MASS C-12

1877 Words
Palabas ako ng kusina ng makita ko si Sir Fred na nandoon sa may malaking cabinet. Eto yung cabinet na pinagtataguan ni Master sa tuwing magagalit si Madam Elizabeth. Nung unang pasok ko dito ay ito agad ang aking napansin. Bukod kasi sa lumang disenyo nito ay parang meron itong awra na pag binuksan ng alas dose ng gabi ay may lalabas na halimaw. Mabuti na lang at may sariling c.r. ang kwarto ko. Di ko kailangan bumaba ng hating gabi pag naiihi. Dati ganoon ang impresyon ko sa cabinet na ito. Pero nag-iba yun nang malaman ko na isa ito sa tumulong kay Master para maiwasan ang pagmamalupit sa kanya ng kanyang ina. "Sir Fred, magpapatugtog ka?" Ani ko at nilapitan siya. "Oo Jane, masarap pakinggan ang Jazz pag sapit ng dapit hapon." Binuksan niya ang cabinet at bahagyang nilabas yung malaking radyo na antigo. Inilagay niya doon yung bilog na plaka saka nilakasan ng volume. Habang tumutugtog ay di napigilan ni Sir Fred ang pag sway ng kanyang mga balikat pati ng kanyang ulo. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti. Mabuti na lang at kasundo ko siya dahil kung hindi baka umalis talaga ako dito. "Jane sabayan mo ako" aya nito at lalong nag sway na animo'y nasa teatro. Di ko naiwasan ang tumawa. "Naku Sir Fred di po ako marunong sumayaw." Sabi ko Saktong tumugtog ang twist and shout  na lalong nag paindak kay Sir Fred. Tawa lang ako ng tawa habang pinapanuod siya. Infairness sa kanya nasa timing ang galaw niya. Yung katulad ng mga matatanda na sumasayaw pag may pyestahan sa probinsya. Ganoon siya gumalaw. Naaalala ko tuloy pag nagbabakasyon ako sa amin. Ganitong ganito ang galawan ng mga tao doon sa amin. Sumenyas sa akin si Sir Fred na samahan siya at doon mismo sa gitna ng sala siya sumayaw, pati yung bodyguard na nasa labas ay nakatingin na rin sa kanya. Halatang halata din sa mga ito na gustong samahan si sir Fred sa pag indak. "Sir Fred hindi po ako marunong. Wag na po". "Jane tara na, nagpapraktis ako para sa party. Sigurado may sayawan doon" aniya. Umiling iling ako at ilang sandali ay hinatak niya ako doon sa gitna. Hindi ako sumayaw bagkus ay iginalaw ko lang ng kaunti ang aking balikat. Nahihiya din kasi ako gawa ng yung mga bodyguard ay nakatingin na sa akin at yung isa ay pumalakpak. "Go Ma'am" sabi ng isang bodyguard at lahat sila ay nagpalakpakan. "Oy! Nakakahiya, hindi ako marunong sumayaw" sabi kong natatawa. "Siga na Ma'am Jane" ani pa ng isa. "Hindi nga ako marunong sumayaw" pero yung kamay ko itinaas ko na at kinampay kampay. Parang nadadala na rin ako sa tugtog pumapadyak na rin kasi ang paa ko. "Master, halika rito dali" biglang sabi ni Sir kay Master na papalabas sa kwarto nito. Awtomatiko akong huminto at umalis sa gitna ng sala. Pumunta ako sa cabinet at nilingon ang aking amo na pababa sa may hagdan. Nilingon lamang nito si Sir Fred at sa may tabi ng sofa puwesto. At yung mga bodyguard ay bumalik sa kani-kanilang pwesto, seryoso at diretso ang tingin. Si Sir Fred nalang ang nandoon sa may gitna na patuloy pa rin sa pag-indak. "Fred, pakihinaan mo. It's too loud" sambit ng aking amo at bumaling sa antigong radyo kung saan din ako nakatayo. Nagkatinginan kami ni Master ngunit halos isang segundo lang. Mabilis ko kasing iniwas ang mga mata sa kanya. Alam kong ayaw niya akong makita kaya ang ginawa ko lumakad pabalik sa may kusina. Nakayuko na sa pagmamadali ay di ko napansin na sementong pader na pala ang aking tinamaan. "Ouch!" Ngiwing sambit ko saka ikiniskis ang palad ko aking noo. Napalakas yata dahil rinig ang pagkauntog ko kesa sa musika ng antigong radyo. "Jane!. Susmaryosep!" Biglang sambit ni Sir Fred. "Ma'am!" Sambit ng isang bodyguard "Si Ma'am Jane nauntog!" Wika naman ng isa "Ahhh hehehe... Okay lang po ako Sir Fred." Sabi kong nakahawak sa aking noo at naramdaman na may bukol na ako. "Sigurado ka?" Syempre hindi. Masakit kaya. Nangingiwi ang aking bibig dahil sa sakit ng pagka-untog. Nakakahiya pa, kasi ang daming nakakita pati si Master.  