"WHAT'S wrong? Ang sabi ko kanina, matulog ka na, e. Bakit hinintay mo pa ako?" ani Alexis alas onse ng gabi nang madatnan siya nitong nakadungaw sa bintana ng kanilang villa. Muli ay niyapos siya nito mula sa likod. Mas pinili niyang tumayo doon dahil hindi siya dalawin ng antok. Sinubukan niyang mahiga pero biling baligtad lang siya sa kama. Kahit pinagtatawanan lang niya kanina ay aaminin niyang gumugulo sa isip niya ang mga sinabi ni Travis. Ayaw niyang aminin pero paano nga kung ampon pala sila ni Nancy? Paano kung hindi ang nakagisnang pamilya ang totoong pamilya nila ng kapatid? Sari-saring tanong ang nabuhay sa kanyang isip. Sabik siya sa bakasyon pero mukhang maookupa lang ng pag-iisip ang kanyang libreng oras kagaya ngayon. Napahugot siya ng malalim na hininga bago humarap kay Al