Pagkatapos ni Sir Fred ubusin ang kanyang kape ay dumiretso agad ito sa kwarto ni Master Achi. Kinuha nito ang laundry basket na may lamang mga damit at itinabi sa automatic washing machine.
"Oh ayan iha, kaunti lang naman yan. Marunong ka nang gumamit niyang automatic washing machine diba?"
"Opo Sir Fred. Matatapos ko po agad ito bago pa magising si Master. Kaunti lang naman po ang mga damit niya"
"Oo Jane. Kaunti lang yan, every 3 days kasi ako maglaba ng kanyang mga damit."
"Ikaw po pala naglalaba ng damit niya Sir Fred?"
Tumango ito saka pinindot ang on ng washing machine. "Oo maselan si Master sa damit niya. Nung nakaraan kasi pinalaba ko sa katulong imbis na luminis eh nag kupas yung kulay. Kaya ayun pinalayas ni Master yung katulong.
"Ahh ganoon po ba? Sige po iingatan ko po itong mga damit niya"
"Sige iha, aakyat na muna ako. Magluto ka na rin pala ng almusal natin"
"Opo Sir Fred." Paglabas niya ay inumpisahan ko nang ibukod ang mga puting damit sa dekolor na damit. Habang kinukuha ang mga ito bigla na lang may sumagi sa isip ko. Tumingin muna ako sa paligid kung may nakatingin. Nang makasigurado ay pasimple kong inamoy ang long sleeve ni Master.
Hindi ko naitago ang ngiti habang inaamoy ang damit ng aking amo. Hindi ko naiwasan ang kuryosidad dahil ang bango bango pa din ng kanyang damit. Ilang sandali pa ay naalala ko yung pinalitan ko siya ng damit pang itaas. Tandang tanda ko kung anong amoy niya. Na kahit ipikit ko ang aking mata ay hindi ko iyon makakalimutan.
"Hayyy" sabi kong bumuntong hinga. "Ang swerte siguro ng babaeng papakasalan ni Master" dagdag ko ulit saka tinitigan ang damit niyang inamoy ko. "Tama na nga Jane, langit at lupa ang pagitan niyo ni Master wag ka nang umasa" sermon ko sa sarili at mayamaya pa ay tumawa.
Sa totoo lang ang lakas ng dating ni Master, kaya di na ko magtataka kung mahumaling sa kanya ang mga babae na nandoon sa party. Gwapo si Master pero hanggang paghanga lang ang nararamdaman ko. Wala naman kasi akong ideya kung anong pakiramdam ng may gusto.
Pailing iling kong tinitigan ang kanyang damit at itinigil ang pagiisip. Tumigil kana Jane, maglaba kana. Saway ng aking sarili dahilan para ituloy ko na ang ginagawa. May mga damit pa siyang na hindi naman madumi ang tanging madumi at mabaho lang ay yung suite niya kung saan ko siya--- basta yung hindi kanais nais na amoy na galing sa aking bibig.
"Grabe ang baho pala" sabi ko habang inilalayo ang suite na amoy mabaho. Nagpatuloy pa ako sa pagbubukod ng mga puti at de kolor. Maya maya pa ay di ko napigilan ang pamumula ng aking pisngi at walang ano ano ay natawa na lang ako.
Brief. Gumagamit naman talaga ang mga lalaki ng ganito. Pero di ko lang talaga naisip na kasama din ito sa mga lalabhan ko.
Natatawa sa sariling ipinag patuloy ko ang pagbubukod ng mga damit ng aking amo. Inuna ko ang puti na ilagay sa washing machine. Naka set na ang timer nito kung anong oras ito hihinto sa pag ikot.
"Magluluto na muna ako. Tutal mga 30 minutes ka pa naman iikot" sambit ko sa washing machine pagkatapos ay inumpisahan ko na din magluto ng agahan.
----------------------------
Marahang binuksan ni Sir Fred ang pintuan at nang bumukas ay sinalubong agad ako ng tingin ng aking amo. Nasa kama pa siya, nakasandal siya sa may headboard na hawak hawak ang libro na nakatungtong sa kanyang tiyan.
"Master magandang umaga po" sabi ko at nagbow sa kanya.
"Good morning"
Namimilog ang aking mata sa narinig kong pagbati mula sa kanya. Mabuti na lang at nakayuko pa ako kaya hindi niya napasin ang aking reaksyon.
Good mood si Master.
"Goodmorning Master" bati naman ni Sir Fred. "Jane pakilagay mo na yung pagkain ni Master dyan sa mesa" utos naman nito sa akin na agad ko ding ginawa. Maingat kong inilagay sa mesa ang pagkain ng aking amo. Habang inilalagay ay pigil na pigil ko ang aking mga kamay na wag manginig.
Jane dahan dahan lang. Ani ko sa sarili habang nakatitig sa pagkain aking iniaayos.
