Pailing-iling kong binalingan ng tingin si Jane habang pinapasok siya ng bodyguard sa sasakyan. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na sana ako pumayag na dumalo.
Nasa tabi ko siya kaya kitang kita ang kanyang mapulang mukha na senyales nang kalasingan. Panay din ang paggalaw ng kanyang ulo, pinipilit niya sigurong idilat ang kanyang mata na palagay ko'y umiikot na ang kanyang paningin. Hinayaan kong bukas ang ilaw sa loob ng sasakyan habang ito'y tumatakbo, inaasahan ko na baka iluwa niya lahat ng kanyang kinain kanina.
"Oy! ikaw lalake, kala mo siguro kaya mo ko?!" sabi niya habang nakaturo na hindi ko mawari kung nasa katinuan pa siya. Bigla niyang inalis ang pink shawl na nakaharang sa kanyang dibdib. Nakita ko tuloy kung paano sumilip sa side view mirror ng sasakyan ang bodyguard kong driver sa dibdib ni Jane.
"Lasing na siya Master". sambit naman ni Fred na katabi ng driver. Kinuha ko agad ang pink shawl na nasa kanyang kandungan at inilagay iyon sa kanyang dibdib. Kahit hindi ko matagalan ang pag angat ng aking kamay ay pinilit kong isukbit sa kanyang magkabilang balikat ang shawl upang matakpan ang hindi dapat makita. I know there's no need for me na gawin ito pero,I still have concern for her cause she's my caregiver.
"Master" wika ulit ni Fred na tila nagulat sa aking ikinilos.
"She's drunk. Hindi niya na alam ang ginagawa niya-----"
"Psssttt! Pssst! Psst!" sabat ni Jane saka idinikit ang kanyang isang daliri sa aking labi. Unti unting nanlalaki ang aking mata habang nakatitig sa kanya. Nakapikit siya at sigurado kong wala na siya sa kanyang sarili. She didn't know what she's doing.
"Psst! Psst! Hende pa ko lashing" muli niyang sambit at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Sunod-sunod na paglunok ang aking ginawa, lalo pa akong nabigla dahil kinuwelyuhan niya ako na kaunti na lang ay malapit nang magbanggan ang tungki ng aming ilong.
"Ma---master! Je---Jane!" Nauutal na sambit ni Sir Fred at yung driver na katabi niya itinabi muna ang sasakyan.
Kinailangan ko pang huminga ng malalim at sumiksik sa aking kinauupuan para makapag isip kung anong sasabihin kanya "Hmm ahem--ahem" sabi kong nauubo.
"Jane, si Master yan!" Saway ni Fred nang makitang ilalapit pa nito ang mukha sa akin.
"Master?! Si master?!" Saka siya bumaling kay Fred. At ilang sandali ay lumingon ulit sa akin, pilit niyang binubuksan ang matang nakapikit pero kahit anong pilit niya ay di niya kaya. Hinawakan ko na ang kanyang kamay sa aking kwelyo upang tanggalin sa kanyang pagkakahawak. Ngunit bigla naman siyang humagikgik.
Inilapit niya ng kanyang ilong sa doon sa aking kwelyo. Sunod ay sa aking dibdib pataas doon sa aking leeg. I can't describe the feeling when I see her face next to mine. I smell a sweet innocent scent of her perfume because she was so closed to me. And all of a sudden I feel a strange feeling that I never felt before. My heart start to beat so fast that causing me to hold my breath.
"Grabe ang bango bango mo" she said and smiled. Kakaibang ngiti ang nakita ko sa kanya na naging dahilan ng pagbitaw ko sa kamay niya.
"Jane!" Saway ulit ni Fred saka bumaba ng sasakyan upang buksan ang pinto malapit kay Jane.
Tinanggal niya ang kamay ni Jane na nasa aking kwelyo at iniayos siya sa pag-upo.
"Master Hinigpitan ng bodyguard ito kanina. Paano pa siya nakalapit sayo." Sambit ni Fred habang hinihigpitan ang seat belt nito.
"Aba'y malakas kaya ako! Nagsisibak ako ng kahoy! Nagtatabas ako ng palay! Tinuruan din ako ni tatay kung paano bumiyak ng buko!" Sabat ulit ni Jane habang nakapikit at mayamaya pa ay tumawa.
Ilang segundo kaming natahimik ni Fred at nung driver at mayamaya ay di na nila napigil ang tumawa. Di ko naitago ang pag ngiti saka binalingan si Jane na nasa aking tabi.
"Masarap siguro kainuman itong si Jane. Daming kwento eh" sambit ulit ni Fred.
"Sa palagay ko nga po Sir Fred" segunda naman ng driver na bodyguard.
"Iha, sa susunod wag kang iinom. Ang bilis bilis mong tamaan ng alak." Biro ulit ni Fred habang tumatawa.
"Kaya nga hindi ako pinapayagan ni tatay uminom ng tuba, kasi magwawala daw ako, di daw bagay sa itsura ko hahahah" muli na naman siyang tumawa habang nakapikit.
