Natapos agad ang halik. Bitin na bitin ako habang nakatingin ako sa asawa ko na ngayon ay nakatingin na sa labas ng bintana. Ang bilis naman ng halik niya. Gaganti pa lang sana ako pero agad na niyang pinutol at parang naaalibadbaran pa siya na lumayo siya sa akin na parang malaking pagkakamali sa kaniya na hinalikan niya ako sa labi. Nawala lang yata siya sa sarili niya saglit kaya niya ako hinalikan. Akala ko pa naman na-miss niya ako. Akala ko magtatagal pa ang halik niya. Binitin niya ako. Pinasabik… “Did you miss me, my queen?” Hindi nakatiis na tanong ko sa aking asawa. Gusto ko lang makasiguro na siya nga ang kasama ko ngayon at hindi doppelganger lang niya. Kapag tinarayan niya ako at hindi pinansin, it means siya ang kasama ko. Kapag hindi naman ganoon nag ginawa niya at ma