MASS C-18

1918 Words
Tahimik kaming tatlo na nakatingin doon sa dagat. Nakakarelaks ang simoy ng hangin pati na ang banayad na paghampas ng alon sa may batuhan at dalampasigan ay masarap ding pakinggan. Nasa likuran ako ni Master at Sir Fred, kaya malaya kong napagmamasdan ang kanilang kilos at reaksyon. Nakikinig lang ako sa kanila sa tuwing meron silang pag-uusapan. Napansin ko din na medyo nagsasalita na si Master. Parang unti unti nang nagbabago ang kanyang ugali nitong nagdaang mga araw. Hindi na kasi siya sumisigaw, napapalakas lang ang kanyang boses at hanggang doon lang. "Master, naaalala mo pa ba madalas mong yayain si Madam Elizabeth na mag-swimming dito? Kahit nung binata kana laging kang nandito. Madalas kang magswimming lalo na't sabado at linggo."  Bumaling ako kay Master at narinig kong bumuntong hinga siya. Hindi ko alam kung bakit unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi habang nakatitig sa kanyang likuran. kahit kalahati lang ng kanyang mukha ang naaaninag ko ay sapat na iyon para masabi kong kalmado siya habang inaalala ang kanyang namayapang lola. "That was a long ago Fred, hindi ko na masyadong maalala" sabi niya saka lumingon sa aking pwesto. Kaya naman mabilis kong itinuon ang tingin ko sa itaas. Kunwari ay tinitignan ko ang mga bituin at ang buwan. Gusto ko sanang tumayo at umalis muna dahil parang nakaramdam ako ng kaba. Ibang kaba na hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko. Kaya ko siguro naramdaman ito ay ayaw kong makita si Master na nakatitig sa akin. Ewan ko ba kung bakit ganito ang epekto niya sa akin ngayon. Dahil ba nalaman ko na ang dahilan kung bakit may peklat siya sa kanyang dibdib? O dahil concern ako sa kanya? o baka naman dahil sa awa. "Jane paki-abot mo nga yung wine dyan sa mesa" biglang utos ni Sir Fred dahilan para bigla akong mapatayo. Natigil ako sa pag-iisip at dali daling kinuha ang dalawang basong wine. "Eto po Sir Fred" saka iniabot ng dalawang baso kay Sir Fred. "Salamat. Bibigyan sana kita kaso baka may sumapi na naman sayo" biro nito saka tumawa. "Ah eh. hehehe" tumawa na lang ako. Hindi ko rin naman gustong uminom ng wine kasi baka mamaya ay kung ano na naman ang lumabas sa aking bibig. Mahirap na, baka maging dahilan pa na muling magalit sa akin ang aking amo. "Master, wine" saka iniabot ni Sir Fred ang isang basong wine kay Master. "Thanks" tipid nitong sagot.  "Jane juice na lang ang inumin mo" baling naman sa akin ni Fred.  "Meron na po Sir Fred" sagot kong nakangiti saka kinuha ang isang basong juice sa mesang nasa likuran ko. "Okay. Sabihin mo lang kung gusto mo nang pumasok. Medyo malamig na dito baka sipunin ka". wika ulit nito. "Okay lang po ako Sir Fred. Medyo nakakarelaks nga po dito". sagot ko saka uminom ng juice. "Oo nga iha, nung nabubuhay pa si Madam Elizabeth madalas siyang nandito lalo pag ganitong oras. Minsan dito sila nag lalagay ng tent ni Master at nagbo-bonfire."  "Talaga po Sir Fred. Ang cute naman" sabi kong nakangiti. Hindi sumasagot ang aming amo, nakikinig lang siya sa amin. Okay lang siguro sa kanya na pag-usapan namin ni Sir Fred ang tungkol sa kanyang Lola. "Oo iha" wika nito saka lumingon kay Master at ngumiti. "Di ba Master?. Naalala ko pa nung nag swimming kayo dito ni Madam. Nahulog dyan sa dagat yung pendant niya." "Yeah, I searched that pendant. But I never found it." sambit ni Master saka bumuntong hinga.  "Oo nga Master, Kaya hindi na rin hinanap ni Madam yung pendant. Siguro sa malalim na parte yun nahulog, kaya hindi na nakita" "That pendant, grandpa gave it to her" sagot ng aking amo na tila may lungkot sa kanyang tinig. "Sayang nga Master at di mo naabot si Don Lucio, kahawig na kahawig mo siya. Alam mo bang maaga nabyuda si Madam Amelia pero kahit sinong lalake ang sumuyo sa kanya ay hindi niya pinansin. Mahal talaga ni Madam Amelia si Don Lucio" "Yeah, grandma also told about it" sabi ni Master at mayamaya pa ay humingang malalim. "Teka nga kausapin nga natin itong si Jane, kanina pa ito tahimik eh" sabay lingon sa akin ni Sir Fred habang si Master ay nanatiling nakatingin doon sa dagat. "Ha? Eh? Ako po? Naku Sir Fred wala naman pong bago sa buhay ko" sabi ko na tatayo na sana ngunit nagsalita ulit si Sir Fred. "Ops! Wag ka umalis, ikaw talagang bata ka lagi ka nalang umiiwas" wika nito at ako'y hindi na nakatayo dahil lumingon na sa akin si Master. "Fred, wag mo na siyang pilitin." Sabat ni Master at nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang labi ng kaunti na parang ngingiti. "Ahh ehh okay lang po, pwede po kayong magtanong"madali kong sagot at iniyuko ang aking ulo. Ayaw ko kasing makita ang buong mukha ni Master. Mas lalo kasi akong matutuliro kung makikita ko ang gwapo niyang mukha. "Jane, gusto mo ba rito?" Tanong ni Sir Fred na nag paseryoso ng ambiance. Hindi ko alam kung bakit di ako makasagot agad. Gusto ko ba dito? Minsan Oo minsan hindi. Teka ano bang isasagot ko?. Pinagpapawisan yata ako dahil sa tanong ni Sir Fred. "You dont need to answer" biglang sambit ni Master na sa totoo lang ay nakonsensya ako. Siguro ay nahuhulaan niya na ayaw ko dati. Agad akong umiling. "Gusto ko po rito" "Mukang napipilitan ka lang yata iha" wika ni Sir Fred at sinabayan ng pagtawa. "Sir Fred gusto ko po talaga dito,"sagot ko ngunit parang hati ang aking sarili. Iba pa rin kasi siguro kila Minah, kahit palaging nagiisa ako sa kwarto ay dumarating naman si Levi. Kahit papaano ay may nakakausap ako. "Talaga Jane? Totoo ba yan?," "Opo Sir Fred, Gusto ko po dito may dagat saka ang tahimik. Sa probinsya po kasi namin puro palayan, di rin po kami nagpupunta ng dagat kasi napakalayo po. Pero marami pong sapa sa amin. Doon po ako natutong lumangoy" pahayag ko at si Sir Fred ay bigla na lang tumawa. "Aba'y maganda yan kung marunong kang lumangoy, pwede kayong mag swimming ni Master pag nakalakad na ulit siya" "Ah ganoon po ba" saka ko tinitigan si Master. At habang nakatitig sa kanya ay parang biglang nag init ang aking pisngi na mabilis kong iniwas ang tingin sa kanila. Baka kasi makita nila ang pamumula ng aking pisngi. Bakit para yatang nahihiya ako? Eh mag s-swimming lang naman kami ni Master. "Bakit namumula ka iha?" "Po? Parang hindi naman po yata" maang maangan ko at kinuha sa bulsa ng aking apron ang panyo at pasimpleng tinakpan ang aking pisngi. "Nakakatuwa ka talaga Jane, para kang teenager" biro ni Sir Fred. "Bakit naman po?" "Kasi napaka inosente mo sumagot para kang nag-aaral pa lang ng elementary" at muli na namang tumawa si Sir Fred dahilan para pati ako ay tumawa. "Mukang lasing kana po Sir Fred". Sagot kong nakangiti at wala sa pagiisip ay napabaling ako kay Master. Hindi ko nagawang kumurap habang nakatingin sa kanya. Nakangiti siya na mabilis niyang binawi nang makita akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kusang ngumiti ang aking labi at ilang sandali pa ay muli siyang ngumiti at sigurado ako para sa akin ang ngiting iyon. "Jane ano bang hinahanap mo sa isang lalake?" Muli na namang tanong ni Sir Fred. Hindi agad ako nakasagot dahil ang totoo wala naman akong maisip kung ano nga ba ang hinahanap ko. "Iha, yung katangian ng lalake na gusto mo. Gusto mo ba yung mabait? Yung masipag? Yung gentleman?" Dugtong ulit ni Sir Fred. "Hindi ko po alam Sir Fred. Wala