"You should level yourself kung saan ka dapat. Do you understand?" Kinuha niya ang mug at tinignan ang kapeng umuusok pa sa init. Hindi ako nakasagot at tanging paglunok ang aking ginawa. Hindi ko rin maiwas ang mata ko sa kanya. Para akong napako sa aking kinatatayuan ng mga oras na iyon. "Do you understand!?" Biglang siyang sumigaw na halos umecho sa buong bahay. Nanggigigil ang kanyang bibig at yung mga mata ay walang kakurap kurap na nakatuon sa akin. "Opo Madam, pasensya na po Madam" sagot ko na nanginginig na. Pakiramdam ko may gagawin siya sa akin kaya bago pa may mangyari ay nag-bow agad ako. "Aakyat na po ako ma--ma--, aray! Ang init! Madam!" Hindi ko na naiangat ang aking ulo sa mainit na kape na umagos sa aking ulo pababa sa aking leeg at balikat. Lumapit agad ako sa sink at