MASS C-20

2050 Words
"Help her!" Utos ko sa aking mga bodyguard at nagmadaling sinugod ang tubig upang iahon si Jane. Mabuti at nahawakan agad ng isang bodyguard ang kamay niya kaya mabilis siyang naiahon mula sa malalim na parte ng dagat. Nang makaabot sa pampang ay inalalayan siya ng mga bodyguard na tumayo hanggang sa makalapit sa amin. "Ikaw talaga Jane, pinag-aalala mo kami" sabi ni Fred na hindi naitago ang kaba Si--sir fred, Ma--master pasensya na po" Umuubo pa ito bago kami binalingan at naghahabol ng hinga. "Si--sir f--fred, pinulikat po kasi yung paa ko" dugtong ulit nito. Natuon ang mata ko sa kanyang mga kamay. Hawak hawak niya pa rin ang pendant at sigurado akong ito na nga ang pendant ng aking lola. "Master heto po ba yung pendant?" sabi niya at iniabot sa akin ang kanyang kamay na may pendant. Kinuha ko iyon at ilang segundo kong pinagmasdan. I'm really sure this is the pendant of my grandma. I can't say any other words cause I was amazed of her effort. She try her best to find this pendant. Why? Tinitigan ko ang pendant at hinawakan ng mahigpit. Nandito pa rin ang presensya ng aking lola kahit na matagal na itong nakalubog sa dagat. "You don't have---" "Master kung magagalit ka. Okay lang po." She said without hesitation. "Why?" I asked and look to her eyes. "Alam ko pong importante yang pendant kaya ko po hinanap" Tanging paghinga ng malalim ang aking ginawa habang nakatitig sa kanyang mata. And all of a sudden she smiled, nakuha niya pang ngumiti kahit muntik na siyang malunod kanina. "Jane salamat" wika naman ni Fred. "Wala po yun Sir Fred." she said. "Master pwede po bang mamaya niyo na lang po ako pagalitan? Kumain po muna tayo ng agahan" she said and smiled again. Nakukuha niya pang magbiro kahit muntik na siyang malunod. Hindi na ako nagsalita. I just looked at her. Hindi ko siya nakitaan ng kaba o takot kahit tinitignan ko siyang walang ekpresyon. Marahil ay immune na siya sa galit ko. "Tsk, sa susunod na malunod ka pa bahala kana" sermon ko dahil sa pag-aalala sa kanya. May halong pag-aalala at saya ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Im happy cause I have this pendant but Im also worried thinking that na muntik nang malagay sa alanganin ang buhay niya. "Pasensya na po Master, sorry po" sagot niya at sinabayan ng pag bow. "Teka nga halina muna, pumasok na muna tayo sa loob." Wika ng aking butler at humawak sa likuran ng aking wheelchair upang itulak. "Opo Sir Fred". She answered saka lumakad. Naunang lumakad ang aking caregiver kaya malaya kong natitigan ang kanyang likuran. Di ko naiwas ang aking mata sa pagtitig sa kanyang basang katawan. She's wearing a rush guard with a blue beach short na hanggang hita ang iksi. Naka paa at nakalugay ang kanyang buhok na abot hanggang balikat. I can't blame my bodyguard not to look at her, she has a white and flawless skin, an innocent face and a sweet smile. For me I might say that she's not really attractive compared to other women that I met before but there's something about her that actually got my attention and I cant figured out kung ano iyon. ------------------- Galit si Master sa akin? Okay lang. Sana'y naman na akong sigawan niya. Nasa likuran ko sila nang kanyang butler na pakiramdam ko ay nagsasalubong na ang kilay ng aking amo. Kung kelan naman kasi na babalik na ako doon sa pampang ay umatake naman ang pamumulikat ng paa at binti ko. Mabuti na lang at nasagip ako ng mga bodyguard kung hindi baka tuluyan na akong malunod. "Jane magpalit kana," utos ni Sir Fred nang kami ay makapasok na sa loob ng bahay. "Opo Sir Fred" sagot ko at bahagyang yumuko. "Hurry up! Change your clothes!" Parang nagsitayuan lahat ng buhok ko sa batok dahil sa boses ni Master. Hindi naman pasigaw pero yung punto niya yung nakakatakot. "Sorry po Master" paumanhing sabi ko at Umulit ulit ng pag bow. "Go now" Ngayon naman ay mahinahon na ang kanyang tinig. Hindi ko tuloy mawari kung galit ba siya o hindi. Dahan dahan kong inangat ang aking mukha na saktong tumama ang mata ko sa mukha ng aking amo. Hindi ko naalis ang pagtitig sa kanya kahit seryoso ang kanyang mukha. Tila magnet kasi ang kanyang mata na di ko nagawang umiwas ng tingin Ewan ko ba, siguro dahil nasisilip ko sa kanyang labi na may ngiti siyang pilit na kinukubli ito marahil ang dahilan kaya hindi ako nakaramdam ng takot kanina habang tinitignan ang seryoso niyang mukha. Lalo na ang kanyang mata na pakiramdam ko hinihipnotized ako. "Jane akyat na" biglang sabi ni Sir Fred dahilan para matigil ako sa pag-iilusyon. "Sige po Sir Fred, aakyat na po". Habang tinatahak ang hagdan paakyat ay natigil ako. Muli kasing nagsalita si Master at ito ang unang beses na tinawag niya ako sa aking pangalan. "Jane." Parang musika sa aking tenga na naging dahilan ng dahan dahan kong paglingon sa kanya. It was like a magic that causes me to stop thinking.  The only thing that I knew is I was looking on him. An image of a soft spoken man that I never expect from him. "Po---po?" Sabi kong di makapaniwala. "Thank you Jane" he said in a gentle voice. Ngayon ko lang naramdaman ang maging ice cream na tinutunaw sa mainit na araw. Ganito ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin  sa aking amo at mayamaya pa ay may ngiti na sumilay sa kanyang labi. Sa mga ngiti niyang nasaksihan ko ay ito ang kakaiba dahil ang bilis bilis ng pintig sa dibdib ko na di ko kayang kontrolin. "Po--po?" Para akong ewan dahil narinig ko naman ang sinabi niya. Hindi ko lang talaga alam kung anong isasagot sa kanya. "Jane magpalit kana, aba'y nagugutom na ako. Master, tatayo na lang ba tayo dito?" Sabi ni Sir Fred dahilan para magmadali akong umakyat ng hagdan at pumasok sa aking kwarto. Pagsara ng pinto ay napasandal na lang ako. Grabeng kaba ko kaya tinapik tapik ko ang dibdib ko. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Killer smile kumbaga na pakiramdam ko pinatay niya ako talaga. A sweet killer smile that I would love to die without hesitation. ------------------ Yakap yakap ko ang unan habang nakaupo sa aking kama. Nakasandal ang aking likod sa may headboard habang kausap si lottie sa kabilang linya. "Hindi ka ba naboboring dyan?" "Hindi naman lottie, may t.v. naman dito sa kwarto ko, saka maganda ang view dito" Tumawa siya bigla bagay na ipinagtaka ko. "Bakit ka tumatawa?" "Talaga? Maganda ang view? Maganda ang nakikita mo?" Tanong nito na tila may ibig sabihin. Humiga ako sa kama habang yakap yakap ang unan. Ilang saglit ay di ko napigilan ang ngumiti. Mukang alam ko na siguro ang tinutukoy niya. "Wag nga ako Jane, ine-echos mo naman ako eh." Wika nito ulit at patawa tawa. "Tama naman ang sinagot ko diba? Maganda ang view dito. May beach parang paradise island nga itong lugar nila Master Achi". "Eh si Master Achi paradise din ba?" Biglang uminit ang aking pisngi at alam kong namumula ang aking mukha. "Hala, at paano napunta kay Master ang usapan?" "Hoy, ang gwapo kaya ni Master Achi. Ano nga ulit yung pangalan niya? Achi lang ba?" "Nickname niya lang yung Achi. Sa pagkaka alala ko ay Achilles ang pangalan niya." "Ahh ang gwapo sa pandinig. Bagay na bagay sa kanya Jane" sabi nitong parang kinikilig. "Lagot ka kay Master Aeolus pag narinig ka" pananakot ko pero tumawa lang ulit ito. "Hayaan mo siya magalit. At saka kasal na kami." "Oo nga pala kasal kana kay Master Aeolus. Buti nagkakasundo kayo? Naalala ko dati pag tumatawag ka sa akin lagi kayong nag-aaway lagi kang galit sa kanya" muli akong bumalik sa pagkakaupo at isinandal ang aking likod sa may headboard. "Ewan ko ba Jane. Lagi akong naiinis sa kanya pero konting suyo niya lang lumalambot ako. Siguro nga totoo ang kasabihang the more you hate the more you love" Habang nakikinig kay Lottie ay parang may parte ng sarili ko na gustong alamin kung ano ang kahulugan ng kanyang sinasabi. "Ikaw Jane, may nagugustuhan kana ba?" Biglang nitong tanong dahilan para matigil ako