Halos mabingi ako sa lakas ng tawa niya. Bukod sa pagbungisngis ay ugali din niyang mag-imbestiga. Ito ang talent ni Lottie ang mag-interrogate. Kaya kampante kaming tatlo na napangasawa niya si Master Aeolus dahil daig pa niya ang pulis kung mag-imbestiga.
"Inaantok na ako Lottie, next time ulit."
"Char!! Umiiwas si Inday Jane! Haha"
"Good night Lottie". Sabi ko na sinabayan ng mahinang tawa.
"Good night Jane, ingat ka dyan. Miss you friend" saka pinutol na niya tawag.
Pagkatapos ng tawag ay tumayo ako at dumungaw doon sa may bintana. Maliwanag ang buwan at hugis bilog. Ganito ang itsura nito nung nag celebrate kami ng death anniversarry ni Madam Amelia. Nasa kabilang bintana naman ang kwarto ni Master na binalangan ko ng tingin. Nakabukas din iyon at may kaunting ilaw. May mga gabing nakabukas ang bintana niya minsan naman ay sarado. Siguro hinayaan niya ngayon na nakabukas ito. Sa palagay ko'y tulog na siya dahil hindi ko na naririnig ang boses ni Sir Fred marahil ay nakabalik na ito sa kanyang kwarto.
"Master? Gising ka pa?" Tanong ko habang nakatingin sa kanyang bintana. Akala ko hindi siya sasagot laking gulat ko nung nagsalita siya.
"Yes"
"Ay! Sorry po! Matutulog na po ako." Sabi ko at akmang isasarado ko ang bintana ngunit nahinto ako nang muling magsalita ang aking amo.
"Can you come here?"
"Po?" Sabi ko na kunwari ay di ko narinig pero rinig na rinig ko talaga.
"I said come here now!" Madiin at may punto kaya naman nagmadali agad akong lumabas at puntahan siya.
"Master ano po yun?" Tanong ko habang hawak hawak ang door knob papasok at isinara.
"Can you move this blanket" utos nito na mabilis kong sinunod. Nakalitaw ang paa niya at ang kalahating katawan niya ay wala na ding kumot.
Nilalamig siguro siya. Hindi ako nagsalita wala din sa isip ko na kausapin si Master. Kinakabahan na kasi ako pakiramdam ko ang talim talim ng tingin niya habang inaayos ko yung kumot.
"Close the window" utos niya ulit. Pagsara ko sa kanyang bintana ay nagbow muna ako bago lumakad sa pinto upang lumabas. Ngunit di pa ako humahakbang ay muli na naman siyang nagsalita.
"Can you move this pillow on my head? Hindi ako komportable masakit sa leeg." Ani niyang walang ekpresyon.
Agad kong nilapitan si Master at umupo sa tabi niya. Inilalayan ko ang kanyang leeg habang ang isa kong kamay ay iniaayos yung unan sa kanyang likod.
Ayaw ko mang isipin na nakatingin siya sa akin ngunit nakatingin talaga siya. Sinulyapan ko siya at saktong sakto ang pagkurap naming dalawa.
Tinitigan ko na lang yung unan sa kanyang uluhan at inayos ito. "Pwede na po ba ito?" Tanong ko na halos magdikit na ang aming pisngi.
"Move it a little. Pababa" he said na sa pandinig ko ay parang ang lambing lambing. Amoy na amoy ko ulit yung pabango niya. Eto ang amoy na pamilyar sa akin yung una akong lumapit sa kanya. Pati ang hinga niya ang bango. Siya lang yata ang naamoy ko na ganito kabango.
Bilisan mo Jane. Saway ng aking sarili na hindi ko napigilan na titigan naman ang kanyang maputing leeg. Hindi ko naiwasan na lunukin ang sarili kong laway. Kung bakit kasi naisipan ko pang magsalita doon kanina sa bintana sana natulog na lang ako kaagad.
"Baba mo pa ng kaunti". He said in a gentle voice.
Tanging pagtango ang aking ginawa habang nakatitig sa kanyang unan. Di kasi ako mapakali dahil ang posisyon ko ay parang nakayakap na sa kanya. Kanina ko pa gustong lumabas pero itong unan parang nananadya, ayaw maayos.
"Umayos ka!" Bulong ko biglang kagat ko sa aking bibig.
"What?!" Sabay baling niya sa akin na nakakunot ang noo.
Sa inis ko sa unan ay narinig tuloy ng aking amo. Saka ko lang naisip na malapit lang ang tenga niya sa labi ko. Tanga ko! Tanga ko talaga!
"Master yung unan po kasi" wika ko at ngumiti ng pilit.
Bumuntong hinga siya. "Hurry up"
"Opo" at ipinagpatuloy ang ginawa.
