Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 12 GREG POV (ALYAS KANTO BOY) "Welcome home my baby boy! Miss na miss kita. Lika nga dito, teka bakit parang nangyayat ka yata? Baka naman puro work ang inaatupag mo sa Amerika?" ang bungad ni mama noong salubungin kami ni Raul. "Ma, wag mo na ako ibaby, nandiyan yung asawa ko. Mamaya kakantiyawan na naman ako niyan," ang bulong ko naman. "Kahit na, alam ng asawa mo na baby kita eversince no," ang wika ni mama habang nakakapit sa akin, kinapitan din niya si Raul sa braso at dito ay lumakad kami pabalik sa sasakyan. "Alam niyo naisip ko na dito nalang kayo mag work, baka masyado kayong nai-stress doon sa malayo. Siguro okay nang test para sa matibay relationship niyo yung ilang years na pagtira doon ibang bansa," ang dagdag pa ni mama. "Ma