MASS C-23

2001 Words
Kakatapos lang namin mag-agahan ng mga oras na iyon ng marinig ko ang katok mula sa pinto ng aking kwarto. "Jane, pwede ba kitang makausap?" Wika ni Sir Fred na nasa pinto. "Sige po, kukunin ko lang po itong cellphone ko, bababa din po ako kaagad" sagot ko pagkatapos kong kunin ang cellphone sa may kama ay binuksan ko agad ang pinto. Nakangiti si Sir Fred  habang hatak hatak ko ang door knob pagbukas. "Hija, bisitahin mo ang tatay mo ngayon" Po?!" sabi kong nagulat habang nakatingin kay Sir Fred na nasa labas ng pinto. "Tama ang narinig mo iha, kaya magbihis kana. Mahirap abutin ng gabi sa daan" wika pa nito. "Okay lang po ba kay Master? Hindi po ba siya magagalit?" "Paanong magagalit eh siya pa nga ang nag utos na ipahatid ka sa hospital kung saan naka confined ang tatay mo." Ngumiti si Sir Fred at mayamaya ay humawak sa door knob ng pinto. "Po?! Sinabi niya po?" Sabi kong di pa rin maalis ang pagtataka at pagkagulat. "Oo nga iha, O syah syah, magbihis kana nandoon na sa baba yung sasakyan. Hinihintay kana ng driver." Wika ni Sir Fred na akmang isasara ang pinto na ako naman ay mabilis na nagsalita. "Sir Fred salamat po" "Kay Master ka magpasalamat hindi sa akin" sagot niya at isinara na ang pinto. Hindi ko naikubli ang aking pag ngiti. Lumakad agad ako at kumuha ng damit sa aking cabinet. Mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili. Paglabas ko ng aking kwarto ay nakita ko na sa baba si Master at si Sir Fred. Kanina pa siguro sila nandoon dahil panay ang tingin ni sir Fred sa kanyang relo. Alas-nuebe palang ng umaga kung walang trapik ay makakabalik agad ako dito mamayang hapon. Halos dalawang oras din siguro ang haba ng byahe papunta sa amin. "Jane, ingat ka sa byahe" ani ni Sir Fred na nakatayo sa tabi ni Master. "Opo" sagot ko at bumaling naman sa aking amo. Ngumiti ako at nag-bow. "Master salamat po" sabi ko. Wala akong narinig na salita sa kanya. Walang ekspresyon ang kanyang mukha, tinignan niya lang ako ng ilang segundo at pagkatapos ay tumingin sa sasakyang nasa labas ng pinto. "Get in the car, wag kang papaabot ng gabi" bilin niya nang hindi ako tinitignan. Muli akong nagbow at nagpasalamat sa kanya. "Master salamat po." Hindi ko napigil ang pagpatak ng aking luha. Masasabi kong may kabaitang tinatago si Master kahit lagi siyang nakasimangot at sumisigaw. Marahil ay naiintindihan niya ang pakiramdam ko ngayon. Pakiramdam na gusto ko ng makita ang aking tatay. Lakas loob akong lumapit sa kanya at walang ano ano ay niyakap ko siya ng sandali. Bahala na kung anong isipin ng mga taong makakakita ang importante ay malaman niyang sobra akong nagpapasalamat. "Master salamat po, salamat po talaga" sabi ko at pilit na pinipigil ang pagtulo ng aking luha. Hindi siya sumagot pero ramdam na ramdam ko ang buntong hinga niya at yung mga braso at kamay niya na tila pinipigil niya na sumagot sa aking pagyakap. "Jane!" Gulat na sambit ni Sir Fred dahilan para kumalas ako sa pagyakap sa aking amo. "Sorry po Sir Fred," saka bumaling kay Sir Fred. Umayos ako ng tayo at muling nag bow. "Master, pasensya na. Masaya lang po talaga ako ngayon. Thank you po dahil makikita ko si tatay ngayon. Salamat po" sabi ko habang nagba-bow at ilang saglit ay nagsalita na ang aking amo. "You need to leave now, iwasan mong gabihin. Hanggat maaari ay bumalik ka kaagad" bilin niya. "Master paalis pa lang si Jane, pinapabalik mo na kaagad?" Biro ni Sir Fred saka tumawa. "Fred, I just want to remind her" sagot ni Master at napansin ko kung paano niya pinigil ang kanyang pag ngiti. "Opo Master" sabi ko habang nakangiting nakatigtig sa kanya. "Umalis na kayo Jane para makabalik kayo kaagad" "Opo" sagot ko at lumakad na papasok ng sasakyan -------------------------- "Jane!" Halos sumigaw ang aking ina nang makita akong papasok sa entrance ng hospital. "Nay, kamusta