MASS C-22

2285 Words
"Jane, dalawang beses sa isang araw mo yan gagawin. Mas mabilis ang recovery ni Master Achi kung naigagalaw ang mga binti at paa niya" "Opo Doc" sagot ko at sinabayan ng pagtango. Hawak hawak ko ang isang binti at paa ni Master. Nasa kabilang binti naman nakahawak ang nurse na kasama ni Doc. "Ms. Jane, pisil pisilin mo lang at i-massage paikot ang paa ni Sir Achi, gawin mo ito sa umaga para ma-exercise ang mga muscle niya at mag circulate ang dugo" ani ng nurse na lalake. Nakangiti itong nagpapaliwanag habang nakatingin sa akin. "Sige po" sagot ko at sinundan ang kanyang instruction. "Master may nararamdaman po ba kayo?" Tanong naman ni Doc sa aking amo. Nakahiga ito sa kanyang kama at nakasandal ang likod sa may headboard. Walang ekpresyon ang kanyang mukha pero ang makapal ng kilay ang parang magsasalubong na. "Meron pero hindi ko masyadong maramdaman" my master said saka bumaling sa nurse na lalake. "That's good kahit papaano ay start na yan ng recovery mo Master Achi. Tamang tama may dala akong medicine na makakatulong sa mabilis na recovery mo" wika ni Doc. Inilagay ni Doc ang stethoscope sa tenga at chineck ang heartbeat ni Master. "Mukang bumubuti ngayon ang lagay mo Master, I'm hoping na makakalakad ka agad." Makakalakad? Ibig bang sabihin nito nakapag desisyon na si Master na magpa-therapy na? "Kung ok lang sayo Master ipapadala ko dito si Robert for the session of therapy. He can visit 3 times a week" saad pa ni Doc. "Pwede po Doc para maituro ko din kay Ms. Jane ang dapat niyang gawin----" Biglang nagsalita si Master na sinabayan ng pag iling. "No, once 1 week. That's enough" sagot ni Master at nakita ko kung paano siya umirap sa Nurse na kasama namin. "Ahh ganun ba, certified therapist din itong si Robert kaya mas makakabuti---" "Once 1 week and it's final" diing sabi ni Master kaya ako napatingin nalang kay Doc. "Teka nga muna, mag meryenda na muna tayo Doc at Robert, tara na muna doon sa dining area." Sabat ni Sir Fred na parang nahulaan na nagsusungit na naman ang aming amo. "Okay." sagot ni Doc at sumunod kay Si Fred, sumunod din ang nurse nito habang ako ay naiwan sa kwarto na kasama ang aking amo. Paglabas nilang tatlo ay nabalot kaming dalawa ng katahimikan. Gustuhin ko mang magsalit ay parang di ko kaya. Hindi pa rin kasi nagbabago ang ekpresyon niya. Nakasalubong pa rin ang kanyang kilay na tingin ko ay kanina niya pa gustong sumigaw. "You should listen to him carefully, ayaw kong lagi siyang nandito" he said in a serious voice. Tanging pagtango ang aking naisagot at nilingon ang aking amo. Huminga siya ng malalim at mayamaya lang ay muli na namang nagsalita. "I want to recover as soon as possible." "Gagawin ko po lahat para tulungan kang makalakad ulit Master" sagot ko at iniayos ko ang kanyang mga paa. "Then do it, hindi yung kung kani-kanino ka nakikipag-usap, tsk" Halata ko sa mukha niya ang dismaya na hindi ko malaman kung bakit. "Master nakikinig naman po ako kay Doc at kay Nurse Robert---" "Stop saying his name, hindi maganda pakinggan!" Biglang tumaas ang kanyang tinig at sa pagkakataong ito ay alam kong galit na siya. Wala na akong maisip sabihin, pinili ko na lang ang manahimik. Saglit ko siyang nilingon ngunit ang kanyang mukha ay hindi na nakatuon sa akin. "Iwan mo na muna ako" sabi niyang may dismaya. "Opo" sagot ko saka tumayo at lumabas ng kanyang kwarto. Minabuti ko munang pumasok sa aking kwarto. Hindi ko naikubli ang aking inis, parang kanina lang nakangiti siya ngayon naman galit siya. "Ano naman ang problema niya? Talo niya pa ang babaeng may buwanang dalaw." Sabi kong naiinis. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pag ring ng aking cellphone sa bulsa ng aking apron. "Si nanay" sabi ko nang makita ang registered name ng caller. Pinindot ko agad ang cellphone upang sagutin ang tawag. "Nay kamusta?" "Jane anak, ang tatay mo" nanginginig ang boses nito at saglit lang ay humihikbi na ito. "Bakit Nay, anong nangyari kay tatay?" Tanong ko na biglang kinabahan. "Sinugod namin siya sa hospital. Na stroke ang tatay mo anak, hindi niya maigalaw ang balikat at kamay niya" "Ha!? Kelan pa ito Nay?" "Kahapon hindi na siya nakakapagsalita ng maayos tapos kaninang umaga bigla na lang siyang bumagsak sa may upuan habang nag-aagahan kami" sunod sunod na paghikbi ang aking narinig kay Nanay habang nasa kabilang linya. Hindi ko na napigilan ang aking pagluha. Lumuha akong hindi bumoboses at tanging paghinga ng malalim ang aking ginawa upang kahit papaano ay mapakalma ko ang aking sarili. "Anak naaawa na ako sa tatay mo, sana makarecover siya. Hindi ko kayang makita ang tatay mo----" "Nay may mga gamot bang nireseta ang Doctor?" Agad kong tanong at pinunasan ang luha sa aking mata. "Meron anak, medyo may kamahalan. Hindi na namin nabili yung ibang gamot dahil wala na akong pera." "Si kuya? Nasaan siya?". "Nasa hospital siya ngayon, siya muna ang nagbabantay. Wala na din siyang pera---" Hindi ko naiwasan ang inis sa aking kapatid kaya di ko na rin napigil ang aking bibig. "Nay nagsusugal na naman si kuya?" Hindi agad nakasagot ang aking ina na parang nagiisip pa siya ng idadahilan "Oo anak" mayamaya ay sabi niya. "Nay, hanggang kelan ba siya titigil? Ngayon na stroke si tatay kailangan natin ng pera. Siya ang panganay dapat siya itong nagpupursige." Hindi nakasagot ang aking ina, bagkus ay panay hikbi lang ang kanyang ginawa habang nakikinig sa akin. Huminga na lamang ako ng malalim upang mahimasmasan. "Nay magpapadala ako ng pera sa account ni bunso. Bilhin niyo ang gamot ni tatay. Wag na wag niyong sasabihin kay kuya na nagpadala ako. Saka pag ok na si tatay  tatawagan ko agad siya." "Oo anak, salamat" "Wag ka nang umiyak Nay. Kaya natin ito. Saka si tatay pa. Malakas pa yan sa kalabaw. Diba lagi niya yang sinasabi. Mas malakas pa daw siya sa kalabaw" sabi kong pabiro upang kahit papaano ay kumalma ang aking ina. "Oo anak. Mabuti at lagi kang nandyan" "Nay, gagawin ko lahat para sa inyo ni tatay." Sabi ko at sinabayan ng pagtulo ng aking luha. "Salamat anak," "Sige Nay, bye" saka ko hinantay ang pagputol ni nanay ng tawag. ----------------------- "Si Jane ba yon?" Natigil ang aking butler sa pagsara ng bintana at muling binuksan ito at tinanaw kung si Jane ba ang kanyang nakikita. "Si Jane nga" sabi niya ulit. "Why she's there? Gabi na" tanong ko at pinaandar ang aking wheelchair papunta sa bintana kung saan nakatayo si Fred. "Hindi ko alam Master. Pero kanina habang naghahapunan kami napansin ko parang malungkot siya. Para nga siyang umiyak" wika ni Fred. She is sad?. Dahil