Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 58 GREG POV (AKB) "Bakit naman nagdecide kayong mag asawa ng lalaki ha? Sayang naman yung lahi ninyong dalawa. Saka alam niyo kung makakasalubong ko kayong dalawa di ko naman iisipin mga shokla kayo," ang hirit ni Sab habang kumakain ito ng sangkatutak na cake. "Alam mo Sabmarin ang love ay kusang dumarating sa tao, it doesnt matter kung pareho kayong lalaki o pareho kayong babae basta ang matter lang ay ang happiness na nararamdaman mo. Hindi mo naman kasi alam iyon kasi puro kalaswaan nasa isip mo," ang tugon ko naman. "Alam mo Baks, nagkataon lang na pantasya ko ng bayan noon pero if you look down inside me ay makikita mo ang secret me that i force to hide," ang hirit nito sabay subo ng chocolate cake. "Mulan lang teh? Hindi ka tumatab