MASS C-13

2246 Words
Alas otso ako natapos sa pagluluto. Ito rin ang oras na dumating ang mga make-up artist at stylish na lulan ng speed boat  ng aking amo. "Magandang umaga po" bati ko sa kanila na kakapasok lang sa pinto. Sa sala. "Goodmorning" sambit ng isa. "Goodmorning Ma'am" ani naman ng dalawa. Tatlo sila. Isang babae at dalawang lalake na tingin ko ay medyo hindi ganoon katikas, may kolorete kasi ang kanilang mukha. Hi "Welcome po salamat sa pagpunta" ani ni Sir Fred na pababa ng hagdan. "Opo Sir, medyo malayo po pala itong lugar niyo pero napakaganda dito. Tourist attraction" sagot ng isang lalake na medyo katangkaran. "Sino po ba ang aayusan?" Tanong naman ng isang lalakeng mahaba at kulot ang buhok. Bumaling ito sa akin. "Si Ma'am po ba?" Saka ako tinuro. "Oo siya." Sagot ni Sir Fred. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan. Lumapit sa akin ang lalakeng kulot ang buhok. Tinitigan niya ako at maya maya lang ay ngumiti. "Ma'am medyo light lang ang ilalagay nating make-up sayo. Para lumitaw pa rin ang pagka mestisa mo" "Ahh okay po, kayo na pong bahala" sagot ko na hindi ko naman talaga na gets yung sinasabi niyang light make up kuno. "Sir nasaan na po yung magsusuot ng suite?" Tanong naman ng babae kay Sir Fred. "Ahh teka lang nasa kwarto pa kasi siya." Ani ni Sir Fred at umakyat ng hagdan patungo sa silid ng aming amo. ------------------ "Fred you didn't told me na magpapapunta ka ng stylish. Alam mo naman na ayaw kong----" "Master alam kong alam mo na pag sinabi ko sayo ay di ka papayag. Isa pa pumayag kang sasama kaya wag ka nang magreklamo. Please. Master" lumapit siya sa akin at iniabot ang bilog na salamin. Kinuha ko naman iyon upang tignan ang aking sarili. "Not bad" I said. "O diba, mas makisig kang tignan ngayon dahil sa suite mo. Medyo ngumiti ka pa Master" sambit ulit nito dahilan para mapa ismid ako. "Whatever". "Tara na Master. Nasa baba na si Jane, tapos na siyang kumain. Hinihintay niya na lang tayo" pumunta siya sa aking likuran at inilalayan ako sa pag andar ng aking wheelchair. "Okay" sabi ko saka bumuntong hinga. "Naku Master baka hindi mo makilala si Jane. Ang ganda ganda niya ngayon. Muka siyang hollywood star." Wika ulit nito. "Fred. Do I need to know that?" Balewalang sambit ko na ikinatawa lang niya. "Talaga? Sabi mo eh" sagot niyang tila nang-aasar. Binuksan niya ang pinto at kami ay lumabas. Mula sa hagdan ay kitang kita ko na ang babaeng tinutukoy niya. Agaw pansin kasi ang kulay ng damit niya na tumerno sa kulay ng kanyang balat. Iniwas niya agad ang tingin sa akin at yumuko kaya malaya kong nakikita ang kanyang itsura ng ilang segundo. Curlywave hair. Red lipstick if I'm not mistaken and peach blush on. Bukod sa red dress niyang suot ay naka sukbit din sa kanyang mga balikat ang pink shawl. Natatakpan nito ang parteng dibdib niya na sa totoo lang ay di ko tinitigan ng matagal. I still have respect on her, kahit pa lagi akong galit sa kanya. The dress is reaveling but it gives a classy look to her. Below knee and the curve on her waist is perfect  on her dress Bumaling ako kay Fred na kanina pa siguro nakatingin sa akin. Pababa kami sa hagdan at papalapit na kay Jane. "Fred, next