Alyas Kanto Boy 2
The Reunion
AiTenshi
Part 9
ALDRIN POV (GWAPONG GAGO)
"Argh, bakit ba kailangan mong biglain yung pagpasok? Di mo man lang nilagyan ng langis o pampadulas. Dumugo tuloy at mamamaga na naman ito," ang reklamo ni Johan.
"Eh kasi sarado na nga yung butas ng tainga mo kaya binigla ko na yung pagpasok nito bagong hikaw para isang sakitan na lang," ang sagot ko naman sabay tingin sa kanyang tainga, "hindi naman pala dumugo, mawawala rin iyan," ang dagdag ko pa.
"Ang sabihin ay mo nanggigigil ka sa akin dahil ayaw mo akong maging isang ganap na politician. Kagabi pa mainit ang ulo mo at apura pa ang singhal mo sa akin. Ni hindi mo nga kinamot yung itlog ko," ang reklamo nito.
"Bakit kailangan ako pa ang kumamot ng itlog mo? Mayroon ka na man kamay para gawin ito," ang reklamo ko naman.
"Ang init ng ulo mo babe, bakit ba ayaw mong maging politician ako?" tanong nito.
"Ano naman ang alam mo doon? Saka akala ko ba gusto mo ng mas malaking negosyo? Paano mo mapapagsabay yung negosyo at yung pagiging politiko? May balak ka pang magkapamilya tayo, paano mo pa mahaharap iyon?" tanong ko sa kanya
Tumingin siya sa akin at hinila ako pakandong sa kanyang harapan, "bakit ba pressure na pressure ka? Konsehal bayan lang ang tatakbuhan ko at pito naman ang kailangan doon kaya malaki ang chance na manalo. Makakapaghintay ang negosyo at madali lang mambuntis kaya huwag ka mag alala," ang cool na wika nito.
"Basta pinaalalahanan lang kita Escaler ang tungkulin ng isang politiko ay hindi nakukuha sa pagtalon sa ilog o sa swimming pool. Kailangan mong maging good influence sa kanila at isang maliit na pagkakamali mo lang ay tiyak na matatalo ka," ang tugon ko naman.
"Kaya nga huwag mo akong aawayin at kakawawain sa harap ng maraming tao. Dapat ay ipakita mo sa kanila na ako ang perfect husband mo na super hot, handsome at malaki ang t**i," ang pilyong wika nito.
"So iyan na ba ang tagline ng kampanya mo? Johan Escaler ang perfect husband na may malaking t**i?" ang pang aasar ko naman.
"Tado," ang tugon niya. Tawanan kaming dalawa, samantalang siya naman ay asar na asar sa akin.
Kinabukasan, alas 7 ng gabi noong matuloy ang family dinner namin kasama ang parents ko at ang papa ni Johan. Lahat kami nagtungo sa isang private na restaurant upang magkausap usap tungkol sa plano namin ni Johan na habang tumatagal ay nagiging komplikado. Hindi ko lang maunawaan kung bakit nagkaroon siya ng interest kumuha ng pwesto sa politika kung gayon wala naman talaga ito sa orihinal na planong binuo namin noong nasa Amerika pa lang.
"Buo naman ang tiwala ko kay Johan na mananalo siya kung tatakbo siya sa eleksyon," ang wika ni Gov.
"Ah e, pa.. okay lang naman po na pumasok sa politika si Johan, hindi naman ako tutol dito. Nabigla lang po ako kasi wala ito sa plan namin noon. Talagang umuwi po kami dito para mag tayo ng business at ipagpatuloy ko yung sarili kong web designs. At siyempre yung plan rin namin na mag surrogate, dalawa kami para dalawang baby agad," ang wika ko naman.
"Dalawa? Babe, di natin kaya yung dalawang baby, ano pang magagawa natin trabaho kung pareho tayong mag aalaga ng anak?" tanong ni Johan.
"O edi kami ang mag-aalaga, actually idea namin ang dalawa ng papa niyo iyon, para dalawang bata yung tumatakbo sa bahay diba? Ang cute cute nila," ang wika ni mama na hindi maitago ang excitement.
"Ma, pwede naman isa lang muna tapos next year yung isa kapag stable na yung business namin ni Aldrin at kapag okay na yung political career ko," ang sagot ni Johan.
"Sure ka na ba sa pagpasok sa politika Johan, baka maya maya bigyan mo ng sakit ng ulo ang papa mo at ang asawa mo?" tanong ni papa sa kanya.
"Gusto ko lang maipagmalaki ako ng asawa ko, at maipagmalaki niyo ako bilang son in law. Na si Johan Escaler ay hindi lang gwapong gago, may pakinabang din ako at may kakayahan sa public service!" ang desididong wika nito.
"Oh narinig mo iyon Aldrin, sa tingin ko ay decided na yung asawa mong sumabak sa politika at sundan ang yapak ng father niya," ang wika ni mama.
Natahimik naman ako pero nagawa ko pa ring ngumiti, "kung talagang gusto niya edi "go" suportahan ko siya. Yun naman ang tungkulin ko bilang asawa niya," ang tugon ko naman.
"At tungkol naman sa plan ninyong bumukod, bakit kailangan niyo pang umupa o magpagawa ng bahay? Pinagawan ko ng 3rd floor yung bahay, sa inyo ang ikatlong palapag, wala pang mga gamit doon, kayo na lamang ang magpundar ng kahit anong gusto niyo," ang wika ni Gov.
"Iyan nga ang parati kong sinasabi sa kanila, hindi nila kailangan lumayo at bumukod dahil welcome rin sila doon bahay at isa pa ay parati naman kaming wala doon," ang wika naman ni mama.
"E si Johan lang naman ang mapride, ayaw na ayaw niyang nanghihingi ng tulong sa inyo dahil baka raw isipin kong wwla siyang silbing asawa," tugon ko.
Tawanan sila.
"Hindi naman sa ganoon hijo, masyadong malungkot ang buhay kapag wala kayo sa paligid. Lalo ngayon na magiging busy ka sa kampanya mo, mas makabubuting huwag na muna kayo bumukod ni Aldrin.l," tugon ni papa.
"Narinig mo iyon? Saka kahit kailan ay hindi sumagi sa akin isipan na wala kang kwenta o walang silbi," ang wika ko naman habang nakangiti.
Ngumiti si Johan sa akin at hinimas ang aking hita sa ilalim ng lamesa. Tumingin ako sa kanyang mukha at noong mga sandaling iyon ay naisip kong malaki na nga ang pinagbago ni Johan, hindi na siya yung dating puro kalokohan sa buhay ang iniisip. Ngayon ay concern na siya tungkol sa impresyon sa kanyang mga tao sa paligid niya. Gusto na niyang may mapatunayan sa kanyang sarili kaya't nakikita ko sa kanyang mata ang apoy ng pagnanais na maging katulad ng kanyang ama.
Marami pa kaming isssues na tinalakay sa dinner, pati yung pagbukod namin ng bayad, yung pagtatrabaho namin sa malayo. O kahit yung simpleng away namin ay pinag-usap rin. Mainam na rin daw ito para atleast makatutulong daw ito para mas lalo kaming magkaroon ng matibay na relasyon dahil nakasuporta ang aming mga magulang.
"Gusto kong malaman mo na proud ako sa iyo kahit noong gago ka pa at wala direksyon sa buhay. Masaya ako ngayon dahil nag mature ka na at nagkaroon ng sense of responsibility bilang isang mabuting asawa at doon palang wala na akong mahihiling na iba pa. Kung kailangan mo lang pumasok sa politika para maging proud ako o ang mga tao sa paligid mo ay gusto kong sabihin sa iyo ngayon na proud kami sa iyo kahit ano pang ginagawa mo o kahit sino ka pa," ang wika ko habang nakalubog sa bath tub, si Johan naman ay nakatayo, hubot hubad sa aking harapan habang nakatapat sa shower.
Maya maya ay tumabi siya sa akin at hinalikan ako sa labi, "babe, gusto ko itong gawin dahil pangarap ito ni papa para sa akin. Bata palang ako ay sinasabi na niya sa akin na gusto niyang magkaroon ako ng pwesto sa politika katulad niya. Kahit hindi niya ito sinasabi sa akin ng tuwiran ay nararamdaman ko pa rin na umaasa siya na susunod ako sa kanyang yapak. Babe, tinanggap ni papa ang relasyon nating dalawa, hindi niya ako hinanapan ng asawa ng babae o ng kahit na sino at labis akong nagpapasalamat doon. Ngayon kailangan kong bumawi sa kabutihan ni papa sa akin. Nito ko lang napagtanto na panahon na rin para isipin ko naman yung mas matatag na future para sa ating dalawa. Sooner, yung Johan na gwapong gago ay malapit na ring mabura sa aking sarili," ang seryosong tugon niya.
"Wala kang dapat itapon sa parte ng sarili mo. Kung ano ikaw ngayon o kung ano ikaw sa hinaharap ay dahil iyon sa kung sino ka noon. Nandito lang ako para sumuporta sa mga desisyon mo," ang tugon ko rin sa kanya sabay halik sa kanyang labi.
"I love you," ang bulong niya, sumampa siya sa bathtub at niyakap ako ng mahigpit. Pumuwesto rin siya sa aking likuran, ako naman ay sumandal sa kanya ay ninamnam ang kanyang mainit na katawan.
"I love you too, salamat sa lahat ng effort mo para sa ating relasyon, naappreciate ko ito, sobra."
Nagsimulang halikan ni Johan ang aking tainga, dampi damping halik ngunit ibayong kiliti ang dala. Hinalikan na rin niya ang aking leeg pagapang sa aking batok kaya naman napapikit ako at ninamnam ang sarap na dulot ng kanyang mainit na labi.
Maya maya ay humarap ako sa kanya at kumandong, ang kanyang matigas na ari ay nakapagitan ng aking pwet, dito ay marahas kaming nagpalitan ng mainit na halik at kapwa namin niyakap ng mahigpit ang isa't isa.
Patuloy ang aming palitan ng halik, laway sa laway, dila sa dila. Hindi ako magsasawa sa halik ni Johan dahil ito ang pinakamasarap sa lahat.
Noong kami ay mangawit ay agad kaming tumayo sa bathtub at ang banlaw, paglabas namin sa banyo ay agad akong lumuhod para sunggaban ang matigas at matabang ari ni Johan. Ginamit ko ang aking dila para paglaruan ang mala makopang ulo ng kanyang p*********i. Itinaas ko rin ang kahabaan niya para dilaan ang kanyang dalawang bayag na nakalawlaw. Kinain ko ito, isinubo at sinunggaban ng marahas na halik.
Muli kong isinubo ang kanyang ari, naupo siya sa gilid ng kama at ninamnam ang kiliti dulot ng aking ginagawang pagkain sa kanyang p*********i. Napapatingala pa ito, napahinga ng malalim at napapa-ungol kapag isinasagad ko sa aking lalamunan ang kanyang kahabaan. Halos nakadikit na ang kanyang bulbol sa aking labi at mas lalo pa itong bumaon sa aking lalamunan noong bigla niyang hinawakan ang aking ulo at mas idiin pa ito.
Naubo ako kaya iniluwa ko ang kanyang ari. Bumuwelo ako ng paghinga at muli ko itong kinain, binilisan ko ang pagtaas baba ng aking ulo hanggang maramdaman kong lalo siyang naulol sa sarap.
Nanuwid at nanigas ang kanyang mga hita hanggang sa napaungol ito ng malakas. "Ayan na babe!" ang wika nito at dito tumilamsik ang kanyang masaganang katas sa aking bibig, ang iba ay lumabas sa aking labi at ang iba ay dumiretso sa aking lalamunan.
Hingal na hingal ito at halos panawan ng ulirat sa sarap. Noong iluwa ko ang kanyang ari ay sakto namang nag ring ang cellphone ko kaya agad itong inabot ni Johan. Ako naman ay dumiretso sa lababo upang maghugas ng mukha. "Sino yan babe?" tanong ko sa kanya.
"Si Julian," ang sagot nito sabay abot sa akin ng cellphone.
Agad ko itong sinagot. "Hello, balita?" tanong ko sa kanya.
"Aldrin, si Shan Dave ay naasidente kana. Isinugod na namin siya ni Dante sa ospital, paki sabi nalang kay Johan," ang wika nito.
"Anong lagay niya?" tanong ko
"Ligtas na pero wala pa ring malay," ang tugon nito na halatang tuliro ang boses.
"O sige, papunta na kami diyan ni Johan ngayon," ang tugon ko sabay labas sa banyo.
"Anong nangyari?" tanong ni Johan sa akin.
"Yung BFF mong si Shan Dave naaksidente daw at nasa ospital ngayon. Ligtas na ito kaso ay wala pa ring malay. Tara na, hinihintay tayo ni Julian sa Holy Angels Hospital," ang tugon ko sabay kuha sa susi ng aming sasakyan.
"Saan naaksidente? Bakit napakatanga naman ni Pare?" tanong ni Johan habang nagddrive.
"Kaya nga aksidente diba? Hindi natin inaasahang mangyayari, saka kung minsan ang aksidente ay bigla nalang dumarating kahit anong pagiingat mo. Mag relax ka at maaayos naman si Shan," ang tugon ko naman.
At iyon nga ang set up, agad kaming nagtungo ni Johan doon sa kabilang bayan para puntahan si Shan Dave. Ramdam ko yung pag-alala ni Julian kanina sa cellphone at alam kong nashock pa ito dahil ang kanyang boses ay nauutal.
Plus naririnig ko pa yung iyak ng kaibigan niyang si Dante doon sa tabi niya kaya matatakot kang talaga. Alam ko naman na malas na tao si Shan Dave kaya mamaya lang ay tiyak na okay na ito. Bakas rin sa mukha ni Johan ang pag-alala kaya medyo mabilis ang kanyang takbo. Hindi ko masisisi si Johan dahil parang magkapatid na sila ni Shan Dave. Sa lahat ng Alyas doon sa compound ay ang dalawang ito ang sanggang dikit. Kaya nga kung magkakaaway away daw sa ang mga alyas ay siguradong magkakampihan sina sa Shan Dave at Johan kahit pareho pang baluktot ang kanilang mga paniniwala.
Tahimik.
Hinawakan ko ang kamay ni Johan at ngumiti, "huwag kang mag alala dahil maayos na si Shan Dave. Everything will be okay," ang bulong ko sa kanya.
Itutuloy.