"Hay salamat" bulong ko sabay hingang maluwag.
"Jane, tapos ka na ba?" Baling sa akin ni Sir Fred. Habang inaayos si Master sa pag upo. Nasa tabi ng kama nito ang wheelchair at inalalayan ng butler na makaupo na ito.
"Opo" sagot ko. "Tulungan na kita Sir Fred." At lumapit sa kanila.
"Pakialalayan mo yung mga paa ni Master"
"Sige po," hinawakan ko ang paa ni Master at habang hawak ko iyon at awtomatiko akong bumaling ng tingin sa kanya. Nagtagpo ang aming mata na agad niya ding iniwas sa akin. Seryoso ang kanyang mukha ngunit hindi ko nakitaan ng senyales ng galit o pagka inis. Kumbaga casual lang siya. Nagmamasid sa amin.
"Ayan nakaupo kana Master" ani ni Sir fred nang matapos naming iayos sa Master sa kanyang wheelchair.
"Thanks" sambit ng aking amo na naging dahilan upang tignan ko siya sandali.
"Jane salamat, ako na lang dito"
"Sige po Sir Fred. Baba na po ako" lumakad na ako papuntang pinto pero tila umi-echo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Master. Isinara ko yung pinto ngunit bakit parang nakatingin siya sa akin?
------------------------
"Jane, medyo dagdagan mo ang pag lagay ng parsley saka yung patatas dapat malambot. Yung karne ba, luto na?"
"Opo nay, bali yung patatas na lang po yung pinapalambot ko"
Kasalukuyan kong kausap ang aking mayordoma sa kabilang linya. Nakadikit sa aking tenga ang celphone at nakikinig sa instruction nito. Ang sabi sa akin ni Sir Fred ay death anniversary daw ngayon ng namayapang lola ni Master.
"Pasensya na nay kung tinawagan kita dahil dito sa steak and potatoes. Sabi po kasi ni Sir Fred eto daw ang lutuin ko dahil paborito daw ito ni Master. Papatulong daw po ako sayo" Tinusok ko ng tinidor ang patatas upang malaman kung malambot na ito.
"Oo iha, paborito yan ni Master Achi, pag pumupunta yan dito ay tatawag sa akin yan para mag request ng menu na yan." Narinig kong tumawa si Nay Lydia marahil ay naaalala niya ang aking amo.
"Ahh ganun po ba, ang sabi sa akin ni Sir Fred ay Death Anniversary daw po ngayon ng lola ni Master Achi." Wika ko saka pinatay ang stove.
"Ay oo nga ano, si Madam Amelia" ani ni Nay Lydia.
"Nay, nakita mo siya?" Sabi ko at naupo muna.
"Oo iha, pero isang beses lang. Teka kelan nga ba yun?" ilang sandali din nagisip si Nay Lydia at mayamaya lang ay muli siyang nagsalita. " Nakita ko siya nung minsan bumisita kami sa hospital"
"Po? Hospital?" Tanong ko sabay kunot ng aking noo.
"Naku iha, dapat pala di ko na sinabi sayo. Ang daldal ko talaga" wika nito na tila gustong bawiin ang sinabi.
"Nay, wag kang mag-alala sa atin lang naman dalawa" sabi kong di maalis ang kuryosidad.
"Sige na nga, basta ipangako mo di mo sasabihin kay Fred at Master Achi ang tungkol dito"
Agad akong tumango. "Opo Nay pangako". Tumahimik ako at pinakinggan si Nay Lydia na nasa kabilang linya. Unti unting sumeryoso ang kanyang tinig na naging dahilan para yung mata ko ay matuon sa pinto dahil baka biglang pumasok si Sir Fred.
****************
"Bye see you tomorrow"
"Bye teacher".
Nagtatakbuhang lumabas ng silid aralan ang aking mga kaklase, habang ako ay kasalukuyan palang naglalagay ng notebook at lapis sa aking bag.
"Achilles nandito na ang sundo mo" sabi ni teacher na lumapit sa akin. Tinuro nito ang mga lalaking naka casual na damit na nasa labas ng pinto.
"Teacher si Fred po ang sumusundo sa akin."
"Sige tatawagan ko si Sir Fred. Akala ko kasi mga bodyguard ang susundo sayo ngayon."
Tumango lang ako at muling binalingan ang mga lalaki sa may pinto. Nilapitan ng aking teacher ang mga ito at kinausap. Nasa lima sila. Hindi sila naka uniforme na katulad ng mga bodyguard namin. At yung mga bodyguard ay kasama lagi ni Fred pag sinusundo ako.
