Buo na ang aking desisyon kaya itinapat ko ang remote sa pader saka pinindot ang nag-iisa nitong buton. Marahan at tahimik itong bumukas na parang pinto at bumungad sa paningin ko ang matataas na kalibre ng baril na aking koleksyon. Shot gun, ripple, Beretta, Glock 17 at marami pang iba. Nasa parteng ibaba naman ang ibat ibang uri ng balisong. Maliit at malaki, iba ibang modelo na binili ko pa sa ibang bansa. I never though that I will used these again at ang naiisip ko pa ay ang aking ina. Natuon ang tingin ko sa gitnang parte. Ang baril na paborito ko sa lahat. Silent gun o PSS Silent Pistol. Tahimik kung pumatay na kahit isang putok lang ay siguradong di na mabubuhay ay babarilin nito. Bukod sa napakatahimik nito iputok at pati pag kalabit ng gatilyo ay wala ding tunog ay masasabi kon