Pagkatapos kong bigyan ng agahan si Master ay nag-utos naman si Madam na linisin ko daw ang kanyang kwarto. Nakatayo ako ngayon sa may pinto at nasa tabi ko ang mga panlinis na aking gagamitin. "Make sure na wala akong makikitang kalat o alikabok after you clean this room. If I see a dirt sa labas ka matutulog mamayang gabi" wika ni madam sabay taas ng isa niyang kilay. "Opo madam." Sagot ko at saka nag bow. Lumakad na ito palabas ng kanyang kwarto at paglabas niya ay sinimulan ko nang maglinis. May kalakihan ang silid pero ang tantya ko ay kalahating oras ko itong lilinisin. Nalinis ko na ito nung nakaraan kaya alam kong kaunti palang ang alikabok sa loob. Ni wala nga akong masinghot na alikabok sadyang maselan lang si Madam. Kutis mayaman kasi kaya takot na takot sa marumi. Sinimulan