Kumukinang sa liwanag ang marangyang bahay na iyon kung saan ipinasok ni Sandro sa malawak na bakuran ang kanyang sasakyan. Nakamasid lamang si Athena sa kanilang dinaraanan habang papalapit ng papalapit sila sa malaking bahay. "Oh, I miss this house, I lost for almost six months," sabi ni Sandro, ipinark nito ang sasakyan sa malawak na garahe at pagkatapos ay bumaba na ito, gumiya ang binata patungo sa kinaroroonan ni Athena at pinagbuksan ng pinto ang dalaga. "Let's get inside," aya nito kay Athena nang tuluyan na itong makababa ng sasakyan. Alanganing sumunod naman si Athena sa binata hanggang sa makapasok sila sa loob. Tahimik ang buong paligid. "Ikaw lang ba mag-isa rito, sir?" tanong ng dalaga, wala kasi siyang nakikitang tao sa paligid. "I have maids and helpers here. It's late