"Wag isali? Have you ever love my father? O pera lang ang habol mo sa kanya?" Wika ko at walang kakurap kurap na tinitigan ang aking ina. Nakita ko kung paano nag salubong ang kanyang dalawang kilay at humakbang palapit sa akin. Mapait siyang ngumiti at malakas na nagsalita na sinabayan ng pagduro niya sa aking sintido. "Don't you ever ask me about that. Wala kang karapatan, dahil anak lang kita! Pasalamat ka nga dinala pa kita ng siyam na buwan na kung tutuusin pwedeng pwede kitang ipalaglag!" Pasigaw niyang sabi habang dinuro duro ang aking sintido. Ramdam ko ang sakit sa aking sintido dahil sa diin ng kanyang mahabang kuko. Napahawak ako ng mahigpit sa aking baston at ang tingin ko sa kanya ay di ko inaalis. Gusto kong makita niya na hindi ako masasaktan sa kahit anong gagawin at sas