MASS C-11

1958 Words
Maingat at dahan dahan kong inalis sa kanyang paa ang maliliit na piraso ng bubog. Sa sobrang puti ng paa niya ay nakita kong may maliit na sugat sa kanyang daliri at nagdurugo na. Kaya naman pumunta ako sa kusina upang kunin ang medicine kit. "Master may sugat po kayo." Sabi ko at inilapag sa tabi ko ang medicine kit. Binuksan ko iyon at kinuha ang alcohol at bulak. "Jane ako nang gagamot kay Master" "Ako na po Sir Fred" giit ko at marahang dinampian ng bulak na may alcohol ang daliri ng aking amo. "Tsk, s**t!" Mahinang sabi nito. Hindi ko na siya sinulyapan dahil ingat na ingat ako sa paggamot ng kanyang sugat. "Alis dyan, I want Fred" reklamo nito dahilan para tignan ko ang aking amo. Nakipagtitigan siya sa akin ng ilang segundo at pagkatapos ay bigla na naman akong pumikit dahil muli na naman siyang sumigaw. "Don't you understand! I said I want fred!" Bulyaw niya na naging dahilan ng pag upo ko sa sahig at aksidenteng ilapat ang aking kamay doon sa may maliliit bubog. Parang umecho ang tinig ng aking amo sa loob ng aking utak. Nakatingin ako sa kanya. Di ko alintana ang hapdi ng aking kamay marahil mas masakit pa ang mga salitang sinabi niya kesa sa mga bubog na nandito. "Master sorry po, sorry na po" at kusang tumulo ang aking luha pababa sa aking pisngi. Namayani ang ilang segundong katahimikan at ang kanyang butler ay nakatingin lang sa aming dalawa. "Don't say anything." At mayamaya ay huminga siya ng malalim. "Master sorry po." At di ko na napigil ang aking paghikbi. "Stop! Ayaw ko ng maingay!!" Muli niyang sigaw. Pinilit kong pigilan ang aking paghikbi ngunit ang aking luha ay nagtuloy tuloy lang sa pag-agos. Hinawakan ako ni Sir Fred sa balikat saka inalalayan sa pagtayo. "Jane, doon ka na muna sa kusina" ani nito. Tanging pagtango ang aking sinagot at lumakad papunta sa kusina. Mabagal ang bawat hakbang ko pakiramdam ko ang bigat bigat ng aking paa. Kasing bigat nang nararamdaman ko ngayon. Lagi na lang siyang galit sa akin. Parang kaaway ang turing niya sa akin. "Fred, I'm tired". Sabi nito saka hinawakan ni Sir Fred ang kanyang wheelchair upang umalalay paakyat sa may hagdan patungo sa kanyang kwarto. ------------------- Pagpasok sa kwarto ay isinara agad ng aking butler ang pinto. Pairap ko siyang tinignan di ko alintana kung makaramdam man siya ng galit o pagtatampo sa akin. "Master, patawarin niyo na po si Jane"sabi agad nito. "What?" I asked kahit alam ko naman ang totoong dahilan. "Master, alam kong hindi niya dapat pinakialaman ang gamit mo. Lalong lalo na yung litrato ninyo Madam Amelia. Pero sana give her a chance na mag apologize. Mag sorry. " "Para saan pa? Fred are you crazy? Sinira niya yung frame! Yung frame na yan galing yan kay lola. " Inis kong sambit. "Pero master malulungkot po si Madam Amelia kung nakikita kang ganyan" "Fred! Is that a problem?. I'm giving her a punishment!." "Pero Master baka umalis na po Jane sa inaasal mong yan" "Then leave! Kung gusti niyang umalis. Then leave! Get out!" "Master kung nakikita mo lang siguro ang mukha niya sa tuwing sisigaw ka. Nanginginig siya sa takot. Give her a chance para pag silbihan at alagaan ka. Mabait si Jane. Walang wala ang mga naging katulong natin kung ikukumpara  sa kanya." "Fred, I want to rest. I'm tired" Hindi na ito sumagot bagkus ay binuhat na lamang ako pahiga sa aking kama. Pagkatapos ay sumenyas na ako na pwede na siyang lumabas. Habang nakahiga ay kinuha ko na lang ang libro na malapit sa lamp shade saka nagbasa. Habang nagbabasa ay panay din sagi sa isip ko ng mukha ni Jane. Malungkot at umiiyak. Nasaksihan  ko din kung paano tumulo ang kanyang luba habang nakatitig sa akin. "Tsk" saka huminga ng malalim. Simula nang dumating siya dito ay puro perwisyo ang kanyang ginawa. Galit ako sa kanya at ayaw na ayaw ko siyang makita. Lahat kasi ng bagay pati buhay ko ay balak niyang alamin. Minsan I think she's a spy. Maya maya pa ay bumaling ako sa lampshade na nasa gilid ng aking kama. Nasa tabi kasi nito ang litrato nung bata pa ako at kasama ko ang lola. "Grandma, Im sorry for being rude. Its not my intention to hurt her. Hindi ko lang kaya na makitang basag ang frame ng picture natin." Sabi kong kinakausap ang namayapa kong lola na nasa litrato Ilang sandali pa ay tila nag flaskback sa aking utak ang nangyari kanina. "Tsk, tsk, tsk!. Damn it!" Inis kong sambit. Naalala ko kasi ang mukha niya kung paano tumulo ang kanyang luha. "Sigurado ako, bukas na bukas ay aalis na siya" Ganito kasi lagi ang scenario ng mga katulong sa tuwing mapapaiyak sila sa aking harapan. They cry and then leave. ------------- Tuloy tuloy lang ang luha ko habang nakaupo dito sa kusina. Di ko rin alintana kung maghalo ang luha at ang aking dugo na nasa kamay ko. Ilang sandali pa ay nag ring ang aking cellphone sa bulsa ng aking apron. Kinuha ko iyon upang tignan kung sino ang tumatawag. Si Nay Lydia. Tinitigan ko lang ang cellphone hinahantay kung kelan matatapos ang pag ring nito. Kung sasagutin ko kasi baka di ko maitago sa kanya ang aking paghikbi. Ilang segundo din ang lumipas ay natigil na ang pag ring nito. "Jane" tinig ni Sir Fred na papasok ng kusina. Agad kong pinahid ang luha saka tumayo. Pumunta ako ng kitchen sink upang ipagpatuloy ang aking hugasin. "Iha, magpahinga kana. Ako na lang ang tatapos niyan" ani nito. "Okay lang po. Matatapos ko na din po ito" sagot ko kahit nanginginig ang aking boses. "Iha paano mo matatapos kung puro dugo yang palad mo?" Wika nito dahilan para tumigil ako sa aking ginagawa. Mahapdi ang aking kamay pero parang mas ramdam ko ang sakit habang naaalala ang mukha nang aking amo. Lalo na nung sinigawan niya ko kanina. Hindi ko na nagawang sumagot dahil nag tuloy tuloy na naman ang aking luha. Lumapit sa akin si Sir Fred at tinapik tapik niya ang aking balikat. "Tama na iha, pasasaan ba mag-iiba din ang ugali niya. Pasensya kana" sabi nitong pinapakalma ako sa pag-iyak Tanging pagtango ang aking naisagot habang pinupunasan ang aking luha. "Mapapatawad ka din ni Master." Sana nga po. Hindi ko maiboses dahil di ko mapigil ang paghikbi. ----------------- I was in the front beach when I noticed her walking. Doon lang siya nakatayo sa gate. Kahit malayo siya ay tanaw ko ang kamay niyang may benda. Sa pagkakatanda ko nasugatan ang kanyang kamay. When I shouted she was shocked and accidentally touch the ground kung saan kumalat ang basag na baso. After that akala ko aalis na siya but I was surprised that she still here. Fred is right. There's nothing wrong in orange juice. Masyado lang akong iritable pag nakikita ang babaeng ito. Tahimik kong pinakinggan ang alon at hampas ng tubig sa dalampasigan. Nag iisip kung dapat na nga ba akong magpa therapy? When my grandama died parang wala na ding saysay na mabuhay pa ako. Maraming pagkakataon na nanganib ang buhay ko, but I'm still alive. Siguro nga hindi ko pa panahon. But there's a piece of me that already lost. I,'m searching for it. Searching for a reason to live. A few minutes later a face of a girl that came out to my mind. "Minah" I said and sighed. I already accept the fact that she's inlove with someone else. And this someone is my cousin. Naka move on naman ako at tinanggap na she cant be with me. Pero ang hirap lang cause I really like her. The first time a saw her I know she's the girl that I want. Pero hindi pwede dahil hindi naman niya ako minahal. Hanggang kaibigan lang. I sighed. "Master dumating na po ang mga papeles na kailangan mong pirmahan" Fred said na nakalapit na sa akin. Natigil ako sa pag-iisip at bumaling sa kanya. "Later I will sign it. Kailangan ko munang mapag isa" "Opo Master" at nag-bow. Kala ko aalis na siya. Ngunit mayamaya pa ay muli siyang nagsalita. "Master kelan natin gugupitan yang buhok mo?" Bumaling lang ako sa kanya. Habang siya ay ngumiti ilang sandali. "Why?" "Nalalapit na po kasi ang party ni Doc. Gusto ko po pag nagpunta tayo doon ay aangat ang kagwapuhan mo" Fred is like a father to me. Mas pinili niya na makasama ako kahit may sarili na siyang pamilya. Kaya siguro hindi siya malapit sa kanyang mga anak ay binuhos niya ang oras sa paninilbihan sa pamilya namin.  He cut my hair sa tuwing mapapansin niyang mahaba na ito. Even my nails siya din ang nag gugupit minsan. "Fred, I already told you I will not----" "Master please pagbigyan niyo na po ako. Saka minsan lang po humingi ng pabor si Doc." Muli kong binalik ang tingin sa dagat. Nag-iisip kung dadalo ba ako sa party na sinasabi niya. Matagal na din na hindi ako nakipag salamuha sa maraming tao. I'm an introvert. I don't like parties. Ang lola ko lang ang nakakapilit sa akin na dumalo pag may malalaking pagtitipon kagaya nito. Matagal tagal na din na nakapunta ako sa mga party siguro it's time naman na makihalubilo ako sa maraming tao. "Okay" I said saka ko narinig na parang tumawa siya. "Naku Master salamat, matutuwa talaga si Doc pag nakita ka." "Fred, gusto ko munang mapag-isa. Iwan mo na muna ako dito". "Masusunod po Master."masiglang sagot nito at lumakad na rin paalis. _______________ Habang naglalakad si Sir Fred pabalik ay napansin ko ang di maalis na ngiti sa kanya. Pag lapit niya sa akin ay sumenyas siya ng thumbs up. "Janr, pumayag na si Master, sasama siya sa party." "Talaga po?. Buti po napilit mo si Master." "Alam mo bang dalawang araw ko siyang kinukulit. Mabuti na lang at pumayag din siya." "Oo nga po. Sigurado po ako mag-eenjoy doon si master." "At mag-eenjoy ka din iha," sambit nito saka tumingin sa kamay kong may benda. "Masakit paba?" Umiling iling ako at sinabayan ng ngiti. "Hindi na po, baka gagaling na po ito bukas, maliliit lang naman po ang sugat" "Ganoon ba, nga pala yung bottled water dala mo ba? Baka nauuhaw na si Master kanina pa siya nandoon." "Opo Sir Fred, nasa apron ko po. Ibibigay ko na po ba sa kanya?" "Oo. Ibigay mo na. Baka magsalubong na naman ang kilay nun pag din mo binigay" biro ni sir Fred na parang nananakot. Syempre ako. Ayaw kong makitang magalit muli si Master kaya nag madali akong puntahan siya. Pagkalapit ay dumistansya ako ng halos dalawang hakbang. "Ma---ma--master yung tubig niyo po". Di ko mapigil ang panginginig ng aking boses. Nininerbyos kasi ako at expect ko nang sisigaw na naman siya. Hindi siya sumagot. Bumaling lang siya na kalahati lang ng kanyang mukha ang aking nakita. Buti na lang malapit siya sa bench kaya doon ko inilagay ang bottled water. Pagkatapos ay umatras ako ng hakbang. "Master aalis na po ako". Sa nerbyos ko hindi ko na siya hinantay magsalita o sumenyas. Dali dali akong lumakad pabalik sa gate kung saan ako nakatayo kanina. Halos tumakbo na ako. At isang iglap sumubsob ako sa buhangin. "Ma'am!" "Ma'am Jane!" "Jane! Maryosep! Bakit ka kasi tumakbo?" Nag madaling lumapit sa akin ang body guard pati Si Sir Fred. Hindi ko maiangat ang aking mukha. Nakakahiya dahil kulang nalang kainin ko yung buhangin. Buti na lang white sand at least malinis. "Ahh ehhh hehehe.. hindi naman masakit Sir Fred, okay lang ako". Sabi ko pilit ang ngiti saka mabilis na inalis ang buhangin na nasa aking pisngi at noo. ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD