Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Feb 10, 2020 Part 57 GREG POV (AKB) "Yeah, right now nakafocus ako sa pagtulong sa mga kababayan natin na nangangailangan. Hindi ko naman sinasabing susundan exactly ang footstep ng aking ama dahil mayroon akong sariling ways at styles ng pagsuporta sa ating mga kababayan. Basta gusto ko lang patunayan sa lahat na Im more than a pretty face. I have so much to offer kaya sa tingin ko ay magiging mahusay akong public servant," ang wika ni Johan habang iniinterview siya sa isang local news sa morning show. "Hanep sumagot loko ah, parang hindi sira ulo," ang wika ni Raul na tawa ng tawa. "Siyempre ang matalino, mahusay at napaka perfect na si Shan Dave yung adviser niya kaya talagang magiging mahusay magsalita iyan. Mabuti nalang at naging ganyan