"Master, master gising na po" isang boses ang narinig ko na kasabay ng pag tapik nito sa aking balikat.
"Fred" sabi ko saka iminulat ang aking mata.
"Master? Umiiyak ka?" Tanong nito dahilan para hawakan ko ang aking nakapikit na mata at saka dumilat.
"No," sabi ko at pinunasan ang aking luha.
"Malapit nang maghapunan, pinaluto ko kay Jane ang paborito mo"wika nito at inayos ako sa pagsandal sa may headboard.
"Fred, wala pa rin makakadaig sa luto ni Manang". I said
"Alam ko po iyon Master, kaya nga sinabihan ko si Jane na magpaturo sa kanyang mayordoma". Pagkatapos niyang iayos ang unan sa aking likod ay nakangiti siyang pinagmasdan ako.
"Why?" I asked.
"Wala naman po Master, napansin ko lang na bumubuti yata ang pakiramdam mo ngayon. Hindi ka na palaging sumisigaw" at siya tumawa ng mahina.
"Fred, ayaw ko lang na laging na-i-i-stress. And today I choose to be in good mood. Grandma will get mad pag nakita niyang nakasimangot na naman ako." Ani ko at sandali pa ay bumuntong hinga.
"Master, kung hindi mo mamasamain pwede bang magbigay ng opinyon?"
"Ano yon?" I asked at siya naman ay huminga ng malalim bago nagsalita.
"Master kung buhay pa siguro si Madam Amelia ay gagawin niya ang lahat para muli kang makalakad. Alam po nating dalawa kung gaano ka kamahal ni Madam. Kaya sana wag mong kakalimutan ang binilin niya sayo bago siya mawala"
It took me a second before I finally knew it. Tanging pagkurap kurap ang aking ginawa cause I want to stop my tears falling down from my eyes.
"Ang sabi niya, pilitin mong mabuhay. Live a happy life. Move on and look only on beautiful and positive side of life. She dont want you to feel broken and sad." My butler said again.
And all of a sudden tears came out to my eyes.
"Fred" Sabi ko at hinawakan ang aking dibdib. "This scar will remain here forever and because of this I dont know where and when I will start my life"
"Master naghilom na yan. Ang mga gumawa niyan sayo ay namatay na. I think it's better na you forgive them. Hindi para sa kanila. Kundi para sayo. You forgive yourself also. Master alam kong sinisisi mo din ang sarili mo sa pagkamatay ng iyong daddy. Wala kang kasalanan. It's an accident. A plane crash. Kaya Master pakiusap live your life now."
I didnt say anything I just listen to him. Like a son listening to his father. Fred is like a father to me. And this is the first time that I heard these words from him. Siguro nga tama siya. Kailangan ko nang magpatawad sa mga taong nakagawa ng masama sa akin. Para naman makapag umpisa na ako sa sarili ko and live my life the way I want to be.
"Pati si Madam Elizabeth patawarin mo na rin siya Master. Kahit bali baliktarin ang mundo ay ina mo pa rin siya. Iisang dugo lang ang dumadaloy sa inyong dalawa"
"Fred, I dont know. She's been so heartless to me ever since. You that Fred." Alam ko na ito ang bagay na hindi ko yata kayang gawin. Ang patawarin ang aking ina.
"Alam ko po Master, sa ngayon pwede mo naman umpisahan ng paunti-unti. Anong malay natin baka mag-iba ang ihip ng hangin. Biglang bumait si Madam Elizabeth" wika nito na tila may halong biro.
"Fred for now undecided pa rin ako. I just accept the fact that my mother won't change. It's useless to wait on her that someday she will be a good mother. Like these legs it's useless. It's better for me to be in the wheelchair."
"Master kung tutuloy ka nang therapy you have chance to walk. A 100% chance yan ang sabi ni Doc. Hinahantay lang namin na pumayag ka. Saka ngayon na may nag-aalaga na sayo tiyak kong mabilis ang recovery mo. Nandyan si Jane babantayan ka niya. Pero syempre habaan mo talaga pasensya mo kasi sabi mo nga she's clumsy" sabi niya saka bahagyang tumawa.
I just smiled.
"Mabuti na lang talaga at di siya umalis. Kahit lagi mo siyang sinisigawan hindi ko siya narinig na ng reklamo. Totoo nga ang sabi ni Master Zues, mabait at masunurin itong si Jane."
"I think so" segunda ko dahilan para ngumiti sa akin si Fred na parang may kahulugan. "Why?"
"Wala naman po Master"
-----------------------
"Mabuti na lang at naisugod si Master Achi sa hospital. Kung di agad dumating ang mga pulis. Naku! Aabutan talaga nila si Master na wala ng puso".
Naninikip ang aking dibdib at di ko napigilan ang pagluha habang nakikinig sa kwento ni Nay lydia. Ang sakit sakit sa dibdib parang ang hirap huminga hindi ko akalain na minsan nang naranasan ng aking amo ang balatan siya ng buhay. Sa edad niyang 5 years old ay hindi makakayanan ng isang bata ganitong katinding sakit.
Nanlulumo, lungkot at awa ang naramdaman ko habang iniisip ang ginawa sa kanya.
"Nay kaya po pala may peklat si master sa kanyang dibdib"
"Nakita mo Jane?" Agad nitong tanong.
"Oo nay, sinuotan ko kasi siya ng long sleeve nitong nakaraan lang kaya nakita ko. Medyo malalim po siguro ang sugat kasi iba ang kulay nito sa balat niya"
"Ayy oo, sinabi mo pa. Alam mo ba nung binisita namin siya hospital ay pumunta din doon si Madam Elizabeth. Aba'y hinarangan agad ni Madam Amelia yung pinto para di siya makapasok. Nagbanta si Madam Amelia na ipapakulong si Madam Elizabeth kung ipipilit pa nitong makita si Master Achi."
"Ganun din siguro ang gagawin ko nay, nakakaawa pala si Master" saka ako huminga ng malalim para maibsan ang aking lungkot.
"Si Master Achi na din ang nagsabi na ayaw niya makita ang bruhang mama---este ayaw niyang makita ang mama niya." Wika ni Nay lydia na di naiwasan ang pagkainis.
"Baka po kailangan magpunta ni Madam Elizabeth sa psychiatrist. Hindi na kasi normal yung ganyan Nay, parang may problema na siya sa pag-iisip. Dahil sa kanya, muntik nang mamatay si Master. Naku Nay Psychiatrist talaga ang kailangan niya."
"Siguro nga iha, kasi nung nakita ko siya noon ay di ko nakitaan ng kalungkutan, parang ang tapang tapang niya pa. Si Madam Elizatbeh hindi ko talaga siya gusto kahit noon pa man."
"Ako din Nay, ngayon pa lang naiinis na ako sa kanya". Bigla akong napabalikwas ng tayo ng makita si Sir Fred na papunta dito sa kusina. Hindi niya pwede malaman na pinag-uusapan namin ni Nay lydia si Master Achi. Kaya hinarang ko ang kamay ko sa aking bibig at pasimpleng nagsalita. "Nay, tatawag po ulit ako nandito na po si Sir Fred. Bye Nay"
"Sige iha, sa atin lang yun ha, walang makakaalam"
"Opo nay, bye po"
"Sige Jane bye".
Pagkatapos ng tawag ay inilagay ko agad ang cellphone sa aking apron at pinagpatuloy ko na ang pagluluto.
"Luto na ba Jane?" Tanong ni Sir Fred
"Opo, plating na lang po ang gagawin ko"
-------------------
"Jane, pakiabot mo nga yang kumot sa nasa upuan".
"Opo". Kinuha ko ang kumot na nasa upuang katabi ko saka inabot iyon kay Sir Fred. Inilagay niya ito sa kandungan ni Master pagkatapos ay inayos niya ang pwesto ni Master na nakaharap sa may mesa.
"Malamig dito sa labas baka magkasakit ka Master" sambit ni Sir Fred sa aming amo.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa. Nasa labas kami ng gate at alas nuebe na ng gabi. May upuan may mesa at may poste ng ilaw na palagay ko'y pinasadya na ilagay para sa gabing ito. Malakas ang ihip ng hangin at kalmadong hampas ng alon ang nagpaganda sa paligid. Idagdag pa ang bilog na hugis ng buwan at nagkikislapan na mga bituin ang nasa langit na lalong nagbigay ng maaliwalas na ambiance.
"Jane, nandito na ba lahat ng niluto mo?" Tanong sa akin ni Sir Fred na katabi ni Master habang ako ay nasa harap nila. Nakapalibot kami sa bilog na mesa kaya nakikita namin ang mukha ng isat isa.
"Nandito na po Sir Fred" tinanggal ko ang malaking stainless na bilog na nakatakip sa aming pagkain. Bago ko ito ilabas kanina ay sinigurado ko na maganda ang presentation ng plating ng mga pagkain na ito. Lalo na ang request ni Master na Steak and Potatoes.
"Wow" namimilog ang mata ni Butler Fred habang nakatingin sa aking inihanda. Nakita ko rin ang reaksyon ng aking amo. Isang mabilis na ngiti habang siya nakatingin sa kanyang pagkain at sinabayan ng kanyang paglunok. Nakita ko kasing gumalaw ang kanyang adam's apple ng pababa at pataas. Hindi ko tuloy naiwasan ang aking pagngiti dahil sa kanilang reaksyon.
"Jane, mukang masarap lahat ng ito" wika ng aking butler.
"Sir Fred, kumain na po muna tayo. Baka po kasi lumamig na ito." Sagot ko at saka naglagay ng tubig sa tatlong basong malapit sa aming pinggan.
"Aba Jane! Masarap ka talagang magluto" agad nitong sabi pagkatapos isubo ang steak. "Master ang sarap ng Steak, parang si Lydia ang nagluto." Baling naman nito sa aming Master.
