Vaniella's POV 160. Pinagmamasdan ko mag-bonding sina Hakan, Maki, at Korinto. Nasa may bandang veranda sila at kanina pa sila nag-uusap at nagtatawanan sa mga topic na hindi ko alam. Narito kasi ako sa may bandang sala kaya hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila. Natatanaw ko lang ang kanilang masayang pag-uusap at tawanan subalit hindi ko naman mawawaan kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Nanonood ako ng Korean Drama rito sa may sala ng mansion, movie marathon ako kahit mag-isa lang ako. Ito ang pampalipas oras ko kapag nasa bahay ako at hindi kaharap si Hakan. Kapag kasama ko si Hakan suspense and thriller ang madalas namin panoorin. Tapos horror din kapag wala na kaming mapili na panoorin. Minsan historical movie rin ang pinapanood namin, iyong tungkol sa mga hari at reyna noo