Sunod sunod na hagikgik ang narinig ko kay Fred at sa aking Driver. Mayamaya pa ay lumabas ang isa sa mga bodyguard ko na nasa kabilang sasakyan. "May problema po ba boss?" Tanong nito pagkababa ng driver ng bintana ng sasakyan.
"Just wait." Utos ko at bumalik na ito ng sasakyan.
"Tama! Ju--just wait, I will wait." Ani ulit ni Jane na naging dahilan para ituon ko ulit ang pagtitig sa kanya. "I will wait, I will wait na mapatawad mo ako dahil sa ginawa ko. Master Sorry. Sorry po." Biglang nag-iba ang tinig niya at ilang sandali ay paghikbi na ang aking narinig.
"O syah, iha matulog ka na lang. Kung ano ano nang lumalabas dyan sa bibig mo" wika ni Sir Fred saka bumalik sa kanyang upuan alam kong alam din ni Fred kung anong tinutukoy ni Jane. Pagpasok ni Fred ay sumenyas na ako na paandarin na ang sasakyan.
Tahimik kaming pinakikinggan ang paghikbi ni Jane. Nakita ko rin ang pagtulo ng kanyang luha na naging dahilan na makaramdam ako ng kirot. Huminga ako ng malalim at itinuon ang tingin sa bintana. Aaminin ko nakokonsensya na ako.
Naramdaman kong parang may bumagsak sa aking balikat. Pag lingon ko ay ulo na niya ang nakasandal, humihilik ngunit may luha ang kanyang mga mata. Wala sa sariling ipinahid ko ang aking daliri sa luhang nasa kanyang pisngi.
I'm sorry for being rude. Gusto kong iboses ngunit mas mabuti nang walang makarinig.
"Na--su--su-ka ako" mayamaya ay sabi niya.
"Jane! Master!" Halos sumigaw ang aking butler sa loob ng sasakyan, muli kong pinahinto ang sasakyan at si Fred ay nagmadaling lumabas, binuksan niya ang pinto sa tabi ni Jane saka tinanggal ang suot na coat.
"s**t!! Fred!!" Tanging pagsigaw ng malakas ang aking nagawa dahil bago pa masalo ni Fred ang lalabas sa bibig ni Jane ay doon sa kandungan ko siya lumuwa.
"Jane! Naku lagot ka na naman"
"Fred! What the f---"
-----------------------------
Buhat buhat ng isa kong bodyguard si Jane habang umaakyat doon sa hagdan. Mahimbing na itong natutulog simula pa kanina nung kami ay pasakay pa lang sa speed boat. Nakasunod lang ako sa kanilang likuran habang si Fred na aking butler ay nakaalalay sa likuran ng aking wheelchair. Pinasok nila si Jane doon sa kwarto at inilapag sa kanyang kama.
"You can rest now" utos ko sa mga bodyguard na agad ding lumabas sa may pinto.
"Master magpahinga kana rin" ani ni Fred na nasa aking tabi.
"Yes I will. Can you put the blanket on her?" sabi ko habang nasa tabi ng kanyang kama. I see some stains on her dress dahil sa kanyang pagsusuka kanina.
"Opo Master." at kinuha ni Fred ang kumot upang itakip sa katawan ni Jane. "Ang dumi na pala ng damit niya Master" dagdag pa ni Fred habang nilalagyan na ito ng kumot.
"No one will change her clothes. We are not allowed to do that. You know what I mean Fred." I said and sighed. Siya lang kasi ng nag-iisang babae dito.
"Yes master".
"And also you Fred, You are not allowed" ani ko ulit at ang mukha ni Fred na napalitan ng pagtataka.
"Master?" ilang sandali pa ay bigla siyang tumawa dahilan para kumunot ang aking noo.
"Is there a problem?"
"Wala po Master" at inihinto ang pagtawa saka nag-bow.
"Let's go. I need to change. Hindi ko na gusto ang amoy ko" at pinindot ang aking wheelchair palabas ng kwarto ni Jane. "Fred lock her door"
"Masusunod po Master"
----------------
"Good morning po Sir Fred". Hilot hilot ko ang aking sintido habang lumalakad papunta sa may kitchen sink.
"Good morning din, masakit ba ang ulo?" Nakaupo siya sa harap ng dining tabl habang nakatingin sa akin.
"Opo," sagot ko at kumuha ng mug.
"Alam mo ba kung anong nangyari nung pauwi na tayo?" Narinig ko ang kanyang mahinang tawa dahilan para ako'y mapalingon sa kanya.
"Bakit po? Ang huli ko lang na naaalala ay yung pumasok na tayo ng saksakyan." Kumuha ako coffee at umupo sa upuan na katapat ni Sir Fred.
"Oo iha, di ba tinulungan ka pa ng bodyguard na makaupo saka pinag seat belt ka pa." Pahayag nito na sinegundahan ko ng pagtango. Madali kong tinapos ang ginagawa pagkatapos ay umupo ako sa upuang kaharapan niya.
"Sir Fred, may ginawa ba akong hindi maganda? o di kaya kahiya-hiya?" tanong ko at nakita ko kung paano sumeryoso ang kanyang mukha. Nag-umpisa na akong kabahan, kung meron man akong ginawa, tiyak ay hindi yon maganda.
"Iha ang daldal mo kagabi"
"Po? ano pong sinabi ko?" di ko napagilan ang manlaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya.
"Sabi mo malakas ka, na nagsisibak ka ng kahoy, nagbibiyak ka ng buko----"
"Sir Fred! hala! Sinabi ko yun?!"
"Oo" sagot nitong tumatango. "Muntik mo pang halikan si Master kagabi mabuti na lang at napigilan kita" saka naman siya tumawa.
"Ha?" Unti unti akong kinabahan at maya maya pa ay tila may karera ng mga kabayo sa aking dibdib dahil sa bilis ng pintig. Lagot na naman ako!
"At ang highlight talaga eh yung nilabas mo lahat ng kinain mo."
"She----sh-sh-s**t!" Bigla kong tinakpan ang aking bibig at kasabay nito ang mga mata kong bumibilog habang nakatitig kay Sir Fred.
"Naku iha, ang mas malala ay doon pa ka may master----"
"Sir Fred! nagsuka ba ako? Eh si Master? Galit ba siya? Isinuka ko ba lahay kay Ma-ma-master!?" Nauutal na ako dahil bumibilis lalo ang kaba ko sa mga pahayag ni Sir Fred.
"Iha, relaks, kalma," wika nito sabay hinga ng malalim na paulit ulit niyang ginawa. "Inhale exhale, inhale exhale"
Hindi ako makahinga ng maayos dahil
aking nalaman. Kala ko panaginip lang. Totoo na pala. Natahimik ako ng ilang sandali at mayamaya pa ay natulala na lang ako sa aking kape na nasa harapan ko. Kung kanina ay mild pa ang sakit ko sa ulo ngayon ay parang mababasag ito sa sobrang sakit.
"Sir Fred ano pong sabi ni Master? Nagalit po ba?"
"Yan din ang akala ko,"
"Bakit kaya?" Tanong ko habang napapaisip.
"Hindi ko rin alam Jane. Pero kagabi parang sinapian si Master ng kabaitan."
"Paano niyo po nasabi Sir Fred?" Pagtataka ko at binalingan si Sir Fred.
"Oo nagalit siya pero sandali lang, sumigaw lang siya. Malayong malayo sa inisip ko na baka pababain ka nang sasakyan.
"Talaga po, baka nga po sinapian ai Master ng kabaitan" segunda ko pero tumawa agad si Sir Fred.
"Siguro nga Jane, pinahatid ka pa sa mga bodyguard paakyat sa kwarto mo. Hindi ka ba nagtataka na pag gising mo kanina ay nasa kama ka na?"
"Nagtaka din po ako Sir Fred. Pero mas kabado ako kay master Achi. Baka tanggalin niya ako sa trabaho"
"I think malabo yang iniisip mo. Alam mo kung anong bilin niya bago kami lumabas sa kwarto mo?"
"Ano po iyon" at yung tenga ko ay nakaready para sa sasabihin ni Sir Fred.
"Wala daw dapat magpalit ng damit sayo. Pina-locked din ni Master yung pinto ng kwarto mo. Sabagay ikaw lang kasi ang babae dito sa bahay niya. At isa pa pala, si Master din ang nagpadala ng bodyguard doon sa ladies room. Napansin na pala niya na binabastos ka ng lalaking kasayaw mo. Kaya pinasundan ka agad niya."
Di ko alam kung papalakpak ako dahil sa saya. Kahit nakagawa ako ng kasalanan ay concern pa rin si Master sa akin. "Ganoon po ba" tanging ito lang ang aking sinabi. Hindi ko rin kasi alam kung matutuwa si Master kung mag-te'thank you. Ayaw na ayaw pa naman niya na lumalapit ako sa kanya.
Natahimik ako ng ilang segundo habang si Sir Fred ay pailing iling at hinigop ang kanyang kape.
"Sir Fred, nasan po yung suite ni Master? Yung sinuot niya kagabi?"
"Bakit?" Tanong niyang biglang nagtaka.
"Ako na lang po maglalaba para makabawi man lang ako, tutal ako naman po ang dahilan kung bakit yun nadumihan"
"Naku iha, labhan mo na lahat lang yung mga damit niya tutal automatic namin ang washing machine" ani ni Sir Fred na di ko alam kung seryoso o nagbibiro lang.
"Po? Sige po"
"Biro lang Jane,"
"Seryoso po ako Sir Fred ako na lang po maglalaba tutal maaga pa naman po. Mamaya pa naman magigising si Master" pamimilit ko
"Sige na nga. Mapilit ka eh" sagot nito at mayamaya pa ay tumawa.
Natutuwa si Sir Fred pero ako kinakabahan na. Ihahanda ko na lang ang sarili ko mamaya sa sigaw ni Master
-------------------