Pasimple kong sinulyapan si Master hindi niya ako napansing tumingin dahil nakatingin siya sa kanyang pagkain. Siya ang nagkusang humawak ng kutsara't tinidor kaya siguro hindi na rin nagprisinta si Sir Fred na subuan siya. Kahit nanginginig ang kanyang kamay ay di iyon naging hadlang para kumain siya ng siya lamang. Sa maikling panahon ng pagbabantay ko sa kanya ay masasabi kong may parte ng kanyang sarili na gusto pang maka recover.
Habang minamasdan ko si Master ay di ko napigilan ang lumuha at kasabay din nito ang sunod sunod kong paghikbi. Kung may pagkakataon lang ako na yakapin siya ng mahigpit at sabihin sa kanya na. Okay lang. Okay lang yan, nandito lang ako handang makinig sayo sa lahat ng sasabihin mo. Sa lahat ng masasamang nangyari sayo nandito lang ako. Yayakapin ka ng mahigpit para alam mong di ka nag iisa.
"Jane bakit ka umiiyak?" Biglang tanong ni Sir Fred na agad ko ding pinunasan ang aking luha.
"Masarap po pala talaga itong luto ko" sagot kong humihikbi ngunit ang totoo ay hindi ko masabi kay Sir Fred ang totoong dahilan. Hanggang ngayon naaalala ko pa din ang kwento ng aking mayordoma. Nakakainis dahil masyado kong dinibdib na tila ako yung binalatan ng buhay.
"Oo naman iha, wag kang umiyak dapat pa nga ay matuwa ka."
"Sir Fred salamat po" sabi ko at pilit na pinipigilan ang aking mga luha na wag na sanang tumulo.
"Diba master?" Tanong naman nito kay Master Achi.
Saglit niya akong sinulyapan na kahit sandali lang ay nababasa ko sa kanyang mata at labi na gusto niya akong ngitian. "Yes" matipid niyang sagot at muling bumalik sa pagkain.
Bumalik na ako sa pagkain ngunit di pa rin maalis sa akin ang lungkot. Marahil ay kaharap ko si Master kaya sa tuwing sinusulyapan ko siya ay balik din ng balik sa isip ko ang kwento ng aking mayordoma.
"Jane maswerte ang mapapangasawa mo. Ang sarap mo magluto" biglang sambit ni Sir Fred na kumuha naman ng pansit bihon nasa malaking bowl. Nasa tabi naman ng pansit ay ang fruit salad, may saging at grapes din na nandoon sa gitna.
Ngumiti lang ako. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko pag ganito na ang usapan.
"Naku maniwala ka Jane, hindi mo ba alam ang kasabihan?"
"Ano pong kasabihan?" Tanong ko at bumaling kay Sir Fred.
"The way to a man's heart is through his stomach" wika ni Sir Fred saka lumingon kay Master Achi.
"What?!" Tanong ni Master dahilan para yung mata ko ay ituon ko sa aking pinggan.
"Ahem ahem-" umubo ubo si Sir Fred na para bang di niya sinasadya at ilang sandali pa ay tumawa. "Sana makatagpo ka nang lalake na mamahalin ka ng husto" ani naman nito sa akin.
Pakiramdam ko tampulan ako ng tukso ni Sir Fred. Kaya ang ginawa ko ay tumawa na lang pagkatapos ay bumalik sa pagkain.
"Totoo ang sinasabi ko iha," sambit pa nito
"Sir Fred kung mangyari man po iyan ay di ko naman alam kung anong gagawin ko. Baka magalit lang po si nanay at tatay ko. Mas gugustuhin ko pa pong maging matandang dalaga kesa magalit sa akin ang mga magulang ko" sagot ko.
"Bakit magagalit eh mukang ang buti mong anak, saka iha dapat inihahanda mo rin ang sarili mo pagdating sa ganyang bagay. Hindi natin alam baka bigla na lang yang dumating" sabi nitong tila nangangaral.
"Fred, just stop imagining, she have her own life" biglang sabat ni Master na di namin inaasahan na magsasalita siya.
"Ahh ehhh" hindi ko alam kung sasabat pa ako dahil muli na namang nagsalita si Sir Fred.
"Master, ang pagibig biglang dumarating yan, minsan pa nga sa panahon na hindi mo inaasahan"
"Fred, when it comes to love" sabi ni Master at nakita ko kung paano siya bumaling sa akin na kahit isang segundo lang ang itinagal ay tila may gusto siyang iparating sa sandali niyang pagtitig.
"Ano Master? When it comes to love?" Tanong naman ni Sir Fred.
"Lets eat, mamaya na kayo mag usap after this" utos nitong may awtoridad na ang tinig.
Nagkatinginan na lang kami ni Sir Fred at pailing iling na ngumiti sa akin at kay Master na nasa kanyang tabi.
------------------