Alyas Kanto Boy 2
The Reunion
AiTenshi
Part 10
JULIAN POV (ANG HARI NG ANGAS)
Time check 9:00pm
Habang abala ako sa pagduduty sa emergency room ay biglang huminto ang ambulansiya sa entrance at dito ay mabilis nilang ibinaba ang pasyenteng nakahig sa stretcher. Ako naman ay nakarelax lang at inalis ang earphone sa aking tainga. Normal nalang sa akin ang ganitong uri ng emergency, mga pasyenteng nag aagaw buhay dahil sa aksidente, may nakakaligtas at mayroon din na mang hindi. Para lang isang sugal na kailangan mong tumaya para ikaw ay mabuhay. "Anong nangyari sa bagong dating?" tanong ko.
"Naaksidente daw po sa motor, nakahelmet naman kaya hindi masyadong napurohan ang ulo," ang wika ng mga assistant sa lobby.
Agad ko naman pinuntahan ang pasyente at noong makalapit ako dito at laking gulat ko noong makita ang duguang katawan nito. "Shan!!" ang sigaw ko na parang binalot ng takot at pagkatuliro. Mabilis akong lumapit sa stretcher at ako mismo ang nagtulak nito. "Shan, relax ka lang! C'mon kaya mo iyan!" ang pagtawag ko sa kanya na para bang pakiwari ko ay nananaginip lang ako at hindi ito totoo. Halos sumabog ang aking dibdib noong mga sandaling iyon, ang aking paghinga ay naninikip at para bang hihimatayin ako.
Agad na nagtatakbo si papa palabas sa kanyang clinic at mabilis kaming sinalubong. "Paaa, tulong! Yung asawa ko!" ang pag iyak ko.
"Julian! Naka duty ka! Hindi ka maaaring panghinaan ng loob! Gawin mo ang tungkulin mong iligtas ang buhay ni Shan!"ang tugon ko ni papa at dito ay ipinasok namin si Shan Dave sa operating room para bigyan ng life support. Si Papa ay nakarelax lang, ako ay nanginginig at takot na takot. Gayon pa man ay hindi ako maaaring magpatalo sa aking emosyon dahil tungkulin kong salba ng buhay.
"Mabuti at hindi nagkaroon ng damage ang ulo niya. Bagamat mayroon itong mga pasa, kung wala siyang helmet ay baka patay na ito ngayon," ang wika ni papa. Samantalang ako naman ay hihinga hinga lang ng malalim, takot na takot ako at para akong hihimatayin noong mga sandaling iyon. Marami na akong pasenyente na encounter ang iba mas malala pa dito, ang iba ay halos agaw buhay na. Pero iba pala talaga kapag malapit na sa puso mo ang pasyente dahil matatakot ka talaga ng husto at mawawala sa iyong konsentrasyon.
Nakatingin ako sa monitor ng life support ni Shan Dave, malakas ang kanyang heartbeat kaya malaki ang chance na mabuhay ito.
Makalipas ang ilang minuto ay agad rin pumasok ang kaibigan ni papa na Doctor rin, ninong namin ni Shan sa kasal. Pinalabas niya ako at siya na mismo nag assists kay papa sa loob ng ER. Samantalang ako naman ay hihinga hinga lang dahil sa matinding takot at kaba. Hindi ko tuloy maiwasang maipayak at mapaupo nalang sa isang sulok.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ko maiwasang malungkot at mag aalala ng husto. Samantalang nag away ka kami kanina dahil sa simpleng bagay lang.
Sa nakalipas na mga tao, ang relasyon namin ni Shan Dave ay perpekto at masasabi kong pinakamasaya sa lahat. Nagsimula kaming bumukod at magkaroon ng isang maliit na tahanan, simple lang ito, maliit na sala, may maliit na kusina, cr at mayroon isang malaking bedroom sa itaas kung saan kami natutulog.
Noong mag pasyang mag hiwa-hiwalay ang mga alyas doon sa compound at magdesisyon silang mag focus sa kanilang mga personal na buhay ay naging abala kami ni Shan Dave sa pag iipon para sa aming sarili. Si Shan Dave nagttrabaho kay mama bilang assistant at mayroon din siyang sariling business na car wash, automative at palago ng palago ang kanyang hardware, mayroon na rin siyang sarili mga tauhan at empleyado.
Aminado ako na puro kasabawan si Shan Dave, minsan magsasalita ito ng walang laman, as in wala kang makukuha sa kanya, mabuti nalang at pagwapo siya ng pagwapo habang tumatagal. Palaki rin ng palaki ang kanyang katawan, ngayon ay kayang kaya na niya ako buhatin kapag nagsesex kami at nasa kanya na ang lahat ng command sa kama.
Hindi naman kami nahirapan ni Shan Dave na bumukod dahil kasama naman nila mama si Raprap at isa pa ay malapit lang naman kami sa kanila. Sadyang nakadagdag lang sa paglalim ng samahan namin ang mamuhay sa iisang bubong na amin mismong naipundar ng mag kasama, sariling pagod at pawis namin ang puhunan para maipagawa ito.
Suportado kami ng lahat ng tao sa aming paligid. Perfect couple rin ang tawag sa aming dalawa ni Shan Dave dahil ang aming samahan ay smooth sailing. May kaunting pag aaway, iyon naman ay mga mild lang katulad ng pag tatambak niya ng mga basang damit sa cr, pag ihi ng hindi binubuhasan, pag uwi ng lasing at pagluluto ng sunog o hilaw. Pero sinusubukan naman niya maging kapaki-pakinabang na asawa sa akin. Bagamat sa lahat ng alyas kami lang yata ang ikinasal lang sa civil wedding at nagpakain lang sa restaurant dahil pinili naming maging practical. Hindi naman kasi kami kasing yaman nila Raul, Johan na ikinasal sa magaganda lugar gayon pa man ang kasal ay kasal kaya't lahat kami ay may obligasyon sa isa't isa.
"Bakit naman nagpautang ka doon sa mga tauhan mo? Baka naman inuutakan ka lang ng mga iyon?" tanong ko kay Shan Dave noong makita kong nag withdraw ito sa kanyang ipon.
"Hon, yung dalawa sa tauhan ko ay may sakit ang asawa at anak. Kawawa naman kung hindi maipapadoktor," ang sagot nito.
"Eh kasi ganyan rin yung nangyari noong nakaraan diba? Nangutang sayo ng 20k yung tauhan mo para makauwi sa probinsya nila pero di na bumalik at hindi mo na nahagilap. Masyado ka kasing mabait e," ang sagot ko naman.
"Jul, nakikisama lang ako, alam mo naman na napakahirap humanap ng tao ngayon. Kulang pa nga yung nakabantay doon sa car wash kaya heto ako ang pupunta doon," ang wika nito.
"Kumain ka muna bago ka umalis, at please lang huwag kang kaskasero mag drive kahit naka motor ka ay delikado pa rin," ang tugon ko sabay lagay ng breakfast sa lamesa.
"Hindi ako kaskaserong mag drive, kapag kumakantot ako talagang kaskasero ako sa bumabarurot sa iyo. Pero sa pag ddrive ay hindi," ang tugon niya rin.
"Sira, baka maya maya ay may makarinig sa iyo. Basta huwag kang magpapahiram ng pera kung kani-kanino. Dapat ay matutuo kang obserbahan kung nagsasabi ba sila ng totoo o nang-jajaming lang. O kaya much better kung tanggihan mo sila. Hindi naman sa pagdadamot iyon, nagiging sigurista ka lang upang hindi ka mautakan."
"Opo, ano oras duty mo? Ihahatid ba kita mamaya?"
"Hindi na, 3pm pa ang alis ko dito. Maglalaba pa ako dahil nagkalat yung mga maruruming damit doon sa banyo. Basta yung napag-usapan natin, last na pagpapautang mo na ito dahil yung iba ay abusado," ang paalala ko.
"Opo, you're the boss!" ang sagot nito sabay halik sa aking labi.
Ganun lang kami magtalo ni Shan Dave, minsan ay sitahan lang, nakikinig naman siya sa mga sinasabi ko pero kapag ayaw niyang pumatol sa akin ay wala akong makukuhang laman sa sagot niya. At kung pinsan ay kino-confused niya ako using his stupidity techniques. Mga bagay na pinaka-ayoko sa lahat kaya pikon na pikon ako sa kanya.
Tahimik..
Bumalik ang aking ulirat at halos napaiyak nalang ako habang nakasiksik sa isang sulok sa emergency area. Okay naman kami kanina, sana hindi ko na siya sinermunan dahil pag papautang niya.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay lumabas si papa at nilapitan ako. "Julian, what are you doing?"
"Sorry pa, hindi ko lang makayanang makita na ganoon ang lagay ng asawa ko," ang wika ko na may halong pagkahiya. "Son, kahit sino pa ang pasyente ay hindi ka dapat nagpapanic. Kahit ang mama mo pa iyan, ako o si Dante pa. Paano mo kami maililigtas kung bigla kang matatakot? Hindi ko nagustuhan ang emosyon mo kanina kaya next time learn to control it."
"Im sorry papa," ang tugon ko naman habang nakayuko.
"Its okay, may mga pasyente pa ako sa itaas, nandiyan ang ninong mo, tulungan mo nalang siya sa pag assist kay Shan Dave," ang wika ni papa sabay tapik sa aking balikat.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay muli akong huminga ng malalim at nagtungo sa kinalalagyan ni Shan Dave, "okay na siya hijo, magpasalamat nalang tayo dahil hindi sumabog ang utak niya, nakita mo naman yung damage ng helmet, kung wala siyang proteksyon sa ulo ay malamang nag 50 50 ito. Swerte pa rin at hindi napano ang kanyang bungo. Mayroon lang siyang sukat sa gawing tagiliran dahil nasaksak sa kanya yung bakal na motor, at naipit ang kanyang kanang braso at hita kaya aabutin ng mga dalawa o tatlong linggo bago siya makalakad ng maayos. Pero sa ngayon ay stable na ang lagay niya, huwag kang magtaka kung bakit wala pa rin siyang malay, tulog na tulog ang asawa mo dahil lasing na lasing ito kaya sumalpok ang sinasakyan doon sa pababa ng tulay," ang wika ni ninong.
"Hindi ko alam na uminom ito," ang tugon ko.
"Hindi natin masisisi at nagkakaroon talaga ng happy happy sa trabaho paminsan misan. Maaari na nating ilipat sa bakanteng silid si Shan Dave para makapag pahinga nito ng maayos," ang wika nito at habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pagdating nila mama at Rap na noon ay hindi maitago ang matinding pag-aalala.
Agad naming inilipat si Shan Dave ng silid at dito nagawa ko na rin tawagan sina Aldrin at Johan para ibalita ang nangyari. Mag best friend si Shan Dave at Johan kaya't malaking tulong na makita ni Shan ang kaibigan.
Pagkatapos kong makausap ang dalawa sa cellphone ay napatingin ako sa gilid kung saan may humagulgol na iyak na parang may namatay. Pagharap ko dito ay nakita ko si Dante na umiiyak habang nakasuot ng maiksing short, body fit na shirt at naka sash na naman ito ng Miss Beautiful Planet 2021. "O bakit nandito ka Dante? Sinong bantay sa restaurant natin?" tanong ko naman.
"Ano ka ba alas 10 na ng gabi no, wala nang costumer doon," ang wika nito habang umiiyak.
"Para kang namatayan sa iyak mo, parang ikaw yung asawa," ang reklamo ko.
"Sobrang emosyonal talaga ako frend, naawa ako kay Shan Dave, hindi ako sanay na makita siyang nag-aagaw buhay," sagot nito tapos ay nag-iiyak nanaman.
Nasa ganoong pag iyak siya noong may lumapit na grupo ng mga batang beki sa kanya. "Excuse me, diba ikaw po yung nag-title sa Miss Beautiful Planet?"
"Yes ako nga, obvious naman diba?" sagot ni Dante sabay pakita ng sash niya.
"Pwede pong papicture? Kasi ang husay husay niyo po," ang wika ng mga ito kaya naman mabilis na inayos ni Dante ang kanyang lukot na mukha at saka inabot sa akin ang camera, "Frend picturan mo muna kami," ang wika nito sabay aya sa mga batang beki.
Pumose ito at ngumiti na parang tunay na beauty queen. Parang kanina lang ay umiiyak pero ngayon ay parang nakalimutan na niya ang lahat. "Gusto po naming maging katulad mo," ang wika ng isang bagets.
"Mag-aral muna kayong mabuti at huwag basta basta haharavat kapag walang laman ang tiyan dahil nakakasikmura ito. Sundin ang tagubilin ni inay sa rules of harvatification okay? O sige na umuwi na kayo dahil baka sipunin kayo sa mga suot niyong pekpek shorts," ang hirit nito.
"Ingat ka rin po mother, idol ka po namin dahil kahit mataba ka ay nagawa mo pa rin manalo."
"Dahil hindi naman sukatan ang pisikal na anyo ng isang tao. Ang mahalaga ay ang kontribusyon niya sa kanyang pamayanan! And I thank you!"
Paklakpakan ang mga beking bagets.
Sobrang hangang hanga sa kanya ang mga ito.
Itutuloy..