Vaniella's POV “Is it true?” “Y-Yes.” I answered stammering without looking at him. My face turned red. I need to bow my head just to hide from him my embarrassment. Nakakahiya! Hiyang-hiya ako pero ayaw ko ng humaba ang usapan na ‘to. Napasubo na rin lang ako kaya wala na akong nagawa kundi ang umamin kay Hakan. Kung bakit naman kasi nadulas ako sa sarili kong mga salita. Isa ito sa sikreto ko na ayaw kong malaman niya o ng kahit nino pa man. I did it when he was drunk. I can't remember when because I decided to forget about it. Nagkaroon na nga ako ng amnesia about it, actually. Pero ako naman mismo ang nagpaalala sa sarili ko. Ang engot ko kasi. Ako ang nagpahamak sa sarili ko. Kaya heto, napaamin ako ng wala sa oras dahil ayaw ko naman na isipin niya na nagawa ko na ito sa iba.