Tama siya. I'm clumsy. Ouch!. Sakit!. Panay kiskis ko ng palad sa noo kong may bukol. Di ko nagawang humarap sa kanila dahil hiyang hiya ako. Nagmadali akong pumasok sa kusina at kumuha ng yelo para i-cold compress ang noo ko. "Jane, tingin tingin din kasi sa daraanan. Hindi yung bigla ka nalang lalakad tapos nakayuko ka pa" sermon ni Sir Fred habang papalapit sa akin. "Sir Fred. Ano kasi---- hahaha" dinaan ko na lang sa tawa kahit ang totoo ay si Master ang dahilan kung bakit ako nauntog. Iniiwasan ko kasi si Sir Master. Baka mamaya bulyawan na naman niya ako. "Iha sa susunod tumingin kana sa daraanan mo. Aba'y pag ikay nagkasakit dahil dyan baka bigla ka na lang umalis" "Hindi po Sir Fred. Saka matindi po ang pangangailangan ko" biro ko saka tumawa. "O syah syah, patingin niya niyang noo mo" lumapit siya sa akin upang tignan ang aking noo. Ako naman ay di inaalis ang kamay sa pagkakaharang. "Sir Fred, wala po ito" sabi kong pilit na tinatago ng bukol na sa palaga'y ko'y lalo yatang lumaki. "Patingin nga". Pamimilit niya saka inalis ang kamay kong nakaharang. "Naku! nag violet na yan!. Lagyan natin yan ng ointment" kinuha nito ang medicine kit at nilagyan ng gamot ang aking noo. "Okay na po Sir Fred, ako na lang po ang gagamot." Tumigil siya sa paggamot at iniabot aa akin ang ointment. "Ganyan na ba epekto sayo ni Master?" Mayamaya ay tanong nito saka tumawa. "Hala si Sir fred binibiro na naman ako" "Naku iha, pupusta ako type mo si Master." "Ngek!" biro ko na siya naman ay tumawa. "Eh iba kasi epekto niya sayo." Hala paano naman niya nasabi? Oo gwapo si master Achi, pero hanggang doo  lang ang tingin ko. Malay ko ba?. Hindi ko naman naranasan ang magka nobyo. "Sir Fred magluluto na po ako, mukang gutom kana po" sambit kong nakayuko. ------------------ Madaling araw ako gumising, mag-aalas singko nang bumaba ako papuntang kusina. Nakita ko si Sir Fred na gising na din at kasalukuyang nagtitimpla ng kape niya. Ngayong araw na yung party kaya kailangan kong magluto ng maaga. "Goodmorning Jane" bati nito na nakapantulog pa. "Goodmorning din po" bati ko din at kumuha ng mug para magtimpla din ng kape. "Ang aga niyo naman po gumising" sambit ko ulit. "Maaga daw pupunta dito ang mga mag-aayos kay master." "Mag-aayos?" Kunot noo kong tanong. "Nag-order kasi ako ng suite para sa kanya, eh kasama sa serbisyo nila ang stylish" "Ahh kala ko me-make-apan si Master"  biro kong nakangiti. "Hindi iha, pero ikaw ang aayusan" ani naman nito saka ngumiti at kumindat. "Hala si Sir Fred, hindi ko na po kailangan nun. Lipstick lang at powder okay na sa akin". Hindi ako sanay nang naka make-up. Polbo at lipgloss ay ayos na sa akin. Hindi rin naman pumasok sa isip ko ang mag-aral ng pag-me make up bukod kasi sa kilos kong magaslaw ay alam ko sa sarili kong hindi ako matututong mag-ayos. Basta malinis at walang amoy sa katawan ay kuntento na ako. "Wag ka nang tumanggi iha. Libre yun, wag kang mag-alala, di ko ibabawas sa sweldo mo ang bayad sa Make-up artist." Sambit nito na sinabayan ng tawa. "Sige na po. Basta ba libre eh" ani kong natatawa din. Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay kinuha ko na ang mga sangkap na aking lulutuin.i Ang sabi sa akin ni Sir Fred ay pagkatapos ng pananghalian ay aalis na kami. Medyo matagal daw ang byahe kaya mabuti nang maaga kesa ma-late. Naupo si Sir Fred sa upuang katapat ng mesa. Nakatingin sa akin na abala sa paghihiwa ng mga gulay. Napansin ko panay ang kanyang tingin kaya di ko naiwasan na tanungin siya. "Sir Fred bakit po? May dumi po ba sa mukha ko?" Sabi ko at itinigil ang paghihiwa. Umiling ang matanda at mayamaya ay ngumiti. "Iha, may lahing mestisa kaba?" Natawa ako bigla. "Naku yan din ang laging tanong sa akin. Napagkakamalan nga din po akong foreigner." "Talaga? Iniisip ko baka isa sa magulang mo ay amerikano, kano o taga europe." "Hindi po, pinaglihi po kasi ako ni nanay sa isang american actress. Kaya nung lumabas ako tuwang tuwa siya kasi may mestisa na siyang anak". Nakangiti ako. Naalala ko kasi ang itsura ni nanay sa tuwing magkukwento siya sa bagay na ito. "Totoo pala yang paglilihi?" "Si nanay po naniniwala pero yung iba hindi." "Oo iha, kasi yung asawa ko dati pinaglihi niya yung bunso namin sa gatas at singkamas. Basta lahat ng mapuputing pagkain lagi niyang kinakain, lagi niyang pinabibili. Kahit dis-oras ng gabi lagi siyang may pinapabili." Kwento nito at tumitig sa kape na nasa kanyang harapan. "May pamilya po pala kayo sir Fred? Akala ko matandang binata---" natigil ako dahil bigla itong tumawa ng malakas. "Meron iha," "Nasaan po sila?" "Nasa probinsya. Kasama ng dalawa kong anak ang aking asawa." "Okay lang sa kanila na nandito ka?" Tumango ito saka humigop ng kape. "Kaya nga nakadalawang anak lang kami. Gusto ko sana ay tatlo kaso napakaselan ng asawa ko maglihi. Laging iritable at lagi gusto maputi ang nakikita. Eh hindi naman ako maputi kaya lagi siyang galit sa akin nung buntis siya" "Ganoon po siguro pagbuntis. Huhulaan ko po maputi po siguro yung bunsong anak mo?" "Naku iha malayo, malayong malayo sa katotohanan." "Bakit po" saka bumaling kay Sir Fred. "Nung lumabas yung bunsong anak ko. Naku po, halos isumpa ako ng misis ko. Paano ba naman kasi kakulay ko ang bunso kong anak." Parehas kaming tumawa ni sir Fred na halos umecho sa loob nitong kusina. "Atleast masasabi mong anak mo talaga siya Sir Fred." "Oo nga iha, walang duda." Kinuha niya ang kape at inubos iyon. Pagkatapos ay kumuha naman siya ng baso at nagtimpla ng gatas. "Mabuti gumaling na yang noo mo" mayamaya ay sabi nito. "Oo nga po. Nakakahiya kung pupunta akong may bukol sa noo tapos kulay violet pa." Sambit ko at muli na namang tumawa. "Jane, iwasan mo lagi ang mataranta." "Ewan ko ba Sir Fred. Simula nung dumating ako lagi na akong ganyan. Dahil din po siguro kay Master. Natatakot po kasi ako sa kanya lalo na pag tumitingin siya sa akin. Para niya akong ililibing ng buhay." "Iha, baka hindi naman takot yan. Baka---" "Ano po yun?" "Baka tinamaan kana sa kanya." Tukso niya kaya ako tanging pagtawa nalang ang sinagot. "Ang akala niya aalis ka nung araw na binulyawan ka niya. Mabuti at hindi ka umalis iha," dugtong ulit nito. Ngumiti ako at tinapos ang luya na aking hinihiwa. "Hindi ko po naisip yan, pero syempre nakakalungkot." Bumuntong hinga siya saka umiling. "Minsan di ko maintindiha  si Master. Masyado na siyang sumpungin". Inilagay niya ang isang basong gatas sa may tray saka kumuha din siya ng platito at nilagyan naman ng toasted bread. "Para po kay Master?" Tanong ko habang siya ay abala sa pagtitimpla. Tumango siya saka ngumiti. Maaliwalas ng mukha niya at sa palagay ko'y good mood ang aming amo. "Maiwan na muna kita Jane, ihahatid ko lang itong gatas at tinapay ni Master." "Sige po" ---------------------  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD