Hakan's POV “Whew!” Nakahinga ako nang maluwag nang pagmulat ko muli ng paningin ko ay wala naman sina Daddy at Daddy V. Baka namamalikmata lang ako kanina nang makita ko sila na nakatanaw sa aming bahay. Dahil siguro ito sa pagod ko sa maghapon na importanteng okasyon na aming dinaluhan na mag-asawa. At idagdag pa ang halos dalawang oras na biyahe pauwi rito sa aming mansion kaya siguro nagha-hallucinate ako na nakita ko aking ama at biyenan. I know hindi ko pa oras. Naka-remind lagi si Maria Vaniella sa maintenance ko. Hindi ako pasaway sa diet ko kahit kailan—ay tumikim pala ako ng balat ng manok kanina. Konting-konti lang iyon kaya I’m sure it will not raise my cholesterol in a bit. Pwede naman akong uminom agad ng maintenance ko para agapan ang pagtaas ng aking blood pressure. “C

