Hakan's POV "Hakan, bilisan mo naman ang lakad mo. Mamamaya marami ng tao sa beach. Mahihiya na akong magpakuha ng litrato." "Okay. I'm coming." Bitbit ko ang bag ni Maria Vaniella nang lumabas kami ng hotel na tinutuluyan namin. Pinaglalagyan ito ng mga abubot niya habang magkaagapay kami sa paglalakad patungo sa tabing-dagat. May laman itong bottled mineral water, bimpo, battery operated mini fan, sunblock at kung ano-ano pang abubot na hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang magdala ng mga ganito. Handang-handa siya talaga para sa outing na ‘to. Dinala pa niya talaga ang mga ito kahit tingin ko ay hindi na niya ito need dahil hindi naman mainit. Medyo makapal kasi ang ulap sa himpapawid at medyo malakas din ang simoy ng hangin na tila ba ay may nagbabadyang pag-ulan mamayang h