po talaga akong ideya" pag-aamin ko dahilan para muli siyang tumawa at ngayon ay malakas na. "Hala si Sir Fred ang lakas ng tawa" sabi kong nakangiti. "Nakakatuwa ka kasi Jane, talagang hindi mo naisip yan? Teka nga ilang taon ka na ba?" "23 years old na po" "Ahh kaya pala, yan ang edad na nasa dating stage pa lang. Kaso parang hindi mo rin yata naranasan makipag-date" sabi pa ni Sir Fred sabay tawa, di ko alam kung na-na-nadya siya o nagbibiro lang kaya dinaan ko na lang ulit sa tawa. "Opo, di ko rin po naranasan yan, mas takot po kasi ako kila  tatay at nanay sabi kong humagikgik. "Napaka istrikto pala talaga ng tatay mo iha," "Opo, pag may lalake nga pong dumadalaw sa bahay hindi nakakatagal ng isang oras, paano ba naman kasi nilalabas ni tatay yung itak tapos sa pinto siya nakabantay" di ko napigilan ang tumawa pag na-aalala ko ang aking ama. "Siguro masarap kainuman ang tatay mo?" Tanong ulit ni Sir Fred. "Fred, I think your drunk" sabat ni Master. "Master hindi pa, malalasing palang" sagot niya kay Master at muling bumaling sa akin. "Jane pakilagyan mo nga ulit ito ng wine." Kinuha ko ang wine saka nagsalin sa baso ni Sir Fred na hawak hawak niya. "Sir Fred, hinay hinay lang po" sabi ko pagkatapos kong lagyan ang kanyang baso. "Okay lang ako iha, kaya ko pa naman" wika nito saka tumayo at itinaas ang kamay na nag-ala superman. Muli na naman akong tumawa at maya maya pa ay sumayaw naman ito na parang may music na pinapatugtog. "Sir Fred tama na po. Lasing kana" saway ko at ito naman ay umiling iling. "Just let him dance. Stress reliever niya yan" wika ni Master habang nakatingin sa kanyang butler. "Minsan lang ito iha," ilang sandali pa ay tumigil siya sa pag sayaw at muling bumalik sa kanyang upuan. Inubos ang alak na nasa kanyang baso pagkatapos ay itinuon ang tingin sa dagat. Muli itong nagsalita at ngayon ay malungkot na ang boses. "Namimis ko na ang asawa ko at ang anak ko"sabi nito at bumuntong hinga. "Fred, we need to rest na. Lasing kana." Sabi ni Master na pinapakalma ang kanyang butler. "Dito na muna tayo Master," sagot ni Sir Fred. Parehas kami ni Sir Fred. Namimis ko na din ang pamilya ko. Lalo na si tatay na kahit mahigpit sa akin ay alam kong kapakanan ko lang ang laging iniisip. Pasimple kong hinawi ang luhang namumuo sa dulo ng aking mata saka tumingala. Pigil na pigil ko na naman ang aking luha na wag na sanang tumulo. Kanina pinapatawa kami ni Sir Fred pero ngayon pinapaiyak niya naman ako. Ilang segundo din kaming nabalot ng katahimikan  at si Sir Fred na akala ko ay muling magsasalita ay bigla na lang humilik. "Sir Fred?" Saka ko tinapik ng marahan ang braso nito. Hindi ito nagsalita, nakapikit na ang mata at mahimbing na palang natutulog. "Master tulog na po si Sir Fred. "Let's go inside. It's getting late" sagot ni Master at sumenyas sa mga bodyguard na lumapit sa amin. Binuhat nila si Sir Fred at pinasok na sa malaking bahay. Habang kami ni Master ay tila naghahantayan pa kung sino unang babalik sa malaking bahay "Ahh ehh, master alalayan na po kita" sabi ko na aalalay sana sa likuran ng kanyang wheelchair na mabilis niya naman pina-abante. "It's okay. Let's go" utos nito at ako naman ay sumunod na lamang sa kanyang likuran. Habang nakasunod sa kanya ay di ko naiwasan ang pagngiti. Pakiramdam ko kasi ang bait bait ni Master ngayong gabi. Hindi siya umirap sa akin bagkus ay ngumiti siya sa akin kanina. Ewan ko ba kung bakit hindi ko makalimutan ang kanyang itsura kanina. Marahil ay iyon ng unang beses na nakita ko nang malapitan ang nakangiti niyang mukha. Killer smile si Master. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD