"NAGTATAKA talaga ako kung bakit biglang nanlamig sa akin si Alexis, e. And now I realized, ikaw pala ang dahilan. Ang dakilang tagapag-alaga ni Tito Gov." Buhat sa kinauupuang beach couch ay napatingin si Ninia sa kanyang gawing likod. Kahit madalang lang niyang marinig ang boses ni Lyka ay sigurado siyang ito ang nag-aakusa sa kanya. Magkasama sila ni Alexis doon kanina pero ipinatawag ito ng mga magulang sa isang staff, dahil may kailangan daw ritong isangguni ang manager ng resort. Isinasama siya nito pero mas pinili niyang manatii malapit sa dalampasigan. Kaysarap sa pakiramdam ng mabibining alon sa kanyang paa at nang preskong hangin na dumadampi sa kanyang balat. Lumingon siya at noon nga niya nakita ang mabalasik na mukha ng babae. Nakakatakot ang awra nito at malayong-malayo kapag