time choose a dress na komportable tignan" I said na saka naman  kumunot ang kanyang noo. "Ha? Hindi po ba---" "Never mind. Let's go" sabi ko at muling lumingon kay Jane na di maalis ang pagkakahawak sa pink na shawl na nasa kanyang dibdib. She's not comfortable wearing that dress. Me too I'm not comfortable looking at her right now. Nakita ko din ang aking mga bodyguard na tumingin kay Jane. Those eyes staring at her. Parang ako yata ang nababastusan the way they stare. "Fred bilisan na natin," I said at mabilis na pinaandar ang aking wheelchair palabas ng gate. ----------------- Ang akala ko katabi ko si Sir Fred dito sa sasakyan. Si Master ang nasa tabi ko ngayon kaya di ko naiwasan ang kabahan. Baka kasi may magawa na naman akong ikakagalit niya. "Jane ayos ka lang ba?"lingon ni Sir Fred sa akin na katabi ng driver. "Okay lang po" sagot at pinilit na ngumiti. "Dala mo ba yung gamot kontra hilo?" "Opo Sir Fred. Uminom po ako bago tayo umalis kanina" "Ahh. Ganoon ba, mukha ka kasing kinakabahan." "Ay hindi naman po masyado". Tahimik lang si Master habang nakikinig sa usapan namin ni Sir Fred. Magsasalita lang ako pag tatanungin ako ng butler nito. "Wag kang kabahan iha, ang ganda ganda mo kaya". "Naku Sir Fred make-up lang po itong nagpaganda sa akin." Kahit kausap ako ni Sir Fred ay nararamdaman kong tinitignan ako ng aming amo. Bukod kasi sa presensya niyang nakaka kaba ay amoy na amoy ko din ang pabango niya. Lalakeng lalake ang amoy na kahit hindi makita ang itsura niya ay masasabing gwapo at napaka kisig niya. Kanina ko lang nakita ng malapitan ang itsura ni Master sa sout niyang suite. Malapad ang kanyang mga balikat. Laging diretso ang kanyang tingin. At ang mata niyang seryoso na kahit nakakatakot salubungin ng ay mabibighani ang  sinumang babae. "Iha, sigurado lalong mai-inlab sayo ang nobyo mo." Biro ni Sir Fred dahilan para tumawa ako ng di kalakasan. "Wala po akong nobyo Sir Fred" sagot ko saka kinagat ang aking labi. "Sa ganda mong yan iha. Wala. Eh manliligaw?" "Wala din po Sir Fred." "Bakit?" Bumaling sa akin si Sir Fred nang may pagtataka. "Hindi ba  lalake ang type mo?" Di ko naiwasan ang tumawa nang may kasamang bungisngis. Pati yung driver ay di rin napigilan ang paghagikgik. "Ayaw po ni Tatay. Ako po kasi ang bread winner sa pamilya namin. May nagtangka pong manligaw pero di po umubra kay tatay. Hinabol po kasi niya ng itak. Kaya sa lugar namin mailap ang mga lalake sa akin" "Aba'y napaka lupit naman pala ng tatay mo. Napaka higpit masyado. Sabagay mas okay na yung ganyan iha, masasabi mong mahal ka ng tatay mo" "Oo nga po." "Pero baka naman naghihintay lang ang tatay mo ng tamang lalake para sayo" "Siguro nga po. Pero sa ngayon po trabaho po muna ang iniisip ko. Hindi naman po ako nagmamadali. Nasa kalendaryo pa naman po ang edad ko" Sabi ko at wala sa sariling lumingon sa aking amo. Diretso lang ang kanyang tingin pero tila ang mata niya ay sekretong nakatuon sa akin. "Oo iha, malay natin nasa tabi tabi lang pala." Biro ni Sir Fred. "Ma'am Jane baka ako na hinihintay mo" sabat ng driver. "Wag mo nang tangkain. May asawa kana eh" sambit ni Sir Fred sa driver at tumawa. ----------------- "Jane kumain ka." Baling ni Sir Fred sa akin habang hinihiwa ang karne sa kanyang pinggan. "Opo". Sagot ko. Hindi ko alam kung anong mga pagkain ang nasa mesa namin. Hindi pa yata ako nakaka pagluto ng ganito. Kinuha ko ang kutsara saka sumandok ng pagkain na katulad ng kay Sir Fred. Masarap. Pero hindi naman ako sanay sa ganitong lasa.  "Anong masasabi mo sa pagkain iha?" Tanong ni Sir fred. "Masarap po." Sagot ko "Pero mas masarap ang luto mo."ani pa niya. "Master gusto mo bang tikman?" Kinuha niya ang kutsara sa pinggan ng aming amo. Mabalis itong umiling saka sumenyas dahilan para tumigil si Sir Fred at ibalik sa pinggan nito ang kutsara. Siguro ayaw ni Master na makita ng ibang tao na pinagsisilbihan siya ng kanyang butler. "I can eat" sagot nito saka sumandok ng pagkain. Kahit nanginginig ang kamay ay nakakain naman ito. Medyo dimlight lang ang paligid kaya kami lang ang nakakakita sa galaw at kilos ng aming amo. Pinili niya rin ang manatili sa kanyang wheelchair kahit sinabi ni Sir Fred na pwede siyang ilipat ng kanyang mga bodyguard sa upuan. Hindi yata big deal sa kanya kung anong isipin ng ibang tao pag nakita siyang naka wheelchair. "Fred, I'm glad na nakapunta kayo ni Master Achi" isang lalakeng medyo katangkaran at chinito ang itsura. Nakaputing suite ito at may hawak na baso na palagay ko ay wine ang laman. "Napilit ko po si Master. Happy birthday po pala Doc" Sagot ni Sir Fred na nakangiti. "Nice to see you Doc. Happy birthday" sambit naman ni Master. Kitang kita ko ang matipid na pag ngiti ng aking amo na halos tumagal lang ng dalawang segundo, para sa akin sapat na iyon para makita ko ang ibang side ng kanyang sarili. Marunong din pala siyang ngumiti. Magkaharapan kami ng upuan kaya nakikita ko ang bawat kilos niya. "Have a good time. Isang beses lang sa isang taon tayo mag birthday kaya we need to celebrate it" wika pa ulit ni Doc. Bumaling ito sa akin saka ngumiti. Ako din ay gumanti ng ngiti at bahagyang iniyuko ang aking ulo bilang tanda ng respeto. "Happy birthday po Doc." "Thank you. Fred, Siya na ba ang kinukwento mong nag aalaga kay Master Achi? Lumingon siya kay Sir Fred na agad namang tumango. "Opo Doc. Si Jane po" Nilahad agad ng doctor ang kamay nito upang makipag shake hands, agad ko ding inabot iyon para sa pagbati. "Nice to meet you" sabi ni Doc "Nice to meet you din po Doc" sagot ko habang nakikipag shake hands. "Maiwan ko na muna kayo. Just call me if you need something. Enjoy the night" sambit nito saka umalis din upang kausapin pa ang ibang bisita. Habang kumakain ay di ko naiwasan ang ilibot ang tingin sa buong lugar Sosyal na sosyal kasi ang ambiance. Lahat din ng nakikita kong mga bisita ay magagara ang suot at ang iba ay may mamahaling alahas sa suot, diamond, pearl, ruby at iba pang makikislap na crystal at sa palagay ko'y tatlong beses ang halaga kaysa sa sahod ko. May malaking chandelier sa taas at sa harap naman ay malaking stage na mayroong bandang tumutugtog, orchestra siguro ang tawag sa kanila kasi malayong malayo ang musika na tinutugtog nila kumpara sa tugtog na naririnig ko sa radyo. Mayamaya pa ay may tumayong babae doon sa stage. Hawak niya ang mikropono at ilang sandali ay itinaas niya ang kanyang