"Master pasok na tayo. Medyo malamig na" wika ni Sir Fred nang makaalis na ang speed boat na aming tinitignan "Give me kahit ilang minuto lang. Gusto ko munang tignan ang sunset" "Sige Master, papasok na muna ako sa loob para mailagay ko sa lagayan ang mga gamot na binilin ni Doc." Ani ni Sir Fred saka lumakad pabalik. Akmang hahakbang ako para sumunod kay Sir Fred ay agad na nagsalita si Master. "Stay here" wika niya at ako'y napatingin na lamang sa kanya. Lumakad siya papuntang bench at tukod tukod pa rin ang kanyang baston. Umupo siya doon habang ako ay nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kanya. "Come here" wika ulit niya saka bumaling sa akin. "Opo" sagot ko agad dahil nakita kong sumeryoso ang kanyang mukha. Tumayo lang ako sa tabi bench habang siya ay nakaupo sa kabilang