ba kanina nung pinagalitan ko siya? Nakatayo siya sa dalampasigan na parang may malalim na iniisip. Ilang sandali pa ay lumakad siya papunta sa bench at doon ay naupo. Hindi ko napigil ang aking kuryosidad kaya naisip kong puntahan ang aking caregiver. "Master saan ka pupunta?" Tanong ni Fred ng makita akong papalapit sa may pinto. "I'll go down, pupuntahan ko siya. Don't come near to us" "Sige po" sagot nito at lumapit sa akin upang pagbuksan ako ng pinto. Habang papalapit kay Jane ay bumaling ng tingin sa akin ang mga bodyguard na nagbabantay sa may gate. "Don't come near to us" sambit ko na inihinto muna ang wheelchair. "Opo Master" sagot ng mga ito at bahagyang yumuko. "Dito lang ako Master," sabat naman ni Fred na tumayo sa may gate kasama ang mga bodyguard. Muli kong pinaandar ang wheelchair papunta sa bench kung saan nakaupo si Jane. Napatayo agad ito nang mapansin na nandoon na ako malapit sa kanya. Isang hakbang ang pagitan ko sa kanya mula sa kanyang kinauupuan. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga mata na palaga'y koy kakatapos niya lang umiyak. "Ma-master, papasok na po ako. Pasensya na---" "Just stay" pigil ko at tinitigan siya. Hindi siya nagsalita bagkus ay muli siyang umupo at itinuon ang tingin sa buwan na kalahati lang ang hugis. Nabalot kami ng ilang minutong katahimikan at mayamaya pa ay nakarinig na ako ng mahinang pag-iyak. Kahit hindi ko siya tignan ay nasisilip ko sa gilid ng aking mata na panay ang punas niya ng kanyang luha. I want to walk and sit beside with her, but I can't dahil sa paralisadong kong mga paa. Ang tanging magagawa ko lamang ngayon ay pakinggan ang kanyang saloobin o kung anumang bagay ang gumugulo sa kanyang isipan. "I'll listen" Lalo niyang di napigil ang pag iyak at mayamaya lang ay nag-umpisa na siyang magsalita. "Si tatay po kasi sinugod sa hospital" sabi niya habang pinupunasan ang kanyang luha. "Bakit?" I asked habang nakatingin sa kanya. Im not the reason why she's crying right now. Mabuti naman at hindi ako ang dahilan. "Na stroke si tatay. Malakas pa si tatay nung huli akong umuwi sa amin, nakakapag buhat pa nga siya ng isang sakong palay." Sabi niya habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naawa sa kanya. Gusto ko sanang iabot ang panyo sa aking bulsa ngunit nakita ko na hinawakan niya ang manggas ng kanyang damit at ipinunas iyon sa kanyang mata. Di ko napigil ang saglit na pagngiti habang pinagmamasdan siya. She's not aware what she's doing. "Tumawag sa akin kanina si Nanay, sinugod daw nila si tatay sa hospital. Tapos si kuya hindi pa rin tumitigil sa pagsusugal. Naiinis na ako sa kanya dahil hindi man lang siya maasahan." Dugtong niya ulit habang humihikbi. "In times like this you need to be strong." I said saka lumapit sa kanya upang ialok ang aking panyo. "Master," tinitigan niya ang kamay kong may panyo hindi niya ito kinuha kaya ang ginawa ko ay inalagaw iyon sa kanyang tabi. "Stop crying," sabi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot. Marahil ay maraming beses ko na siyang nakikitang umiyak at dahil yon sa akin. I always make her cry. "Pasensya na po, di ko lang po talaga mapigil. Naiinis po kasi ako sa kuya ko saka nag-aalala din ako kay tatay" sabi niya at kinuha ang aking panyo. "Master hihiramin ko po muna ito"sabi niya at muli na namang humikbi hikbi. "I think ayaw ng tatay mong umiiyak ka ngayon." "Opo, ayaw po niya. Alam po kasi niyang iyakin ako" unti unti na siyang tumigil sa pag-iyak at ang naririnig ko na lang ay ang pagbuntong hinga niya. "You're still lucky cause you have a family" mayamaya ay sabi ko at kaming dalawa ay parehas na nagkatinginan sa isa't isa. "Master," sambit niya na parang may gusto pa siyang sabihin. "Why?" I asked. ------------------- "Wala--wala naman po, tama ka master, maswerte pa rin ako dahil meron akong pamilya" Sabi ko at muli kong tinitigan ang buwan. Hindi ko kasi matagalan ang pagtingin sa mukha ng aking amo. Eto yata ang unang pagkakataon na nakausap ko siya ng seryoso at ganito katagal. May soft side din pala si Master. "You should be grateful" Hindi ko na siya matignan dahil alam ko at nasisilip ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Tumigil na rin ako sa pagluha at yung panyo ni Master ay hawak hawak ko na sa totoo lang ang bango bango. Hindi ko tuloy naiwasan na ngumiti at titigan ang kanyang panyo. "Now your smiling" sabi niya ulit dahilan para tumigil ako sa pag ngiti. "Maswerte ka rin Master, dahil nasa iyo na ang lahat. May bahay ka, may bodyguard ka, nakukuha mo ano man ang gusto mong naisin" "Yeah I have these things but it's not the things that I want." "Anong gusto mo Master" nilingon ko ang aking amo na nakatitig din sa akin. Ilang sandali kaming napako sa ganoong posisyon na ang tanging naririnig lang namin ay ang simoy ng hangin at alon sa dagat. "I don't know, I cant figure it out." Sabi niya at mayamaya ay ngumiti na sa totoo lang nagpabilis ng t***k ng puso ko. Parang may karera ng mga kabayo sa loob ng dibdib ko na ang bilis bilis ng pintig. "Ganoon po ba" sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya. "Jane I really appreciate your effort for taking care of me" Bigla kong nakagat ang ibabang labi at iniwas ang tingin sa kanya, parang gusto kong tumakbo na pabalik ng aking kwarto. Hindi ko aakalain na sasabihin ni Master ito sa akin. Hindi ko naisip na magpapasalamat siya sa akin. Pakiramdam ko siya na ang taong nakilala ko nung una ko siyang nakita at nakausap sa convinience store nung araw na pinuntahan namin si Minah. "Master wala po iyon. Trabaho ko pong alagaan ka" sabi ko at mabilis na ngumiti at sinulyapan siya. "Don't worry about your father, I'm sure gagaling din siya." "Salamat po." Sabi ko at tumayo. "Are you ok now?" Tanong niya muli siyang ngumiti at pagkatapos ay sumeryoso ng tingin. "Opo. Malamig na po, pumasok na tayo Master," sabi ko at lumapit sa kanya. Itutulak ko na sana ang kanyang wheelchair ngunit pinaandar niya agad ito at mabilis na pumasok sa gate kung saan nandoon ang mga bodyguard. Nandoon na rin pala si Sir Fred.  Kanina pa siguro siya nagbabantay doon. "Let's go" utos ni Master dahilan para mabilis akong lumakada upang sumabay sa kanya. Hawak hawak ko ang kanyang panyo habang naglalakad. At sa totoo lang wala akong balak na ibalik pa ito sa kanya. Gustong gusto ko kasi ang amoy nito kasing bango niya "Goodnight" sabi ni Master nang kami ay makapasok na sa loob. "Goodnight din po" sagot ko at pinagmasdan siya habang paakyat sa may hagdan na naging slide. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD