Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 11 JULIAN POV (ANG HARI NG ANGAS) "Bakit ba iyak ka ng iyak Dante? Tumigil ka na nga, buhay naman si Shan Dave e," ang wika ko sabay hila sa kanya paakyat hagdan. "Hindi naman ako umiiyak dahil kay papa Shan, umiiyak ako dahil natapakan nung bagets na beki itong ingrown sa paa ko, ang sakit talaga! Pakshit!" ang wika nito. "Ano ka ba, huwag kang mag mura dito, hindi bagay sa isang title holder ng MBP ang mag mura, naka sash ka pa naman oh," ang hirit ko naman. Pag akyat namin sa silid ay nandoon si mama at ang doctor na na-aasign kay Shan Dave. "Kuya Julian, anong lagay ni Kuya? Ligtas ba siya?" tanong ni Rap. Ginusot ko ang kanyang buhok. "Oo naman, natutulog lang si Kuya mo, pero ligtas na siya. Kaya ikaw huwag kang mag ddrive ng lasin