"Okay na yan" mayamaya ay sabi niya saka ko dahan dahang inalis ang aking kamay sa kanyang leeg.
Tatayo na sana ako ng bigla namang kumulog na sinabayan ng pag ulan.
Parehas kaming bumaling doon sa bintana. Rinig namin parehas ang malakas na pagpatak ng ulan. Pareho kaming natahimik ng mga ilang sandali at ilang saglit pa ay kumidlat at gumuhit ang liwanag doon sa bintana.
"Ay!" Sigaw kong patili.
Sa gulat ko ay naisubsob ko ang aking mukha sa gilid na hindi ko alam kung saan at walang ano ano ay napakapit ako sa kanyang balikat.
"Ay!" Sumigaw ulit ako dahil mas malakas na ang kidlat. Pag ganitong umuulan ay ayaw na ayaw ko talagang kumikidlat.
Mas lalo akong napahigpit ng hawak sa kanyang balikat at isiniksik ang aking mukha sa kanyang leeg. Leeg?
Bigla kong idinilat ang nakapikit kong mata at tinitigan kung leeg nga ito. Kinagat ko na lang yung bibig ko at dahan dahan iniangat ang aking mukha.
Tumapik tapik siya sa aking balikat saka nagsalita. "Uhm, are you scared?"
Nakita ko kung paano niya dahan dahan binaling ang mata sa akin.
Oo natatakot ako. Natatakot ako sa kidlat pero sa nakikita ko ngayon mas natatakot na ako dahil parang matatanggal itong puso ko sa bilis ng pagpintig.
Ilang segundo din kaming nagkakatitigan na parang sinasabi ng kanyang mga mata na magtagal pa kami sa ganitong posisyon.
"I think it's gone" sabi niya ulit
"Gone? Po?" Para akong timang dahil wala na akong maisip sabihin.
Tumango siya ng marahan at napansin kong gumalaw ang kanyang labi na kumurba tila nababasa kong gusto niyang ngumiti ngunit pinipigil lang niya.
Tinapik niya ulit ako sa balikat na naging senyales na kumalas ako sa kanyang mga balikat at mabilis na tumayo.
"Master pasensya na po," paumanhin kong sabi saka nag-bow.
"It's okay"
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sir Fred. Nakapantulog na ito at halatang kakagising lang.
"Master? Jane?" Tanong nito na nakatingin sa aming dalawa ni Master.
Nagpalitan kami ng tingin ni Master, hindi ko alam kung anong sasabihin kay Sir Fred. Pakiramdam ko kasi magagalit siya pag sinabi kong niyakap ko si Master.
Eh bakit ka aamin? Pwede mo naman di na sabihin. Ani ng aking konsensya at muling tumingin kay Master.
"I asked Jane to arranged my pillow on my head" wika ni Master.
"Opo sir Fred, tama po" pag sang ayon ko saka pilit na ngumiti.
"Ahh ganun ba, may narinig kasi akong sumigaw-----
"Ako po yun Sir fred. Kumidlat po kasi" agad kong sagot saka kinagat ang aking ibabang labi.
"Yeah. She scared---
"Takot po ako sa kidlat" muli kong sabi at bumaling kay Master. Kung nababasa lang sana ni Master yung nasa isip mo. Wag mo nang sabihin Master. Please!
"Ahh ganun ba sige Jane bumalik kana sa kwarto mo." Sambit ni Sir Fred.
"Opo" saka nagbow at nagmadaling lumabas sa may pinto.
Pagsara ko sa pinto ay nakita ko pa si Master nakatitig sa akin. Iniisip ko na baka sabihin niya kay Sir fred ang nangyari nung kumidlat. Nakakahiya kung malalaman iyon ni Sir Fred. Parang pinagsamantalahan ko si Master.
"Hindi ko naman intensyon na yakapin siya. Nagulat lang talaga ako dahil doon sa kidlat" sabi ko habang sinasapo ang kabado kong dibdib at kahit kinakabahan ay bigla na lang akong ngumiti.
"Para na akong baliw" sabi ko at binatukan ang sarili.
-----------------------------
I was staring at the glass window when my butler knocked on the door. Pasado alas-otso na nang umaga kaya ang sikat ng araw ay maliwanag na. Tamang tama ang sinag nito upang bigyan ng liwanag ang kabuuan ng aking kwarto.
"Come in" I answered saka bumukas ang pinto kung nasaan ang aking katiwala.
"Master, malapit na daw po sila Doc. Nakasakay na daw po sila ng Speed boat" lumapit ito sa akin at iniayos ang blanket na nasa aking kandungan.
"Fred, nakapag desisyon na ako"
Bigla siyang tumigil sa pag-aayos ng blanket at lumingon sa akin. "Master?" Kunot noo niyang tanong at ako nama'y huminga ng malalim.
"I want to walk again" sagot ko.
Ilang sandaling natigil ang aking butler at kumurap kurap na hindi makapaniwala sa aking sinabi "Master" wika niya at mayamaya pa ay may nakita akong luha sa kanyang mata na agad niyang pinahid.
"Gusto kong lumakad ulit" wika ko ulit at kasunod nito ang pagyakap sa akin ni Fred.
"Masaya ako sa desisyon mo Master. Tamang tama parating na si Doc. Tiyak kong matutuwa siya ngayon pag nalaman niya ito"
"Thank you Fred" sabi ko at saglit na ngumiti. Umalis siya pagkakayakap pagkatapos ay binuksan niya ang bintana.
"Master, ibabalita ko na ba kay Master Aeolus at Master Zeus ang tungkol dito?"
"For now, it's better na wag muna." sagot ko at lumingon sa may pinto nang may nagsalita.
"Sir Fred, heto na po ang agahan ni Master"
"Sige Jane bubuksan ko muna itong pinto" sambit ni Fred at binuksan ang pinto.
"Master magandang umaga po" bati nito sa akin at nag-bow. Dala dala nito ang tray na may lamang pagkain at inilapag sa mesa.
Hindi ako nagsalita ngunit ang mga mata ko ay nasa kanya. I still remember how she embrace me last night. Her warm arms, her breath and even her smell. Still now, hindi ko pa rin makalimutan kung anong amoy niya, na kahit pumikit ako ay alam kong sa kanya ang matamis at inosenteng amoy na iyon.
Pagkatapos niyang ilapag ang pagkain sa may mesa ah yumuko ulit siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong tignan. Dahil ba kagabi? Dahil ba sa pagyakap niya sa akin? While looking at her I just realized that Im searching for her attention.
"Sige Jane, pwede ka nang bumaba." My butler said na agad ko namang pigil.
"No," I said na naging dahilan ng pag lingon sa akin ni Jane. I looked into her eyes na mabilis din niyang iniwas ang tingin sa akin at yumuko. "Jane, put a pillow on my back." Utos ko at si Fred ay nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Jane.
"Po?, Opo opo master" sagot ni Jane na halata ang pagkagulat. Kumuha agad ito ng unan sa aking kama at inilagay sa aking likod.
Palihim ko siyang tinitignan habang inaayos niya ang unan sa aking likod. Ganito ang posisyon niya nung gabing pinaayos ko ang aking unan, parang nakayakap. Kaya naman malaya kong nasaksihan ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakita ko kung paano niya kinagat ang kanyang ibabang labi na parang may tumatakbo sa kanyang isip. Maaaring hindi siya komportable dahil ang lapit lapit namin sa isat isa. Ganoon din ang nararamdaman ko, ngunit there's a side of me that want to be closed to her.
"Okay na po ba ito?" tanong niya.
"Yes thanks," I answered and she quickly walk to the door.
"Sir Fred baba na po ako"
"Sige Jane, ipaghanda mo na din ng meryenda sila Doc, mayamaya nandito na sila"
"Opo" saka siya lumabas ng pinto.
Paglabas ng aking caregiver ay pangiti ngiting binalingan ako ng aking butler. "Why?" Tanong ko.
"Master parang may napapansin ako" ngiting sambit nito.
Umismid lamang ako at pinaandar ang aking wheelchair papunta sa mesa kung nasaan ang pagkain.
"Maganda po ba si Jane?" Bigla nitong tanong na nahinto ako sa pagkuha ng basong may gatas.
"What? What do you mean?" Tanong kong nakakunot ang noo. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin I just want to pretend na wala akong pakialam
"Kung maganda po si Jane" wika nitong nilakasan na ang boses.
"She's kind" sagot ko ngunit ang totoo iba ang sagot ng isip ko. She's kind and sweet and kinda attractive.
"Bakit ka nakangiti Master? May dapat ba akong malaman?"
Hindi ko na namalayan na nakangiti na ako habang nakatingin sa pagkain. Nagiiba ang tingj ko habang tinitignan ang pagkain nakahanda. Nakikita ko kasi ang mukha ng nagluto nito. Si Jane. Bukod sa mabait siya masarap din siyang magluto.
"The food smell good." Pag-iiba ko ng usapan na tinawanan naman ng aking butler.
"Masarap talagang magluto si Jane Master. Naturuan talaga siya ni Mayordoma Lydia. Maswerte ang magiging asawa ni Jane."
"Fred Im hungry. Tama nang kwento" sabi ko na ito naman ay kinuha ang kutsara at sumandok ng pagkain.
"Ako na Fred, gusto kong kumain na hindi ka na inaabala" sabi ko ulit at binigay naman nito ang kutsara sa akin.
"Aba mukang maganda ang mood mo ngayon Master"
Di ko naitago ang pag ngiti. Hindi ko na siya sinagot sa halip ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
----------------------