Alyas Kanto Boy 2 The Reunion Season 2 AiTenshi Part 56 ALDRIN POV (AGG) "Salamat sa pagsama mo sa akin para puntahan si Sab," ang wika ni Greg noong pauwi kami galing sa apartment ng kanilang baby maker. "Wala iyon, pero alam mo hindi naman siya ganoon kasuplada, talagang baklang bakla lang ugali at medyo liberated pero mabait siya at nakakatawa, paminsan minsan," ang tugon ko naman. "Malandi siya, mapang-akit at ginagamit yung malaki niyang s**o pang lure ng mga lalaki. At ngayong mga oras na ito ay lalo akong natatakot dahil weakness pa naman ni Raul yung kumakaldag na s**o kapag naglalakad," tugon ni Greg dahilan para matawa ako, "Alam mo ganyan din ang tipo ni Johan e, iyang si Sabmarin ay parang ka tipo at kaawrahan ni Pretty Gorgeous na babae ni Johan bago kami ikasal, remem