DAIG pa niya ang natuklaw ng ahas dahil sa nakita. Malamlam ang liwanag ng ilaw pero kahit sa dilim ay hindi niya pwedeng ipagkamali ang bulto ni Alexis. Sigurado siyang ito ang kaulayaw ni Lyka bukod pa sa suot nitong damit kanina bago siya iwan sa silid. Kapagdaka'y nanikip ang kanyang dibdib. Bumuhos ang walang katapusang luha sa kanyang mga mata. Ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin niya makuhang isara ang bibig dahil sa labis na pagkabigla. Sa huli ay tinutop na lamang niya iyon dahil kung hindi ay siguradong makalilikha siya ng ingay. Baka nga magpalahaw pa siya ng iyak. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Daig pa niya ang sinaksak sa dibdib dahil sa sakit kaya naisip niyang mas mabuti pang pinatay na lang siya ni Alexis. Nanlalabo man ang mga mata niya dahil sa walang k