminga ako ng malalim upang huminahon. Hinawakan ko ang aking baril na nasa gilid ng aking bewang. Kinuha ko iyon at itinutok sa lalaki. Lumapit ako at itinutok sa noo niya ang baril.
Nakita ko kung paano siya pumikit na parang hinahantay na lang ang kanyang kasawian. "How does it feel?" Tanong ko at hindi ko napigil ang kakaibang saya dahilan para tumawa ako habang nakikita siyang nanginginig sa takot. "You know what? Putangina mo!" Bulyaw ko at ito'y napaatras sa pagkakaupo.
"Maawa ka, pakiusap may mga anak ko," sabi niyang nanginginig habang tumutulo ang kanyang luha.
"Maawa? Naawa ka ba when you cut my skin here?" Sabi ko at itinukod ang aking tuhod sa sahig upang pagmasdan ang mukha niyang duguan. Hinaklit ko sa pagkakabuton ang kwelyo ng aking polo at ipinakita sa kanya ang peklat na nasa aking dibdib.
Nanlalaki ang mata niyang halos di makakurap at mayamaya pa ay muli siyang nagsalita. "Patawad po---"
Natigil siya sa pagsasalita ng ipasok ko naman sa kanyang bibig ang baril. "How do you want to die? Gusto mo bang kalabitin ko ng itong gatilyo or do you want me to stab you with a knife?" Wika kong punong puno ng galit.
Tanging pag-iyak ang naisagot nito na parang nagpadagdag sa galit ko. Hindi ko napigilan ang tumawa I feel the devil comes out on me and I can't stop laughing while looking in this helpless man.
"Boss nandito na yung tatlo" sabat ng isa kong tauhan na may kasamang tatlong lalake. Nakabusal ang kanilang bibig at nakatali ang kanilang mga kamay sa likuran.
Napatingin sila sa lalaki na malapit ko nang patayin. I think they are surprised na nahuli ko ang pinuno nila.
"I hilera niyo yan dito" utos ko na agad hinatak ng aking mga tauhan ang tatlong lalaki papunta sa pinuno nito. "Tanggalan niyo ng busal para marinig ko kung paano sila magmamakaawa." saad ko ulit saka tinanggal ng mga tauhan ko ang nakabusal sa bibig ng tatlong lalake. Pagkatanggal ay sunod sunod na pagmamakaawa ang narinig ko sa kanila.
"Maawa na po kayo, pakawalan niyo na kami!" sabi ng isa at biglang humagulgol ng iyak.
"Pakawalan mo na ako ser, parang awa mo na". wika naman ng isa at napaluhod na lang habang umiiyak.
"Ser may pamilya ako, maawa ka na, pakiusap pakawalan mo ako" sambit pa ng isa.
Muli kong tinutok ang baril sa kanila. Isa isa ko silang tinutukan, iisa lang din ang ekpresyon ng kanilang mukha. Nagmamakaawa at paos na paos sa kakasalita at pag iyak.
"Akala ko sampu sila?" baling ko sa aking tauhan na nakaamba na upang barilin ang mga lalaking nakabusal ang bibig.
"Parating na boss, pero apat na lang sila. Nanlaban yung dalawa kaya we decided to kill the two."
"Ser pakawalan mo na. Parang awa mo na" sabat ng isa at lumuhod.
Tanging pag-iling ang ginawa ko habang pinapanuod silang umiiyak at nagmamakaawa. Lumapit ako sa lalaking lumuhod at itinutok ang baril ko sa kanyang puso.
"Tumahimik ka!" sigaw ko. Hindi na ito nagsalita ngunit di pa rin natigil sa pag-iyak. Hindi ko na naman napigil ang aking sarili sa pagtawa. Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon habang nakikita silang walang kalaban laban. It was so satisfying to see them begging for their life.
"You want to live?" tanong ko sa lalake habang nakatutok sa kanyang puso ang aking baril.
Mabilis itong tumango at sumagot. "Oo --- opo"
"Give me a knife" sabi ko sa aking tauhan na nag-abot agad ng patalim. Idinikit ko ang patalim sa pisngi ng lalake, kitang kita ko ang kanyang paglunok at ang mata niyang gumilid ng tingin sa kutsilyong nakadikit sa kanyang mukha. "You kill them" wika ko ulit at yung mga kasamahan niya ay napahagulgol ulit ng iyak.
"Kill them or I'll kill you?" Wika ko ulit. Hindi ito sumagot sa halip ay mabilis itong tumango.
"Wag! Wag! Wag mo kaming patayin" sabi nung isa niyang kasama.
"Kalagan niyo siya" ani ko sa aking tauhan at tinanggal nito ang tali at busal sa bibig ng lalaki.