Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto. Patingkayad akong pumasok at tinungo ang cabinet kung nasaan ang aking mga damit.
"Mabuti na lang at natapos ko agad ang pagluluto" sabi ko habang hinahanap ang damit na kanina ko pa iniisip kung nadala ko ba. "Ayun! Nahanap din kita" muli kong sabi at kinuha ito.
Alas kwatro pa lang ay gising na ako. Simula kasi kagabi nang malaman ko na nawala ang pendant ng lola ni Master ay nagkainteres akong hanapin iyon. Wala namang masama kung mag-babaka sakali ako, kung hindi ko man mahanap ay ok lang atleast sinubukan ko.
Habang sinusuot ang rush guard ay sumagi naman sa isip ko si Nay Lydia. "Beach front ang katapat ng mansyon nila Master Achi, minsan try mong mag swimming doon pag may time ka. Heto ang rush guard at beach short binili ko talaga yan para sayo."
"Salamat Nay. Hindi pa gising si Master at ang butler niya kaya lulubusin ko na" sabi ko na parang kausap ang aking mayordoma.
Pagkatapos kong magbihis ay nagmadali agad akong lumabas sa pinto. Syempre patingkayad pa rin akong lumakad ayaw kong makagawa ng anumang ingay. Habang isinasara ang pinto ay dahan dahan ko iyong hinahatak. Napadiretso ako ng tayo ng makita si Sir Fred na umaakyat doon sa hagdan. Papasok ulit sana ako ngunit huli na. Nakita na niya ako.
"Jane, bakit ka nakaganyan?" sabi nito habang umaakyat sa may hagdan.
Naisandal ko na lang ang likod sa pinto ng aking kwarto saka nag halukipkip ng aking braso. "Sir Fred, ano po kasi." hindi ko alam kung anong idadahilan hanggang sa makalapit na siya ay hindi ko pa rin natatapos ang aking sasabihin. "Ano po kasi, Sir Fred----"
"Mag-sswimming ka?" sabi nito, nakita na niya ng malapitan ang suot kong rush guard at beach short.
Tanging pagtango at pilit na ngiti ang aking naisagot.
"Okay lang po ba?" mayamaya ay sabi ko. Hindi ko lang masabi kay Sir Fred ang totoong dahilan na susubukan kong hanapin ang pendant ni Madam Amelia doon sa dagat.
"Oo naman iha, aba'y maganda yan para hindi ka naboboring dito sa bahay" nakangiting sagot nito.
"Talaga po?" sabi kong di makapaniwala.
"Oo nga, pumunta kana doon, masarap mag-swimming pag umaga. Hindi pa masakit sa balat ang init ng araw. Teka nga anong oras na ba?" saka siya tumingin sa kanyang suot na wrist watch. "Mag-aala sais pa lang pala. Nakaluto kana ba ng agahan Jane?"
"Opo Sir Fred, may coffee na din po sa coffee dispencer."
"Aba mukang maaga ka nagising ah"
"Opo Sir Fred," ani ko at ngumiti.
"Sige iha, bumaba kana. Sulitin mo ang dagat, tutal tulog pa naman si Master" wika nito at lumakad na papunta sa pintuan ng kwarto ni Master.
Nagmadali agad akong bumaba at humaripas ng takbo papunta ng gate. Nakasara pa iyon habang ako'y papalapit. Nang mapansin ako ng mga bodyguard ay binuksan naman nila ito kaagad. Nakatitig sila sa akin mula ulo hanggang paa, marahil ay ito ang unang beses na nakita nila akon naka short at fitted ang aking pang-itaas hindi ko tuloy naiwasan na mailang.
"Mam Jane Goodmorning po" ani ng isang bodyguard saka pinindot ang remote ng gate dahilan para bumukas iyon.
"Good morning Mam" sabi naman ng isa na nakapwesto sa kabilang bahagi.
"Goodmorning". bati kong nahihiya.
"Mam ang puti puti niyo po talaga" sambit ulit ng isa na may hawak na remote.
"Kuya wag ganyan, nananampal pa naman ako" biro ko dahil naaalibadbaran na ako sa kanila. Hindi naman na ito sumagot bagkus ay umayos sila sa pagtayo at dumiretso ng tingin. Sanay na ako sa ganitong biro kaya alam na alam ko kung paano sila sisindakin.
Patakbo akong lumusong sa may dagat. Maliwanag na ang paligid at yung dilaw na sinag ng araw ay sa dagat tumatama. Tamang tama para hindi ako mahirapan sisirin ang ilalim.
"Ang lamig!" sabi ko habang lumalakad na hanggang bewang ko na ang tubig. hinawi hawi ko ng aking kamay ang tubig at masusing tinitigan ang puting buhangin sa ilalim. Sa sobrang linaw ng tubig at puti ng buhangin ay kitang kita ko ang ilalim. May mga kabibe at corals ang akong nakakapa sa aking paanan. Lumakad pa ulit ako hanggang umabot sa leeg ko ang tubig nakikita ko na ang malalim na parte dahil inilublob ko ang aking ulo. Saglit kong pinagmasdan ang nasa ilalim at nakita ko ang makukulay na corals at ang mga isdang lumalangoy. Muli kong inangat ang aking mukha at napagpasyahan na sumisid sa ilalim. Huminga muna ako ng malalim saka lumangoy pailalim. Palingon lingon ako sa paligid habang hinahanap ang pendant. Hindi ako sigurado kung anong pendant iyon pero isa lang ang nasa isip ko. Mabigat na bagay iyon at kung may mamahaling bato na kasama ay tiyak kong kikislap iyon. Ilang sandali pa ay umahon ako at muling kumuha ng oxygen. Ngayon susubukan kong mas matagal. Baka sakaling mahanap ko na.
Habang lumalangoy ay sunod din ng sunod ang maliliit na isda sa aking likuran. Ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng lumalangoy. Sabi ko sa sarili na tila kausap ang mga isda.
Muli na naman akong umahon nang kapusin ako ng hangin. Huminga ulit ako ng malalim at sumisid. Pangatlong beses na ito at nagdadasal na ako na sana mahanap ko na yung pendant. Mas lalo kong pinursige ang sarili at sa mga coral ay masusing naghanap pati ang pagong na lumalangoy ay nagtago sa kanyang bahay ng ako'y maramdamang papalapit.
Sana mahanap ko, Sana mahanap ko. Please Lord. Nagdadasal na ako sa aking isip dahil ayaw kong mawalan ng pag-asa. Natigil ako sa paglangoy ng mapansin ang isang bagay na kumikislap. Bigla na lang akong kinabahan.
Sana ito na. Sana ito na. Paglapit ko ay isang hugis bilog at may kulay pulang bato ito sa gitna. Marahil ay ito na nga ang pendant na hinahanap ng aking Amo. Nag-umpisa na rin akong kapusin ng hangin kaya nagmadali akong kuhain ito na katabi ng mga corals. Pagkakuha ay mabilis kong ini-ahon ang sarili sa dagat. Hingal na hingal at naghahabol ng hininga.
____________________
"Magandang umaga Master." Bati niya habang binubuksan ang pinto. Lumapit siya sa akin at tulungan akong sumandal sa may headboard.
"Master ang aga yata ng gising mo?"
"I just miss the old days, waking up early in the morning and take a walk on the beach front." I answered. Kinuha nito ang libro na nasa aking tabi at inilagay iyon malapit sa lampshade.
"Master nakapag isip isip kana ba? Tatawagan ko na ba si Doc?" Wika niya at iniayos ang aking wheelchair na nasa tabi ng aking kama.
"Fred. I don't know. I'm still thinking about it." sagot ko saka bumuntong hinga.
"Master, nagbabaka sakali lang. Baka kasi nasasawa ka nang magbasa ng mga libro." and my butler smiled.
Hinawakan niya ang aking paa upang maiupo ako sa gilid ng kama. Pagkatapos ay nilagyan niya ng unan ang gilid ko kung saan ako nakasandal
Kahit nakangiti ang aking butler ay pansin kong nahihirapan siya sa pagbuhat sa akin.
"Fred are you tired?"
Nahinto siya sa ginagawa at nakangiting hinarap ako marahil ay alam niya kung anong ibig kong sabihin.
"Hanggat nandito ako, pagsisilbihan kita Master, malaki ang utang na loob ko sa inyo" sabi nito na sa totoo lang na hindi ko naiwasan ang malungkot. In his age, he is suposed to be in his family.
"Thank you for taking care of me" I answered and smiled.
"Ganyan dapat Master, palagi kang nakangiti. Mas mapapabilis ang recovery mo kung lagi kang nakangiti" wika ulit niyang nakangiti at tinuloy ang pagbuhat sa akin. Pagkalipat niya sa akin sa wheelchair ay nilagyan niya ng step-in ang aking paa at nilagyan naman ng blanket ang aking hita.
Lumingon siya sa bintana kung saan natatanaw ang dagat at ilang sandali pa ay nagsalita. "Aba mukang magaling si Jane lumangoy ah" sabi niya na naging dahilan upang ako ay bumaling sa bintana. Lumapit ako sa bintana upang tanawin ang aking caregiver. She's taking a deep breath at sumisid sa dagat.
"Fred, kanina pa ba siya nandyan?" I asked my butler.
"Kani-kanina lang Master, nakasalubong ko siya dyan sa pinto bago ako pumasok dito."
Nakikinig ako sa aking butler habang ang mga mata ko ay nasa aking Caregiver. It seems that she's a good swimmer. Ang tagal niya din umahon at pagkatapos ay magda-dive ulit.
"Let's go outside" sabi ko at nagtungo agad sa pinto upang lumabas.
"Mukang gusto mo din yata maligo sa dagat" wika ng aking butler habang nakaalalay sa likuran ng aking wheelchair.
"Nope. To tell you Fred, I had dream last night"
"Ano yun Master?"
Papalapit na kami sa gate at mula doon ay ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Hindi gaanong mainit at malamig ang hangin. Tamang tama lang na tila nag-iimbita ito na maligo doon sa dagat. Gustuhin ko man ay hindi ko naman magawa dahil sa mga paa at binti kong paralisado.
"I had a talk with my grandma and she said that she wants me to see swim again. Like the old days where I can do everything.But Fred do you think I can? Cause I'm not sure if I can do it again". I said and sighed. Natunton na namin ang pampang at mula doon ay hindi pa namin natatanaw ang aking caregiver na umahon.
"You can Master, I know you can. Si Madam Amelia, she wants you to walk again. At pag dumating ang araw na yan tiyak kong magiging masaya siya."
I didnt answered. I just take a deep breath and feel the breeze of air. Siguro nga. Siguro nga tama ang aking butler. My grandma will be happy if she see me walking again.
"Ayun si Jane, umahon na siya Master."
------------------------
"Jane, okay ka lang?" sigaw ni Sir Fred na nandoon sa pampang. Katabi na pala nito si Master at nakatingin din sa aking direksyon. Medyo malayo na pala ang nalangoy ko dahil halos kasing laki na lang sila ng aking palad.
"Okay lang po ako. Sir Fred, Master heto po ba ang hinahanap niyo?" saka ko tinaas ang kamay ko na hawak ang pendant.
"Naku! Jane ayan nga! Salamat at nahanap mo!" sigaw ni Sir Fred na may saya sa kanyang tinig.
Di ko naiwasan ang ngumiti habang nakatingin sa kanila na nasa pampang. "Salamat po" sabi ko saka tumingala sa langit.
"Halika na Jane, umahon kana" wika ulit ni Sir Fred.
"Opo". pinulupot ko sa aking kamay ang pendant at pagkatapos ay lumangoy pabalik. Habang lumalangoy ay nag-umpisang ma-manhid ang aking paa paakyat sa aking binti. Pinilit kong makalapit kila Sir Fred kahit unti unti na akong nawawalan ng balanse. At maya maya pa ay naghahabol na ako ng hangin dahil hindi na ako makalangoy ng maayos.
"Jane!" sigaw ni Sir Fred.
"Si--sir Fred!" sabi ko at pilit na iniaahon ang aking mukha doon sa tubig.
-------------------------