sa pag-iisip. Nagugustuhan?. Hindi ko alam kung may nagustuhan na ba ako. Pero isa lang ang nasa isip ko. Nung narinig ko sa aking amo na tinawag niya ako sa aking pangalan ay parang may mali. Iba ang pakiramdam. Kabado ako ngunit may halong saya. Hindi ko mawari kung bakit. Kung bakit ko naramdaman iyon at kay Master Achi pa. "Ha?" Wika ko na hindi ko alam kung bakit di ko masagot. "Ang sabi ko kung may nagugustuhan ka na ba? Ano ba yan, paulit ulit teh?" Sabi nito sabay tawa. "Wala, wala pa Lottie" "Paanong wala, jusme ilang taon kana ba?" Tanong nito. "23 na ako. Bakit Lottie?" "Ganyang edad dapat jumo-jowa na. Nagbibilang kana dapat ng mga lalake dyan sa daliri mo. Ambot Dhay!!" "Eh Lottie, hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend. Saka bata pa naman ako. Nasa kalendaryo pa naman ang edad ko" pahayag ko na mas lalo niyang kinatawa. "Haynaku dhay, parehas na parehas kayo ni Minah. Napaka inosente. Bakit kasi hindi ka jumowa. At saka hindi naman siguro magagalit ang mga magulang mo dahil nasa tamang edad kana". Sermon naman nito. "Hehehe, wala kasing naglalakas manligaw Lottie". "Eh baka kasi hard to get ka. Ang sarap kaya jumowa. Parang nasa heaven yung feeling dhay!" Biglang akong napaismid at na-iimagine ko na ang mukha niya kahit kausap ko lang siya sa kabilang linya. Liberated si Lottie kaya sa usaping lalake at pag-ibig ay immune na kaming tatlo pag siya ang nagku-kwento. "Darating naman yan Lottie, siguro hindi ko pa time para magkaroon ng boyfriend." "Wehh, hind nga. Eh yung mga bodyguard dyan yummy ba?" "Hindi ko alam." Sagot ko. "Be yen gurl. Landi landi din pag may time. Baka maburo yang bataan haha" muli na naman siyang tumawa na tila nang-aasar pa. "Ano ka ba, hindi ako nakikipag usap dito sa mga bodyguard. Baka pagalitan ako. Saka pagbinabantayan ko si Master Achi nasa kanya lang ang atensyon ko." "Istrikto ba si Master Achi?" Tanong naman niya. "Medyo, pero muka naman siyang mabait nga lang may araw na sumpungin siya, naninigaw, minsan ayaw niyang nilalapitan siya" pahayag ko at siya naman ay pansamantalang tumahimik. "Ganun ba, alam mo Jane nakakaawa si Master Achi, sana magpa therapy na siya para muli siyang makalakad. Kung gagaling siguro siya mag-iiba na ang ugali niya." "Oo nga eh, yan din ang sabi ni Master Zeus tulungan ko daw si Master Achi na makumbinsi na magpa-therapy. Eh kaso di ako kinakausap." "Tyagaan lang Jane, ako nga eh pinagtiyagaan ko yung anak nitong mister ko. Mabuti at nagkasundo kami kung hindi baka hindi kami nagkatuluyan." "Sana nga Lottie. Bukas nga may pupuntang doctor monthly check up ni Master Achi" "Atleast nagpapa check up si Master Achi. Ibig sabihin may pag-asa pa, anong malay natin baka siya na din ang magsabi na magpapatherapy na siya." "Oo nga eh." "Jane mas makukumbinsi mo siya kung idadaan mo sa lambing" biglang sabi ni lottie at muli na namang tumawa. Bigla akong kinabahan, naaalala ko na naman kasi ang mukha ng aking amo at nung nag - thank you sa akin. Thank you Jane. Ume-echo pa sa isip ko ang boses niya dahilan para umiling iling ako ng tatlong beses saka kumamot sa aking ulo. "Lottie! Ano kaba! ang wild mo-----" "Echos! Sa gwapo ng amo mo imposibleng hindi ka magkagusto. Hay naku Jane tuod ka nalang kung hindi ka makaramdam." Totoo, hindi ko pa naranasan ang magkagusto. Hinahangaan ko lang si Master. Pero ang magkagusto yan ang bagay na iniiwasan ko. Langit at lupa kaming dalawa. Hindi ako nababagay sa aking amo. Dahil isa lang akong probinsyana at hindi pinalad na magkaroon ng maalwang buhay. Hindi katulad ni Master na nasa kanya na ang lahat. May magandang bahay, gwapo at mayaman. Malayong malayo ang agwat namin sa isa't isa. "Umamin ka nga sa akin Jane. May crush ka ba sa amo mo?" Bigla nitong tanong dahilan para matigal ako sa pag-iisip. "Wa---wala, ibig kong sabihin hindi." "Bakit parang nauutal ka? Namumula kana siguro hahaha".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD