Vaniella's POV Nawalan ng malay sa mga kamay ko si Hakan. Halos maiyak na ako sa takot dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang hinimatay. Ang ganda pa ng ngiti niya kanina. Ang ayos pa ng usapan namin. Tapos nagulat na lang ako nang bigla na lang niyang hinawakan ang tapat ng puso niya at namutla siya. Sumisigaw na humingi ako ng tulong sa mga guards niya na agad kaming dinaluhan nang gumilid ang sasakyan namin sa kalsada. Ang isa sa mga kasama namin na royal guards niya ay medics pala. Agad niyang sinuri ang hari at nagtataka siya kung bakit nawalan ng malay si Hakan kung normal naman ang vital signs nito. Sinabi niya na wala naman sakit sa puso ang hari. Naka-monitor din sa kaniya ang blood pressure nito, sugar nito at pulse rate nito kaya alam niyang healthy ito