Muling lumingon sa akin ang aking guro na di ko naiwasan ang kabahan. "Hindi pwede. Itatawag ko muna kay Sir Fred." Sabi ng aking guro, tila may takot sa mukha nito at nakita ko kung paano tinutukan ng baril ng isang lalaki ang aking guro sa tiyan dahilan para tumahimik na lang ito. Nag-umpisang lumakad ang dalawang lalaki palapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit at sandali pa ay may panyong itinakip sa aking ilong at bibig.
"No! No!" Sabi kong pilit na nagpupumiglas at kasunod nito pagkawala ko ng malay.
--------------------------
"Hoy bata gising!"
Naramdaman ko ang malakas na tadyak sa aking sikmura dahilan para mamilipit ako sa sakit.
"Tama na, milyones ang halaga niyan." Wika ng isang lalake.
Marahan kong minulat ang aking mata. Pagod na pagod ang aking pakiramdam at hinang hinga ng mga oras na iyon. Wika ng isang matangkad na lalaking nakatayo sa aking harapan. Marami sila at may hawak na mga baril.
"Hayop na Elizabeth na yan, ang ganda ng usapan namin na magbabayad siya! Kung alam ko lang na tuso siya hindi ko na sana siya pinautang!" Wika naman ng isang lalaking may bigote saka kinuha ang baril na nasa kanyang bewang.
"Boss relaks, pag nalaman niyang hawak na natin ang anak niya, sigurado ako magbabayad siya agad" sambit naman ng isa.
Nanginginig ako sa takot habang naririnig ang kanilang usapan. I know they will kill me. Muli kong pinikit ang aking mata upang mabawasan ang takot na nararamdaman.
"Did you call her?" Sabi ng lalake.
"Oo boss pero di makontak."
Malakas na sigaw ang aking narinig at bigla ay hinawakan nito ang aking panga. "Bullshit! Your mom! Putangina!"
Dahan dahan akong dumilat, madiin ang kanyang paghawak sa aking panga. Nanlilisik ang kanyang mata at ilang sandali pa ay tumawa na tila ba demonyo na ang aking nakikita. "Please, pakawalan niyo na ako, please." pagmamakaawa kong sambit at kasabay ang pagtulo ng aking luha. Takot, kaba at pakiramdam ko na hanggang dito na lang ang buhay ko.
"Kung hindi magbabayad ang mommy mo, ikaw na lang ang ibebenta namin" sabi nitong galit na galit habang tumatawa.
"Wag po, please.. Lola! Lola! Help!" Wala akong magawa kundi ang umiyak at tawagin ang aking lola.
"Kahit sumigaw kapa walang makakarinig sayo dito" sabi naman ng isang lalaki.
"Give me a knife, kukunin ko na lang ang puso ng batang ito, milyones din ang benta nito".
Nanlalaki ang aking mata habang nakatingin sa isang lalake na nag-abot ng kutsilyo. Pinilit kong magpumiglas ngunit hinawakan na nila ang aking dalawang paa at mga kamay. Binusalan nila ang aking bibig na kahit anong sigaw ko ay di na nila narinig.
Lola! Lola! Help!.
Pinunit nila ang pang taas kong uniforme. "Please po, maawa na po kayo" sabi ko na hindi na nila naintindihan dahil sa bibig kong may busal.
"Boss dahan dahan lang"
"Alam ko, nakaready na ba ang paglalagyan?"
"Opo boss" sagot ng isa saka kinuha ang kulay itim na box sa may mesa
"Wag kang malikot bata, sa umpisa lang masakit, pero mamaya wala na. Dahil patay kana din" sabi nito sa akin at tumawa.
Lola please. Help me Lola. Naramdaman ko ang kutsilyong dumiin sa aking dibdib. Buong pwersa akong pumalag nagbabaka sakali na itigil nila ang paghiwa sa aking balat ngunit hindi sila tumigil. "Aaaahhhh, tama na po! Masakit na po! Lola help me! Lola!" Sigaw ako ng sigaw habang umiiyak.
"Tignan mo bata, this is your skin" saka muling tumawa ang lalaking may hawak ng kutsilyo. Nanginginig ang aking buong katawan habang nakatingin sa sarili kong balat at sa kutsilyong may bahid ng dugo.
Nag-uumpisa nang manghina ang buo kong katawan na halos pagluha na lang ang tangi kong magawa. "Please stop! Please!"
"Huwag ka nang gumalaw. Konti na lang ang maramramdaman mong sakit." Wika ulit nito.
Lola, lola help me. Wala na akong maiboses dahil sa panghihina nang aking katawan.
Bago pa niya muling idikit ang kutsilyo sa aking dibdib ay may mga businang palakas ng palakas ang tunog na palagay ko'y papunta na rito.
"Ano yun?!"
"Boss may mga pulis!"
"Bullshit!"
"Walang kikilos mga pulis ito!"
Hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari dahil isa lang ang nasa isip ko ang makita ko ang aking lola bago ako bawiin ng buhay.
*****************