si tatay?" Tanong ko nang ako'y makalapit sa akin ina. "Bumubuti na ang lagay niya, teka bakit ka nandito, diba may trabaho ka? Pinayagan ka ba ng amo mo?" "Pinayagan ako ni Master na pumunta rito. Pinahatid niya ako sa mg bodyguard niya" wika ko saka lumingon sa labas kung nasaan ang dalawang bodyguard na naghahantay doon sa may exit glass door. "Ganoon ba, mabuti at nakarating ka. Teka puntahan na muna natin ang tatay mo" sabi nito saka lumakad at ako'y nakasunod din sa aking ina. Pagdating sa kwarto ay halos takbuhin ko si tatay. Niyakap ko agad siya ng mahigpit habang siya ay tumapik tapik sa aking likod. May suwero pa ang kanyang kamay ngunit di ko siya nakitaan ng anumang pangamba. "Jane," gustong gusto kong tinatawag ako ng aking ama sa aking pangalan. May kalakihan ang kanyang boses at medyo paos ng kaunti kaya tinig pa lang niya ay alam kong siya na ang nagsasalita. "Tay magpagaling ka kaagad wag ka nang tumambay dito ng matagal. Sige ka ma-mi-miss ka ng mga alaga mong kalabaw at baka" pabirong sabi ko at ito naman ay tumawa ng sandali. Nasa tabi ko ang aking ina at umakbay sa akin habang ang aking ama ay nakahawak naman sa aking kaliwang kamay. "Nay, ikaw lang ang nagbabantay kay tatay?" Tanong ko ng mapansin na kaming tatlo lang ang nasa loob ng kwarto. "Galing na dito si bunso kanina, umuwi lang dahil may klase siya ngayong tanghali. Ang kuya mo naman kinailangan umuwi dahil tumawag yung asawa niya" "Kelan kaya titigil si kuya sa pagsusugal?" Bumuntong hinga ang aking ama. Halatang halata ang dismaya nito sa panganay kong kapatid. "Kinausap ko siya kahapon, sinabi ko kung magkakaroon siya ulit ng problema dahil sa pagsusugal hindi na ko magdadalawang isip na itakwil siya" Pag ganitong seryoso ang aking ama ay tahimik na kami. Siya ang tipo ng taong minsan lang magalit pero tino-totoo ang binibitiwang salita. "Nay magkano daw ang bill natin dito sa hospital?" Pagiiba ko ng usapan. "Hindi ko alam anak, kasi kanina nung pumunta ako sa billing area ang sabi ng staff eh bayad na daw" "Ha? Sino po ang nagbayad?" Kunot noong tanong ko. "Hindi ko alam anak." Alam kong hindi si Minah o Master Zeus ang nagbayad, wala naman akong pinagsabihan ng tungkol sa nangyari kay tatay kundi si Master Achi lang. Master Achi? Maaari kayang si Master ang nagbayad? "Anak may naiisip ka ba kung sino ang nagbayad?" Tanong ng aking ina ng makitang napapaisip ako. "Iniisip ko baka si Master ang nagbayad. Pero baka  naman hindi. Hindi ako sigurado kung siya nga Nay" "Jane kung siya man nagpapasalamat ako. Babayaran ko na lang ang binayad niya dito sa hospital" wika ni itay Umiling ako at bumaling sa kanya. "Wag na tay, ipapabawas ko na lang sa sahod ko. Basta ang importante gumaling ka" "Salamat anak," wika ng aking ama na  medyo naluluha na. --------------- "Master pabalik na daw po sila Jane" baling sa akin ni Fred pagkatapos nitong makausap ang bodyguard na nasa kabilang linya. "Ok" sabi kong bumuntong hinga. "Kamusta ang mga paa mo?" mayamaya ay tanong niya habang nakaupo sa may mahabang sofa.  "I dont feel anything" sabi ko at pinaandar ang aking wheelchair paalis sa kanyang tabi at pumuwesto sa may pinto. "Hayaan mo Master di magtatagal makakaramdam din yan" wika pa nito. "I hope so, gusto ko na ding lumakad. I'm tired sitting here" sabi ko. "Maaari ko bang malaman kung bakit ka nakumbinsi?" tanong nito at narinig ko ang mahina niyang pagtawa na parang may tumatakbo sa kanyang isipan na hindi ko mahulaan. "Fred why are you laughing?" Sabi ko at lumingon sa kanya. "Wala naman Master, pero may naiisip lang ako." "What? Anong naiisip mo?" tanong kong nakaismid. "Baka kasi dahil sa pendant na hinanap ni Jane. Baka binigyan ka ng sign ni Madam Amelia." "I don't want to talk about it. You should be glad dahil hindi kana mahihirapang magbuhat sa akin" sagot ko saka bumuntong hinga. Heto rin ang tanong ko sa sarili ko, paano ako umabot sa desisyong gusto ko nang lumakad ulit. Dahil ba sa pendant ng aking lola o dahil sa babaeng nagbigay nito sa akin? Maybe She's the reason. Si Jane. Ilang oras ko lang siyang di makita ay di na ako mapakali. Parang hindi buo ang araw ko tila may kulang. Lalo na ang mga iwas tingin niya sa akin na kalaunan ay hinahanap ko na. "Did you call the hospital about the billing?" baling ko kay Fred na lumapit sa aking tabi. "Yes Master. We already paid it" "Good". "Master ibabawas ko ba sa sahod ni Jane ang binayad natin sa hospital?" tanong nito at humakbang palayo sa akin saka umubo. "No," "Okay po Ma-mast---hatshu!" he sneezed saka kinuha ang panyo sa bulsa ng kanyang coat. "Fred are you sick?"  Umiling iling ito ngunit ilang saglit pa ay muli namang umubo. "Master nasamid lang po siguro-- "Fred ipahinga mo na muna yan. Take meds para di na yan lumala" saka ko siya nilingon at nakita kong namumula na ang kanyang ilong. "Opo Master," he answered and sneeze again. "Get some rest," "Okay po Master. Mayamaya nandito na si Jane. Siya na muna ang mag-aasikaso sayo." sabi nito ay muli na namang umubo. "Fred aakyat na muna ako. I dont want to get sick" sabi ko at siya naman ay lumakad doon sa hagdan. Pinindot ang buton upang maging slide ito. "Pasensya na po Master" wika nito saka nagbow habang ako'y umaandar ang wheelchair ko paakyat ng hagdan. --------------------------- Maingat na nilipat ng dalawang bodyguard si Master mula sa wheelchair papunta sa may kama. Kakatapos niya lang kumain ng hapunan at ang sabi niya gusto niya na daw magpahinga. Hindi ko na rin nakausap si Sir Fred simula nung dumating ako kanina. Nagtext kasi itong wag munang lalapit dahil masama ang kanyang pakiramdam. Kaya pagkatapos pakainin si Master ay nagpalipat na ito sa kanyang kama. Pagkalipat sa kanya ng dalawang bodyguard ay lumabas din agad ang mga ito sa kanyang kwarto. Nakaupo ako sa tabi ng kanyang kama habang siya naman ay nakasandal doon sa may headboard. Tahimik na nagbabasa. Tahimik din ang paligid at sa totoo lang nakakabingi ang katahimikan ng mga oras na iyon. "How's your dad? Is he okay now?" Mayamaya ay tanong niya habang nakatingin sa librong kanyang binabasa. "Opo Master, sabi ng Doctor pwede na daw siyang lumabas bukas" sagot  ko na sandaling bumaling sa labas ng bintana. Nakabukas pa ito kaya nakakapasok pa ang malamig hangin dahilan para maghalukipkip ako ng braso. "That's good" sambit niya at bumaling sa akin. "You can close the window kung nilalamig ka" saad niya ulit. Hindi ko alam kung bakit napako ang tingin ko sa aking amo. Nakasuot kasi siya ng reading glass na hindi na bago sa paningin ko. Pero mas nakita ko kasi ngayon na parang umangat ang kagwapuhan niya. Serious and sexy type ang nakikita ko ngayon sa kanya. "You can close" muli niyang sabi dahilan para matigil ako sa pagiisip at nagmadaling tumayo upang isara ang bintana. Kakasara ko lang ng bintana ay muli na naman siyang nagsalita. "Is it okay kung tutulungan mo akong magpalit nitong long sleeve ko?" Muli naman akong tumingin sa kanya at  ngayon ay parang natulala na. Magpapalit ng damit niya? Ginagawa naman talaga ito ng caregiver. Pero bakit ako kinakabahan? "Are you okay?" Pagtataka ng aking amo na bigla naman akong tumango ng mabilis. "Po?----  Opo Master, sige po" sagot ko na pilit na tinatago ang kaba ko. Lumapit kaagad ako sa cabinet at kumuha ng damit niya. Pagbalik ko sa tabi niya ay nakita kong humawak na siya sa laylayan ng kanyang sleeve at ilang sandali ay hinubad niya na ito. Napahawak na lang ako ng mahigpit  sa damit niya na dapat ay ibibigay ko sana. Lord kung nagkasala man ang aking mata. Parusahan niyo na po ako ngayon. Sabi ko sa isip habang nakatingin sa katawan ng aking Master
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD