Alyas Kanto Boy 2
The Reunion
AiTenshi
Part 8
ALDRIN POV (ANG GWAPONG GAGO)
"Hoy Escaler, bakit ba saksakan ng init iyan ulo mo?" tanong ko kay Johan noong lumabas ito sa kusina, gulo gulo ang buhok at susuray suray at parang antok na antok pa.
"Dahil nagtataka ako sa iyo, kung kailan kasal na tayong dalawa saka tumamlay sa s*x. Akala mo ba hindi ko napansin na ang lamya ng tsupa mo sa akin kagabi?" ang paninita nito.
"Ano ka ba? Pareho tayong pagod sa trabaho ano bang ineexpect mo? Saka anong akala mo sa bibig ko? Vaccum cleaner na hihigupin ng buo yang t**i mo? Gusto mo ihampas ko sa ulo mo tong hotcake na ito?" ang inis kong tanong.
Maya maya ay bigla siyang napahawak sa kanyang ulo, "Arrgh, umaatake na naman yung cancer ko!"
"Wala kang cancer Escaler! Anong susunod mong gagawin? Tatalon ka sa bathtub natin at sasabihin mong nalulunod ka?"
"Ang sabihin mo nawawalan kana ng gana sa akin dahil sawa ka na sa akin at gusto mo na makipag divorce!" ang sagot nito.
"Hoy Escaler, bakit mo ba sinasabi yung mga bagay na iyan? Dahil naboringan ka sa blow job ko kagabi ay umabot na sa ganyang lebel yung pag iisip mo? Epekto ba iyan ng paghihiwalay niyong mga alyas?" tanong ko.
"May reunion kami at mamatay kayo sa inggit mga alyas misis na basag trip!" ang sagot nito.
"Hoy, nag aaway ba kayong dalawa?" tanong ni mama sa amin noong pumasok na tingin ako kay mama at napailing nalang. "Wala po ma, nag kukwentuhan lang po," tugon ko alangan namang sabihin ko kay mama na tungkol sa b*****b yung pag aaway namin.
"O siya, papasok na ako sa opisina, maiwan na kayong dalawa dito. At please lang kung tatawagan niyo akong dalawa para sabihin na nagpplan kayong bumukod ay huwag na dahil hindi ko ito sasagutin. Sobrang laki nitong bahay, dumito muna kayo kahit mga ilang taon pa, para may kasama naman ako." ang wika ni mama sa amin.
"Mga ilang taon pa ba mama?" tanong ko.
"Hmmm, mga 10 years pa! Okay bye boys!" ang wika nito sabay kuha sa kanyang bag dahilan para mapangiwi kami ni Johan.
"Mabuti pa si Shan Dave may sarili nang bahay, ako itong professional na businessman, entrepreneur of the year at isang super young and handsome millionaire ay wala man lang maipundar na sarili bahay. Para saan ang pagiging super hot husband ko na may malaking t**i kung hindi kita makakantot sa bawat sulok nito?" ang malungkot na wika ni Johan.
"Super hot, young, handsome and p*****t husband, iyan ang 100% accurate," ang aasar ko dahilan para mapanguso siya.
Rollercoaster ang naging takbo ng buhay namin ni Johan bilang mag asawa. Kung hindi ka sanay sa ugali ng isang lalaking seloso, mayabang, pilyo, malibog at gwapong gwapo sa kanyang sarili, malamang si Johan ay hindi para sa iyo. Sa mga lumipas na buwan ay hindi pa rin ako halos makapaniwala na kami ay mag asawa na. Yung mga katrabaho ko ay "Mr. Escaler" na rin ang tawag sa akin, lahat rin ng documents ko na binago at ikinabit ang apeliyido ni Johan kaya naman proud na proud ito at pakiramdam niya ay hawak niya ako mula ulo hanggang sa paa. Para pa rin kaming aso't pusa, iyon nga lang ay mas malambing kami sa isa't isa at mas naging mature ang aming pananaw sa buhay kumpara noon.
Isang buwan pala buhat noong makauwi kami galing sa Amerika at excited na rin si Johan sa kanilang makasaysayang reunion bagamat parang medyo OA lang kung iyong iisipin dahil hindi naman sila ganoon katagal nagkahiwa-hiwalay.
"Bakit napaka gago ni Gomer? Bakit ginagawa niya to kay Ernest? Kawawa naman yung tao, last night ay idineny niya yung tao tapos ngayon i-announce nila na sila dalawa na nung Howie na kung saang lupalop lang nadiscover? Napakawalang kwenta ni Gomer! Sobrang disappointed ako sa kanya dahil siya pa naman yung pinakamatalino at pinakamatino sa inyong lima," ang naiinis kong salita noong makita ang balita sa social media. I tried na mag reach out kay Ernest pero naka off na ang phone nito.
"Publicity nga kasi iyon, saka dapat inihanda na ni Ernest yung sarili niya sa ganoong posibility," ang sagot ni Johan habang nagddrive.
"So, what you are trying to say is tama yung ginawa ni Gomer? Ganoon ba? At talagang inunawa mo pa yung kalokohan at kasinungalingan ng kaibigan mo?" ang wika ko sabay kuha sa cellphone ni Johan at dinial ko ang number ni Gomer. "Hey, ano bang ginagawa mo babe? Bakit tinatawag mo si Gomer?"
"Aawayin ko! Isang mura lang para gumaan ang loob ko!" ang wika ko na hindi maitago ang pagkagigil.
"Huwag na tayo makisawsaw sa problema nila. Ang isipin mo nalang ay kung anong posisyon yung gagawin natin mamaya sa s*x natin dahil love night mamaya," ang pilyong sagot nito.
"Sira ka talaga, gigil na gigil ako dyan kay Gomer!" galit kong sagot.
"Huwag kana magalit dyan, baka kung mapano yung baby natin. Saka labas tayo sa issue nilang dalawa."
"Eh ikaw di mo ba kayang pagsabihan o payuhan man lang itong kaibigan mong siraulo?" tanong ko.
"Pag walang kinalaman ang issue sa gawain ng alyas ay wala kaming pakialamanan. Personal na desisyon ni Gomer iyon at wala tayong magagawa dahil iniisip niya ang career niya na ngayon palang namumulaklak. Siguro kayong mga alyas misis ay nagpapaki-alamanan na parang mga babaeng nahihirapan ng napkin kapag may mga regla kayo," ang hirit nito.
"Syempre kaibigan ko lahat iyon kaya concern kami sa isa't isa," ang tugon ko naman.
"Mga babae nga naman," ang bulong ni Johan.
"Ano yun? May sinabi ka ba?" tanong ko naman.
"Wala, sabi ko hinihintay na tayo ni papa doon. Biruin mo buhat noong umuwi tayo last-last week ay hindi pa natin siya nabibisita, nagtatampo na tuloy ang tatay ko," ang wika niya.
"Don't tell me itutuloy mo yung plans?"
"Yung big 2 plans natin sa future? Yes, itutuloy natin siyempre. Mag-aanak din tayo, di tayo papatalo kila Raul at siyempre ay susundan ko ang yapak ni papa sa politics."
"Politcs? Wala sa usapan iyan ah. Yung pagkakaroon ng anak ay nagpag-usapan natin ay magkaroon ng tig-iisang anak, tapos yung pagpapatayo mo ng bagong pwesto sa negosyo. Anong politics ang pinagsasasabi mo? Anong alam mo sa politika aber?" tanong ko sa kanya.
"Siyempre Governador ang father ko kaya may alam ako sa politika. Saka mayroon na mang adviser."
"Sinong adviser naman ang kukunin mo?" tanong ko.
"Edi sina Raul at Shan Dave. Sino pa ba sa tingin mo?" pagmamalaki nito dahilan para mapakunot noo ako. "End of the world na kapag yung dalawa na iyon ang kinuha mo. Magpatayo ka nalang ng bagong building para business mo, yung pag popolitika ay ipaubaya mo nalang sa tatay mo," ang sagot ko.
"Babe, huwag ka na nga masyadong ma-stress sa akin, suportahan mo na lang ako. Iyon ang tungkulin mo bilang asawa ko. Bukod sa pagpapaligaya mo sa akin tuwing gabi," hirit nito sabay halik sa aking labi.
Nagpatuloy siya sa pag ddrive patungo sa bahay ng papa niya at pagdating namin dito ay nagulat ako dahil mas lumaki pa yung bahay nila, halos 3rd floor na ito. Ilang buwan lang kaming nawala ay naging ganito na agad. "Nga pala, nakalimutan kong sabihin na pinagawa ni papa ito para daw dito tayo tumira. Ayos diba?" wika nito habang nakangising pumasok sa kanilang bakuran.
Pagdating sa kanilang balkunahe ay agad kaming sinalubong ng kanyang ama kasama ang mga kaibigan din nito sa politika. "Please welcome, councilor Johan Escaler!" ang wika ng mga ito at nagpalakpakan sila.
Nakangisi naman si Johan at galak na galak.
"Seryoso? Anong alam ni Johan sa politika? Councilor agad? Pwede bang doon muna siya sa barangay magsimula? Baka naman nabibigla itong mga ito?" tanong ko sa aking sarili. Hinawakan ni Johan ang aking kamay, "nakita mo na? Gusto nila akong maging politician rin kagaya ni papa," ang wika nito na galak na galak at isa isang kinamayan ang kasamahan ng ama sa politika.
Kinamayan rin nila ako at siyempre ay natuwa ang papa ni Johan noong makita ako, "Aldrin hijo, mabuti naman at hindi nahirapan itong si Johan na kumbinsihin ka sa desisyon niyang pumasok sa politika?" tanong ni papa habang naka akbay sa akin, papasok kami sa kanilang tahanan kung saan may kaunting pagsasalo salo.
Natawa ako kunwari, "Oo nga po papa, actually kakasabi lang niya sa akin kanina sa car yung desisyon niya," ang tugon dahilan para matawa ito. "Dont worry hijo, sure win si Johan, sa gwapo niyan ay baka mag landslide pa," ang confident na wika ng ama nito.
"Eh sa kagwapuhan ay wala namang duda, kung ito ang pagbabasehan ay sure win na. Paano naman yung utak? Yung ugali? Kung minsan si Johan ay parang laruang depekto," ang bulong ko sa aking sarili pero nakangiti pa rin. Yung pilit at halatang nabibigla sa mga nagagana.
Umupo kami sa lamesa at nakipag kwentuhan sa limang politiko sa aming harapan, ang ilan dito ay mayor pa at 1st councilor sa mga bayan nila. "Maganda ang plataporma ni Johan kung sakali. Ito ay may kinalaman sa "equality" at siyempre ay pagpapatibay sa relasyon ng mga couple. Mag coconduct tayo ng mga seminars para sa mga couples at si Johan ang mangunguna dito. Ngayon palang dapat ay magpicture na kayong mag ama, kailangan rin ang larawan ni Aldrin bilang magandang ehemplo ng equality sa pagmamahal. Napaka unique talaga ng platform ni Johan at sure win ito. Parang inihahain na sa kanya ang posisyon ngayon palang," ang paliwanag ng isang mayor na ninong namin sa kasal.
Si Johan naman ay nakangisi lang, samantalang ako naman ay napangiwi..
"Johan, mahilig ka pa ba horseback riding? Minsan ay lumibot kayo doon ni Aldrin sa farm namin at mangabayo. Hindi maganda sa mga katulad niyong couple ang laging nakasubsob sa work. Dapat ay mag relax din kayong dalawa," ang wika ng 1st council.
"Yes tito, madalas pa rin ako mangabayo, napapasigaw nga itong si Aldrin kapag sobrang bilis na," ang pilyong sagot ni Johan sabay himas sa aking hita.
"Sira talaga tong si Johan, pati mga kaibigan ng tatay niya pinagttripan, obvious naman na yung sinasabi nito ay yung s*x position namin sa gabi. Syempre hindi naman nila alam ito lalo't literal na literal ang kanilang mga nasa isipan," ang bulong ko sa akin sarili.
"Huwag ka kasi masyadong mabilis dahil baka maaksidente ka, mayroon ka pang future sa politics at im sure after ng 5 years ready kana sa mas mataas na posisyon," ang wika nila habang naka ngiti.
Noong mga sandaling iyon ay napatingin ako kay Johan, ang aking titig ay may halong pagkainis. Kaya naman lumapit siya sa akin harapan at bumulong, "okay ka lang babe?"
"Mag uusap tayong dalawa mamaya Escaler," tugon ko na hindi maitago ang pagkainis.
Tahimik.
Pauloy kamin sa pagkain hanggang sa maya maya ay mapatingin sa akin si papa. "Aldrin, kumusta naman sa inyo ang aking anak? Hindi ba siya pasaway? Teka nabigla ka ba sa desisyon na pumasok siya sa politics?'
"Opo papa, hindi ko naman kasi ineexpect na magkakainteres itong si Johan sa politika. Siguro paguusapan pa namin ng masisinsinan ang tungkol dito lalo't may plan kami kumuha ng surrogate mother para mabigyan kayo ng apo," ang tugon ko.
"Wow, iyan ang pinakamaganda plan ninyo sa lahat. Para saan itong yaman at magandang buhay natin kung wala tayong munting anghel na tumatakbo takbo dito sa bahay. Don't worry hijo, mag seset ako ng family dinner para mapagusapan nating plans niyo," ang nakangiting wika ni Gov.
"Salamat po papa, sa ngayon ay iyon lang muna ang plans namin ni Johan," ang nakangiti ko ring tugon.
Itutuloy.