kamay tumigil sa pagtugtog ang Orchestra. Natahimik ang lahat at ang mga mata ay nakatuon doon sa babae. "Sir Fred, ano pong nangyayare?" Tanong ko kay Sir Fred na nasa aking tabi. "Kakanta yata siya" sagot naman nito. At ilang sandali ay muling tumugtog ang orchestra at ang babae ay nagumpisa ng kumanta. Nag-umpisang magpalakpakan kaming nanunuod sa babaeng kumakanta. Hindi maitatanggi na magaling siyang singer at bukod pa doon ay artistahin ang kanyang dating, maganda at sexy. Ipinapatuloy ko ang pagkain habang nakikinig sa magandang awitin. Lumilingon din ako sa aking amo baka kasi may iuutos siya sa akin. Ilang saglit pa ay napansin kong sa pwesto namin nakatingin ang babaeng kumakanta. Nahulaan ko na kay Master siya nakatitig na para bang inaakit niya ito. "Master, mukang type ka nung singer" sabi ni Sir Fred at humagikgik. Hindi sumagot ang aming amo. Bagkus ay pinagpatuloy lang nito ang pagkain at pag inom ng wine. "Jane try mo itong wine. Mild lang ang lasa." Sambit ulit ni Sir Fred. Kinuha ko yung wine na nasa tabi ng aking pinggan. Dahan dahan ang aking paghigop at kaunti lamang. Pagkatapos malunok ang wine ay di ko mai-describe ang pakiramdam ko dahil parang naging bitter ang aking mukha. "Sir Fred ang pait po" saka pinunasan ang aking bibig ng tissue. "Di ka yata sanay uminom ng wine iha," wika ng matandang butler. Umiling iling ako."Hindi po Sir Fred, hindi po ako umiinom ng alak". "O syah iha, wag mo ng inumin yan, baka malasing kapa" ani ng matanda at muling itinuon ang tingin sa stage. Mayamaya pa ay nag-umpisang mag iba ang music. Kung kanina ay parang classical ngayon naman ay nakakaindak na tugtugin. May mga sumasayaw na doon sa gitna at si Sir Fred at panay sway na din ng balikat halatang halata na gusto niya ding pumunta sa gitna. "Excuse me can I dance with you?" Isang tinig ng lalake mula sa aking likuran dahilan para kaming tatlo ay mapalingon. Nakangiti ito sa akin at nakalahad ang kamay. Palipat lipat ang mata ko mula sa kanyang mukha at kamay, nag-iisip kong tatanggapin ko ba ang kanyang alok. Matipuno, gwapo at di maikakailang may dating ang lalaking ito. "Iha, dance with him" mayamaya ay sabi ni Sir Fred. "Po?" Ani kong nag-aalinlangan na abutin ang kamay ng lalake. "Can I dance with you?" Tanong ulit nito. "Sige na Jane" muli ay sabi ni Sir Fred.  Lumapit ako kay Sir fred saka bumulong. "Sir Fred di ako marunong sumayaw." "Okay lang yan, dali na hawakan mo na ang kamay niya. Makipag sayaw kana" bulong din niya. Napipilitang inabot ko ang kamay ng lalake, pero ang mata ko ay nasa aking amo. Sandali siyang nakatingin sa lalake kaya nasaksihan ko kung paano sumalubong ang kanyang makapal na kilay at umirap. Pakiramdam ko tuloy pinagtaksilan ko ang aking amo. Imbis na binabantayan ko siya ay pakikipagsayaw ako sa di ko kilala. Hila-hila ng lalake ang kamay ko hanggang doon sa gitna kung saan marami ng sumasayaw. At yung musika na kanina ay nakakaindak ay napalitan naman ng sweet music. Nakakainis parang na nanadya talaga. Pagdating sa gitna ay inilapat niya ang aking dalawang kamay sa kanyang balikat at yung dalawa niyang kamay ay nasa aking bewang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD