Hakan's POV Bumuntong-hininga ako ng malalim bago ako sumunod kay Maria Vaniella na palabas na ng kwarto namin. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa dining room kung saan ay nakahain na ang aming mga kakainin. Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam niya. Akala ko kaninang umaga ay tuluyan na siyang magkakasakit at matetengga kami rito sa Tanauan hanggang sa gumaling siya. Iyon pala ay sinumpong lang siya ng kaniyang paglilihi na hindi ko rin naisip dahil sa katarantahan na aking nadama. Nawalan siya ng malay at hinang-hina. Tapos mainit din siya. Kaya naman kailangan ko ng maging handa sa susunod pang mga araw. It will getting worse and worse everyday. Alam ko naman na ang aking gagawin dahil danas ko na ‘to noon sa kaniya nang ipaglihi niya ang kambal namin. Iyon nga lan

